Chapter 07

1.7K 35 0
                                    

"Excuse me Conrad, I was never called to the Dean's office in my entire studies. Grumaduate ako ng law na malinis ang school record ko, unlike you." Kanina pa naguusap si Bianca at Conrad habang nandito kami sa kusina, kumakain ng tanghalian.

"Likewise Bianca, I graduated with a flying color and became one of the topnotcher for architect licensure board exam. Baka nakakalimutan mo?" Bahagya kong nilingon si Conrad na abala sa paghihiwa ng steak sa plato niya. Architect siya? Architect ang asawa ko? Ngayon ko lang nalaman ang trabaho niya. Namangha ako.

"Okay, I surrender Architect Conrad Lehman." Tinaas pa ni Bianca ang kamay niya na may hawak na kutsara at tinidor.

"As you should, attorney." Parehong natawa ang dalawa habang ako ay tahimik na pinaglalaruan ang gulay na nasa pinggan. Tila nararamdaman ko na wala akong alam sa mundo nila, na sila lang ang nagkakaintindihan. Hindi ko rin matanggap na wala akong alam tungkol kay Conrad, ako na asawa pa naman.

"You're spacing out," nilingon ko si Conrad na naka-upo sa may kanan ko. "Tinatanong ka ni Bianca," nilingon ko si Bianca sa kabilang silya na katapat ni Conrad.

"I said, what's your special tee?" Nakangiting sambit ni Bianca.

"Ah, hindi kasi ako ang nagluluto, si Manang Celia." Tipid kong sagot.

"That's fine. You know what, I like cooking, kaya hangga't nandito ako tuturuan kitang magluto. I'll share my some secret recipe with you." Nakangiting presinta ni Bianca.

"Salamat," uminom ako ng tubig at pinunasan ang gilid ng labi gamit ang table napkin. "Pupuntahan ko lang si Manang Celia sa likod." Paalam ko at dire-diretsong lumabas sa dirty kitchen at hinanap sa likod si Manang Celia na naabutan kong inaayos ang mga halaman.

"Tapos ka nang kumain?" Binuhat ko rin ang paso na may tanim na white rose at sumunod kay Manang Celia para ilipat ito sa may ilalim ng puno.

"Nabusog po agad ako," ibinaba ni Manang Celia ang pasong buhat niya, itinabi ko rin ang white rose sa mga kasama nito.

"S'ya, papasok na ako. Ililigpit ko na ang pinagkainan niyo-"

"Hindi pa po tapos kumain sina Conrad at Bianca," mabilis na pagpigil ko kay Manang Celia.

"Huh? Eh bakit nandito ka hija? Sigurado ka ba na busog ka na? Ilang minuto palang ang lumipas nang hainan ko kayo." Umiwas ako sa tingin ni Manang Celia.

"Hindi po ako makasabay sa pinaguusapan nila, nawalan po ako ng gana."

"Hija..." Inabot ni Manang Celia ang kamay ko. "Mas maganda nga siguro na nakikinig ka para makilala mo ang asawa mo at baka makatulong din ang maririnig mo sa pagbalik ng alaala mo."

"Manang kahit po gusto kong makinig, parang may kumukurot naman dito." Turo ko sa aking dibdib.

"Nagseselos ka ba kay ma'am Bianca?" Parang siguradong tanong ni Manang Celia.

"Hindi po," mabilis na sagot ko. "Hindi ko lang po matanggap na wala akong alam na kahit ano tungkol sa asawa ko."

"Kasi wala ka namang maalala kaya normal lang iyon hija. Naiintindihan ka ng asawa mo, sigurado 'yan." Tumalikod ako at medyo bumaba para bunutan ng ligaw na damo ang mga halaman na nasa paso.

"Pero Manang pakiramdam ko po hindi ko talaga kilala si Conrad, na parang noon pa man..." Humina ang boses ko sa bandang dulo.

"Sandali. Naguguluhan ako. Paanong pakiramdam mo na hindi mo kilala ang asawa mo noon pa man?" Medyo bumaba na rin si Manang Celia para magbunot ng ligaw na damo.

"Naguguluhan din po ako Manang, baka nga po dahil lang sa wala akong maalala sa kahit ano."

"Kung naguguluhan ang isip mo, ito ang pakinggan mo." Itinuro ni Manang Celia ang puso ko. "Kahit magulo ang isip mo, kapag ang puso mo ang pinakinggan mo, hindi ka malilito." Napangiti ako sa sinabi ni Manang Celia.

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon