Chapter 19

2.1K 28 0
                                    

"How about you, Meg?" Shinut down ko ang computer at inayos ang mga folder na nasa table ko bago humarap kay Alexis. "Last time, we went to Baguio kaya ngayon ang plano naman namin for this long weekend ay sa Bora naman. Ikaw? Saan mo ba gusto?"

"Salamat pero hindi ako makakasama." Nakangiting sambit ko at agad na lumapit sa may table ko si Jade.

"Why? Once a year lang may pa long vacation ang bawat department ng company kaya sumama ka na. For sure mageenjoy ka, maliban na lang kung naboboringan ka sa 'min nakasama."

"Hindi sa ganu'n. May pinaglalaanan lang ako sa pera." Paliwanag ko kahit biro lang ang huling sinabi ni Jade.

"Si Maco na ang bahala sa expenses mo, Meg. 'Di ba, Maco?" Gulat na nilingon ni Maco si Jovan na mahinang binato ng ballpen na tumawa naman.

"Ako na naman nakita mo. Pero why not?" Bumaling ito sa 'kin. "Basta sumama ka lang."  Presinta ni Maco na nakahiligan nang pumunta rito sa office namin at sabay-sabay kaming mag-o-out.

"Plano kasi namin ng mama ko na lumipat ng bahay habang wala akong pasok ng ilang araw, balak ko rin na tulungan si mama sa pagbubukas ng bake shop niya. Kaya pasensiya na kung hindi ako makakasama sa inyo. Sa susunod na lang siguro."

"Sayang naman. Sige, dadalhan ka na lang namin ng pasalubong pagbalik namin." Turan ni Maco.

"Baka hindi pasalubong ang maiuwi ko galing Boracay, baka something hard and long..." Hagikhik na singit ni Gab.

"Sa pababoy ka na naman Gabriel." Pananabla ni Rina rito at nagsimula na naman sila sa asaran at tarayan kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti sa mga gantong simpleng eksena.

Sa ilang buwan kong pagtatrabaho na kasama sila, naging magaan ang paligid ko kahit hindi madali ang ginagawa namin. Sila ang madalas kong kasama tuwing lunch break at kasabay na bumaba ng building kapag uwian. May isang beses din na sinorpresa nila ako dahil isa ako sa mga top performing employee ng company no'ng nakaraang buwan bagay na hindi ko inaasahan, ang alam ko lang ay nakasentro ang isip ko sa pagtatrabaho at maibigay ang kinakailangan para sa trabaho.

Gusto ko ang ginagawa ko kahit nakakapagod. Ibang-iba sa kung ano ang trabaho ko noon sa harap ng camera na kailangan maingat sa bawat galaw at bawat sasabihin ay nakaayon sa kung ano ang nilalaman ng script. Nakikita ko rin kung sino ang mga totoong tao sa paligid ko na pinaparamdam sa 'kin na pare-pareho lamang kami at naiintindihan ako.

"Meg... Tita, you can stay here hangga't sa gusto niyo, hindi ko pa naman kailangan itong condo." Alam ko na gusto ni Bianca ang manatili pa kami rito sa kanyang condo kaya kinukumbinsi niya kami ngayon ng aking ina.

"Sobra-sobra na ang naitulong mo sa 'min, anak. Ito rin ang plano namin ni Megan dati pa." Anak na rin ang turing ng aking ina kay Bianca na yumakap sa braso ng mama ko.

"Iba pa rin po Tita kapag nandito kayo. Mamimiss ko po ang cupcake niyo." Paglalambing ni Bianca sa aking ina. Napapailing na lang ako habang ipinapasok sa maleta ang mga damit namin ng mama ko.

"Puwede ka namang bumisita sa apartment na lilipatan namin, isa pa, magtatayo na rin ng bake shop si mama roon kaya kahit araw-araw kang pumunta, pabor din 'yon sa 'min para laging may benta si mama." Hirit ko naman at lumundag sa kama si Bianca para hampasin ang braso ko.

"Sabi na 'e! Pagkakakitaan mo ako. Binibigyan nga lang ako ni Tita Stella ng cupcake, 'di ba Tita?" Baling nito kay mama na tumatawa namang sumang-ayon at inilabas ng kwarto ang maleta.

"Maraming salamat sa lahat." Inabot ko ang kamay ni Bianca. "Kung wala ang tulong mo, hindi kami makakabangon ni mama. Marami na akong utang na loob sa 'yo at hindi ko alam kung paano kita mababayaran."

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon