Epilogue

3.5K 55 11
                                    

Every time I think about my future, I saw her. Her sweet smiles make my mornings perfect. Her warm hugs are what I search for in the cold nights to fall asleep. She’s everything to me.

Siya ang buhay ko at kasama siya sa bawat pangarap ko. Siya ang dahilan sa lahat ng ginagawa ko. She’s a perfect wife you wish to have, and I am lucky enough that she chose me to be with her for the rest of her life, to be her husband. Kaya hindi na ako makapaghintay pa na dumating ang araw na magpalitan kami ng aming wedding vow sa isat-isa, ito na rin yata ang magiging pinakamasayang araw sa buhay ko kapag nangyari iyon.

Pero ang lahat ay may hanggan, at hindi ko lubos maisip na maagang lulubog ang araw para sa aming dalawa ng babaeng minamahal  ko.

Si Coleen.

Ang nangyari sa kanya ay isang madilim na yugto ng buhay ko. Bangungot na hindi ko matatakasan.

“I’ll pick you up before seven, I promise.” Ako ang nagtanggal ng seat belt niya.

“Kung hindi agad kayo matatapos sa meeting niyo, just text me. Kaya ko namang bumiyahe.”

“Susunduin kita kahit anong oras.” I insist.

“Ayos lang, balak ko rin kasing dumaan ng orphanage pagkatapos ng duty ko.” Malumanay na sabi ni Coleen habang kinakabit sa kanyang puting nurse uniform ang logo pin ng hospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse.

“Gusto kitang sunduin mamaya. Gusto ko na ako ang maghahatid at magsusundo sa ‘yo lalo na kapag kasal na tayo.” Humarap sa ‘kin si Coleen at hindi nito maitago ang ngiti at pamumula ng pisngi kaya napangiti na rin ako. God, I’m marrying the prettiest girl  in the world.

“Sige po Mr. Conrad. Take care. Kumain ka lagi sa tamang oras.” She knows me well. Alam niya na nakakalimutan kong kumain kapag masyado akong tutok sa trabaho.

“Hey,” pagpigil ko kay Coleen na bababa na sana ng sasakyan. “You forgot something.” Nagtatampong sambit ko. She smiled and pinch my nose na lagi niyang ginagawa bago ako halikan ng mabilis sa labi. “That's not enough, tsk.” I grabbed her back and owned her lips, matagal at malalim na halik na tila ba ito na ang huli para sa aming dalawa.

“Malalate na ako. Bye. Ingat sa pagmamaneho.” Kumaway pa sa ‘kin si Coleen bago ito tuluyang pumasok ng hospital.

“Congrats Architect Lehman, isa ka sa mga napili ng firm to be part of this big project of the year. Ipapadala kayo ng kompanya sa Barcelona next month para sa pagsisimula ng proyekto. I never regret for investing in you, magaling ka talaga.” Architect Saison offer his right hand for shakehands.

“Next month, Architect Saison?” Pag-uulit ko.

“Yeah. Bakit? Is there any problem?” Umiling ako. “This will be your big break as an architect, sayang naman kung ibibigay mo ito sa iba.” Tinanggap ko ang kamay ng senior ko na tinapik ako sa balikat nang dalawang beses bago ito lumabas ng meeting room. Sa susunod na buwan na rin nakatakda ang kasal namin ni Coleen kaya mukang kailangan kong gumawa ng isang desisyon. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone para tawagan ang fiance ko.

“Shit.” May ilang missed call mula sa numero ni Coleen, hindi ko napansin ang tawag nito kanina dahil bukod sa nakasilent ang cellphone ko, maghapon ko ring kasama ang mga seniors architect. Napamura ulit ako ng mahina nang makita ko kung anong oras na, it’s already 9pm in the evening.

“Hello, love?” Matapos ang ilang subok kong tawag sa numero ni Coleen, nakapasok din ako sa linya. “Nasa hospital ka pa rin ba? I’m on my way. I’m really really sorry.” Sinsero kong paghingi ng pasensiya habang nagmamaneho.

“Alam kong busy ka maghapon kaya naiintindihan ko.”

“I’m sorry. Babawi ako ngayon. Nag dinner ka na ba?”

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon