3 Years later . . .
"Titingnan ko kung aabot ako Bianca. I'm just waiting for the result, but I'll do my very best to be there on your engagement party." Ibinaba ko ang lapis at sinara ang sketch book. A breathtaking view of skyscraper of La Défense, a city that were located just west of Paris gives me chills habang nandito ako sa hotel where I stay for almost two months.
"You have to be present Meg, kung hindi magtatampo talaga ako sa 'yo." Sigurado akong nakanguso ngayon si Bianca kahit hindi ko ito nakikita.
"Update agad kita once I'm on my way. Alam mo namang hindi kita matitiis." Sumimsim ako sa hot chocolate na nasa table ko.
"As you should. I love you beb. I miss you! Miss ka na namin ni Tita." Napangiti ako lalo na nang marinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya na tinawag ang pangalan ko at sabihin na mag-iingat ako palagi.
"Miss ko na rin kayo." Ibinaba ko ang tawag pagkatapos kong sabihin iyon at binuhay ang laptop. Isang email ang pumasok sa email ko at kinakabahan ko itong binuksan. "Yes!" Maluha-luha ako sa tuwa habang binabasa ang laman ng email and I can't help but to be proud of myself. Tatlong katok sa pinto ang kumuha sa atensiyon ko kaya tumayo ako at pinagbuksan ang kumatok sa labas. It was Rina in her teary eyed.
"I made it, Meg..."
"Ako rin," isang mahigpit na yakap ang ginawad namin sa isat-isa at ramdam ko ang tuwa ni Rina na 'gaya ko ay wala ring mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ngayon.
"Guys, we made it! Pasado kami ni Meg!" Pagbabalita ni Rina kina Alexis na nasa video call at kita ko na nasa opsina ang mga ito ngayon. Sabay-sabay nila kaming binati at hindi na rin sila makapaghintay na makabalik kami ng Pilipinas.
Kaming dalawa ni Rina ang pinadala ng company para sa foreign industrial design class dito sa Paris, kung saan tinuruan kami pagdating sa sketching ng heels at sapatos at kung paano ito ginagawa. Isa ito sa mga program ng Sueños y Recuerdos para sa mga empleyado at kapag nakapasa rito ay magiging bahagi ng creative design and development ng kompanya.
Noong una ay wala akong kaalam-alam sa kung paano ginagawa ang sapatos, nagsimula ako sa wala at pinapanood lang sa factory ang proseso ng paggawa ng bawat sapatos at heels pero ngayon, marami na akong natutunan at ang mga design ko naman ang susunod na ipapakilala ng kompanya.
Marami na ang nangyari sa nakalipas na tatlong taon.
Sa tuwing titingnan ko ang aking sarili mula sa salamin, hindi ko mapigilan ang pagngiti at purihin ang sarili ko. Nagawa ko. Naniwala ako sa sarili ko na makakaya ko at ngayon nga ay hindi ako nabigo.
"Nandito na sila," si Maco ang nagbukas ng glass door ng function hall. Sinalubong kami ni Rina ng confetti na pinaputok ni Jade at Gab sa entrance. Halos lahat ng empleyado ay narito at binabati kami ni Rina. Ang company service ang sumundo sa amin ni Rina sa airport kaya sa building ang diretso namin pagkatapos ng mahabang biyahe sa eroplano.
"Namiss ko kayo mga sis!" Yakap na salubong sa 'min ni Gab na sinundan ni Jade at Alexis, at bineso naman kami ni Jovan. Nang makarating kami ni Rina sa unahan, ito ang unang nagbigay ng speech niya at pasasalamat na naluha pa dahil sa tuwa.
"This company gives me an opportunity to reach my dreams, to fix myself and to believe in myself. Habang nasa Paris kami ni Rina, nakita namin kung paano mahirapan ang bawat isa, those sleepless nights and pressure becomes our rival, pero kayo at ang kompanya ang naging sandalan namin to continue, to survive and passed the exam. To the board of directors, CEO, chairman of Sueños y Recuerdos, lalong-lalo na kay Sergio, thank you for believing and trusting us. Asahan ninyo na lahat ng natutunan ko ay makakatulong sa mas lalong paglago ng ating kompanya. Sabi nga na ang ating kompanya, ang Sueños y Recuerdos, ay mga pangarap at alaala. Kaya hindi ko makakalimutan na ang kompayang ito ang bumuo muli sa 'kin at sa mga pangarap ko." Napuno ng palakpakan ang hall pagkatapos ng speech ko at tanggapin ang certificate mula sa mga boss ng kompanya.
BINABASA MO ANG
On His Painful Cage | COMPLETED
General FictionAng tanging alam n'ya lang ay asawa siya ni Conrad, ang lalaking puno ng galit at pagkamuhi sa kanya sa hindi n'ya malamang dahilan. Hanggang dumating ang araw na bumalik ang kanyang mga alaala at malaman na bihag siya ng kasinungalingan at masakit...