Chapter 14

2K 36 2
                                    

Tulala ako habang hawak ang picture namin ni Coleen, at ang magazine kung saan mukha ko ang nasa unang pahina.

Ako si Megan Cameron, hindi si Coleen Sandoval.

Parang dinudurog ng pino ang puso ko ngayon matapos bumalik ang mga alaala ko.

Sobrang sakit ng katotohanan.

Ang mga panahon na kasama ko si Conrad at wala akong alaala ay isa lamang malaking kasinungalingan! Hindi ko matanggap na ipinangalan sa 'kin ni Conrad ang babaeng totoong mahal niya, ang babaeng pakakasalan niya dapat, ang babaeng namatay dahil sa 'kin.

"Ang saya natin noon Coleen..."

Naalala ko ang araw na tinanong ko si Conrad kung masaya ba kami dati, ang araw na wala pa akong maalala kahit ano, at naniniwala na mag-asawa kaming dalawa.

"Until you ruined everything..."

Pumatak ang mga luha ko at niyakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naghahalo ang sakit, galit, konsesiya at lungkot.

"You ruined everything! Sinira mo ang buhay ko!"

Tila naririnig ko ang boses ni Conrad ngayon, nakikita ko ang galit nitong mga mata sa utak ko. Tama nga siya. Sinira ko ang buhay niya dahil sa nawala ang babaeng minamahal niya sa isang iglap ng dahil sa 'kin. Ako nga talaga ang dahilan ng mga paghihirap niya.

Ngayon ay naiintindihan ko na si Conrad. Ang pinanggagalingan ng galit at pagkamuhi niya sa 'kin at masasabi kong nararapat lang sa 'kin ito. Wala akong karapatan na magalit kay Conrad dahil sa ikinulong niya ako sa isang kasinungalingan sa loob ng mahabang panahon, dahil kung tutuusin mas higit pa dapat dito ang nararanasan ko.

Nasapo ko ang aking dibdib dahil sa pagkirot nito nang sobra. Basang-basa na rin ang pisngi ko dahil sa pagluha at tila naubusan ako ng lakas. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari, at nadamay pa ang buhay ng ibang tao sa magulo kong buhay.

Sa kabila nang mga tumatakbo sa utak ko, isang tanong ang nabuo. Kung minahal ba ako ni Conrad bilang ako sa mga panahong wala akong maalala.

"Why just don't you die?!"

Umukit ang matinding sakit sa puso ko. Nasagot na ang tanong ko at mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

Hindi.

Hindi ako minahal ni Conrad.

Kaya pala nagagawa niyang sabihin sa 'kin ang mga salitang iyon, kaya pala nagawa niyang tutukan ako ng baril dahil wala naman talaga akong puwang sa puso niya. Sa mga mata niya ay isa lamang akong kriminal, ang pumatay sa babaeng minamahal niya.

Mas lalo akong napahagulgol matapos kong maalala ang nangyari sa 'min kagabi. Hindi ko na magawang ngumiti kapag naalala ko kung paano niya ako angkinin, dahil ang tumatakbo na sa isip ko ngayon ay nakuha na niya ang ako ng buong-buo kaya ngayon ay iniwan niya na ako, na tapos na siya sa pagpapahirap sa 'kin.

"C-conrad..." Umiiling na iyak ko. Sobra-sobra ang sakit. Mas hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa kung paano ako husgahan ng mga tao noon, mas doble pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nangangatog ang mga tuhod ko at nanghihinang itinukod ang mga kamay. Napahawak ako sa paa ng kama para maging suporta sa pagtayo ko.

Sana nga ay namatay na lang ako 'gaya ng gusto ni Conrad.

Sana hindi na lang ako nakaligtas.

Sana hindi na lang ako nagising pa.

Muli akong napatingin sa picture namin ni Coleen. Ang mga ngiti ni Coleen sa picture ang nagbigay sa 'kin ng isang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako.

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon