Chapter 13

2.1K 30 3
                                    

"Nice! Perfect!" Sa bawat pitik at pag-ilaw ng camera iba't-ibang emosiyon ang pinapakita ko

"Beautiful shot! Hindi talaga ako nahihirapan kapag ikaw ang kinukunan ko." Puri sa 'kin ng photographer na ilang beses ko nang nakatrabaho sa iba't-ibang brand endorsement 'gaya na lamang ngayon. Lumapit sa 'kin ang stylist at inayos nito ang buhok kong medyo kulot ang dulo at ang suot kong all white suit.

"Of course! She's Megan Cameron." Nagmamayabang na sambit ni Violet, ng manager ko. "Ilang shots pa? May interview pa ang alaga ko mamayang alas sinco." Baling nito sa photographer na tanda ko ang mukha pero hindi ang pangalan, sinubukan din nitong kunin ang number ko dati pero hindi ko binigay at pasalamat ako na hindi rin ibinibigay ni Violet dito.

"Five more shots, Violet. Chill ka lang, may two hours pa bago mag alas sinco." Bahagyang hinaplos ng photographer ang braso ni Violet na pumipitik ang kamay na hinampas ng mahina ang photographer na may halong paghagikgik. Nagpalit ako ng damit para ternuhan ang kilalang brand ng bag na ineendorso ko para sa last shots.

"These shots are truly stunning! Ang gaganda! The bags looks classy and expensive!" Rinig kong sambit ng may ari ng ineendorso kong brand habang nakatingin sa laptop na nasa kabilang area. Nagmamadali itong lumapit sa 'kin habang inaayos ko naman ang naiwan ko pang gamit dahil sa ibinababa ng PA ko sa sasakyan ang iba kong gamit. "Hindi talaga nagkamali ang company na ikaw ang kunin to become our brand endorser for this quarter, hindi sayang ang gastos namin sa 'yo. I hope we can work together again."

"Siyempre naman Mrs. Sollis, just send me your appointment, basta kayang isingit sa schedule ng alaga ko." Turan ni Violet na kakatapos lang makipagusap sa tumawag sa kanyang telepono.

"Oh sure dear, thank you!" Nakipagbeso si Mrs. Sollis sa manager ko at lumapit din ito sa 'kin para makipagbeso. "Oh just wait!" Tumalikod ito at nagmamadaling tumungo sa kabilang table at pagbalik ay may dala itong bouquet of flowers na ibinigay sa 'kin. "Thank you!" Walang katapusang pasasalamat nito na gusto pa sana kaming ipahatid ni Violet palabas ng studio pero tumanggi na ang manager ko na nagmamadali na rin dahil sa hinahabol namin ang call time para sa live talk show na aattendan ko mamayang alas sinco.

"Ms. Meg, kanina pa po tumatawag." Bungad sa 'kin ng PA ko na siyang nagbukas ng van para sa 'kin. Tiningnan ko ito nang may pagtatanong kung sino ang tumatawag. "Si Ma'am Stella po, ang mama mo." Bumagsak ang balikat ko.

"Sagutin mo na, tumatawag din sa 'kin 'yan kanina, na lowbat na nga cellphone ko dahil sa walang tigil na pag-ring." May pag-irap na sambit ni Violet, dati rin nitong hinahandle ang aking ina na ngayon ay nasa kabilang network station. Kinuha ko ang cellphone sa PA ko at sinagot ang tawag habang pasakay ng van.

[Sa wakas at may sumagot din sa tawag ko! Hello? Megan?]

Hindi ako nagsalita.

[Bakit hanggang ngayon nakafreeze pa rin ang bank account ko? I want to travel pero hindi man lang ako makabili miski bagong damit. Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan? I've already changed!]

On His Painful Cage | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon