Chapter 15

2.2K 34 0
                                    

"Anong ibig sabihin nito, Violet?!" Binitawan ni Violet ang kamay ko at agad naman akong hinuli ng dalawang lalaki. "Violet, sagutin mo ako! Paano mo nagawa sa 'kin 'to?!" Pinipilit kong makawala sa mga kamay ng dalawang lalaki pero masyado silang malakas.

"Kailangan ko 'tong gawin dahil ayokong masira mo na naman ang pinaghirapan ko. Maayos na ang lahat Megan." Hinawakan ni Violet ang pisngi ko at tumaas ang kilay nito. "Sinayang mo ang mga sakripisyo ko noon sa 'yo, sinabi ko na sa 'yo na nagawan na namin ng paraan ni Miguel ang nangyari, malinis na ang pangalan mo, pero masyado kang nagmatigas." Marahas kong binawi ang mukha ko na hawak ni Violet.

"Nakipagtulungan ka sa walang hiyang 'yon?!" Galit na sambit ko.

"Kailangan. 'Yon lang ang tanging paraan para hindi madumihan ang pangalan ko dahil kahit sabihin mo sa mga awtoridad na labas ako sa mga nangyari, madadamay pa rin ang pangalan ko." Nag-init ang mga mata ko at kumawala ang mainit na luha, luha nang pinaghalong galit at pagkadismaya.

"N-nagtiwala ako sa 'yo Violet! A-akala ko kakampi kita, pero nagkamali ako!" Masakit na sumbat ko rito.

"Ang alam ng lahat ay wala ka na at 'yon din ang pinaniwalaan ko, mabilis ka nga lang nakalimutan ng lahat. Pero simula nang malaman ni Miguel na may kumakausap kay Mang Ben sa loob ng kulungan tungkol sa kaso ni Coleen Sandoval, ang nabangga mo. Nagduda siya, pinatiktikan namin ang arkitekto na nakakuha sa 'yo, kaya nalaman namin na buhay ka pa." Hindi ko makitaan ng konsesiya si Violet, wala sa mga mata niya ang awa sa 'kin. Pinaikot niya ako!

"Pinapatay niyo ba si Mang Ben?!" Tinalikuran ako ni Violet. "Ang sama niyo! Ang sama-sama niyo!" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko.

"Dahil magsasalita na siya Megan! Kaya wala na kaming pamimilian pa ni Miguel kun'di ang tapusin siya."

"Demonyo kayo! Napakahayup niyo pareho!" Pilit kong inaabot si Violet pero hindi ako makawala sa dalawang lalaking nakahawak sa mga kamay ko. "Kung tutuusin, hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi rin dahil sa 'yo Violet!" Humarap si Violet at sinampal ako.

"Huwag mo akong sisihin sa pagiging maarte mo! Kung sana lang binigay mo ang gusto ni Miguel noon pa man, e 'di sana hanggang ngayon namamayapag pa rin ang pangalan mo!" Mas lalong sumidhi ang galit ko kay Violet.

"Ibig mong sabihin na alam mo ang binabalak sa 'kin ni Miguel noong gabing iyon?!" Saglit na natigilan si Violet at mukang napagtanto nito na may nasabi siya. "Sinet up mo ako sa kanya! Hindi kita mapapatawad! Muntikan na akong mahalay ni Miguel, at alam mo kung anong trauma ang inabot ko dahil d'on! Kung hindi mo ako pinapunta sa hotel noong gabing iyon, hindi rin ako matuturukan ng pangpahilo ni Miguel! Hindi ko rin sana mababangga si Coleen! Kaya pala..." Sambit ko habang napapatango matapos may mapagtanto. "Kaya pala ayaw na ayaw mong sumuko ako noon sa mga pulis dahil madadamay ka, dahil ang totoo, ikaw naman talaga ang naging puno't-dulo ng lahat ng ito!"

"Kung sumunod ka lang sa 'kin Megan, wala sana tayong problema ngayon!"

"At tama lang na hindi ako nakinig sa 'yo! Magbabayad ka! Magbabayad kayong dalawa ni Miguel! Aghh!" Napadaing ako matapos senyasan ni Violet ang lalaking nasa kanan ko na sinuntok ako sa tiyan.

"Megan, ang alam ng lahat ay wala ka na talaga. Kaya mas madali na lang ngayon ang iligpit ka, pero bago mangyari 'yon, pagkakakitaan muna kita para naman makabawi ako sa mga ginastos ko sa 'yo noon." Sinubukang hawakan ni Violet ang mukha ko pero iniiwas ko ito. "Hanggang ngayon ay baliw na baliw pa rin sa 'yo si Miguel. Magkanong halaga kaya ang handang bitawan ni Miguel pagdating sa 'yo."

"N-nasaan ang mama ko?!" Ito ang inintindi ko kaysa sa kung anuman ang sinasabi ni Violet.

"Magkikita naman kayo ni Stella mamaya, kung 'yon ay sasabihin mo sa 'kin kung nasaan ang arkitektong tumulong sa 'yo." Pasiring kong nilingon si Violet.

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon