Chapter 09

1.8K 31 0
                                    

"Aray!" Daing ko matapos akong matalsikan ng mantika. Pinatay ko ang kalan at hinain ang ham at itlog sa mesa. Narinig ko ang yabag ng paa pababa ng hagdan kaya naghain na rin ako ng kanin sa pinggan para kay Conrad.

"What's that smell? Amoy sunog." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa umuusok pa ang kawali. Nilingon ako ni Conrad bago ito umupo. "Ham at itlog sa tanghali?" Kunot noo nitong sambit.

"Wala akong ibang alam na lutuin, pasensiya na." Napatingin ako sa baba nang mapailing si Conrad. "Tsaka wala na rin halos laman ang ref." Umupo na rin ako at naghain para sa sarili.

"What the hell is this?" Hindi na maipinta ang mukha ni Conrad na itinaas ang hawak nitong tinidor.

"Ham..."  Sagot ko. Itim na itim ang kulay ng nakatusok sa tinidor ni Conrad na napangiwi na lang.

"Kahit ang magprito hindi mo kayang gawin? This so simple thing to do." Dismayadong sambit ni Conrad na tumayo at binitbit ang kanyang pinggan sa lababo.

"Si Manang Celia kasi ang laging nagluluto. Kung nandito siya baka hindi masusunog-"

"Stop making excuses! Sanay na sanay ka talaga na umasa sa iba, kaya hindi na ako nagulat na na kaya mong ipasa ang kasalanan mo sa iba." Parang may kumurot sa aking dibdib lalo na nang itapon ni Conrad ang laman ng pinggan niya sa basurahan sa may baba ng lababo.

"Magluluto na lang ulit ako," presinta ko at tumayo.

"Just sit there. Ako na dahil baka hindi na lang pagkain ang masunog mo." Binuksan ni Conrad ang ref at kumuha ito ng itlog. Pinanood ko itong kumilos habang salubong ang kilay at tahimik na nagpiprito hanggang sa matapos ito at ilapag sa mesa ang prinito nitong itlog na may halong kamatis. "Hindi ka mabubusog kung papanoorin mo lang ako. Tss." Iginilid ko ang sunog na itlog at ham na niluto ko at kumuha ako sa niluto ni Conrad. Napangiti ako nang matikman ko ang niluto nito.

"What?" Aniya nang mahuli nitong nakatingin ako sa kanya.

"Wala, ngayon ko lang kasi natikman ang luto mo." Hindi ko maitago ang tuwa.

"It's just an egg, so what's special? Huwag mong isipin na pinagluto kita, gutom ako at hindi ko kayang kainin ang niluto mong hindi ko maintindihan kung ano."

"Pag-aaralan kong magluto, pangako." Umiling na lang si Conrad at nagpatuloy sa pagkain. Kung hindi niya sana pinaalis si Manang Celia, hindi sana siya magtitiyaga sa luto ko at kung hindi rin niya sana pinaalis si Bianca, baka ngayon ay tinuturuan na ako nitong magluto.

"I'm done. Bilisan mong kumain, aalis tayo." Awtomatikong napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi ni Conrad na tatanungin ko pa sana kung saan kami pupunta pero dahil sa mabilis itong lumabas ng kusina kaya hindi ko na nagawa.

Nagmadali ako sa pag-ubos sa laman ng pinggan ko at hinugasan ko muna ang pinagkainan namin bago ako umalis ng kusina. Paakyat na sana ako ng hagdan nang makasalubong ko si Conrad na nakahanging short na kulay puti at itim na shirt.

"Saan ka pa pupunta?" Salubong na tanong nito.

"Magpapalit," sagot ko naman dahil sa amoy usok na ang suot kong damit.

"Bilisan mo lang," tumabi si Conrad at nagmadali na rin ako sa pagakyat ng hagdan hanggang sa makarating ako sa kwarto namin.

Binuksan ko ang malaking aparador sa gilid. Napabuntong hinga ako dahil sa iilan lang ang nakahanger na damit ko, ang iba ay kupas pa ang kulay. Namili ako sa ilang bistida na nakahanger at ang puting bistida na umaabot hanggang tuhod ko ang napili kong suotin. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko na umaabot sa bewang ko, nang mapalagay na ako sa hitsura ko tuluyan na akong lumabas ng kwarto.

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon