Nagkakagulo ang lahat ng media sa hallway ng hospital at agad itong nagsilapit nang matanaw ako habang nasa wheelchair na tulak-tulak ng isang nurse habang kinakausap naman ni Bianca ang mga pulis. Dinala sa hospital ang aking ina dahil sa nawalan ito ng malay at kailangan ko ring ipalinis ang sugat ko sa braso na nadaplisan ng bala. Nawawalan ako ng lakas dahil sa mga nangyari kaya bumigay ang katawan ko na kahit ang tumayo ay hindi ko magawa.
"Buhay nga si Megan Cameron!" Hindi makapaniwalang turan ng isang reporter.
"Ano nga ba ang totoong nangyari sa iyo Miss Meg? Napabalitang kinitil mo raw ang sarili mong buhay ayon na rin sa naging pahayag ng manager niyo noon."
"Totoo rin ba na wala na ngayon ang Manager mong si Violet?"
"Kumakalat din ngayon na ang isa sa mga nagmamay-ari ng station na si Miguel Tolentino ay dinukot 'di umano kayong mag-ina, may katotohanan ba ito?"
"Nadadawit din ang iyong pangalan sa isang aksidente na ikinasawi ng nagngangalang Coleen Sandoval. Kayo ba talaga ang nakabangga rito at pinagtakpan lamang kayo noon ng manager niyo?"
Hinarang ng mga pulis na makalapit sa 'kin ang reporter at kumukuha ng litrato at video. Kanya-kanya sila nang pagtatanong at hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin isa-isa lalo na ngayon na hindi ko pa kayang pagusapan ang mga nangyari.
"Wala hong kukuha ng kahit ano kay Megan," singit ni Bianca. "Maglalabas kami ng official statement sa bawat tanong niyo." Unti-unting tumahimik ang mga reporter. "I'm Bianca Louisiana Ricohermoso, and I am her lawyer. Hintayin niyo na lang ang statement na ilalabas ng client ko sa susunod na araw, at kung sinuman ang maglalabas ng kahit anong balita na walang consent at confirmation mula sa 'min ng client ko ay sasampahan namin ng kaso." Walang nagawa ang mga reporter kun'di ang tumabi para bigyan kami ng daan.
Inabot ko ang kamay ni Bianca at tiningnan ako nito, ngumiti ako rito bilang pasasalamat at ngumiti rin ito pabalik. Tumigil kami sa tapat ng isang pinto at sakto namang lumabas ang doktor na pamilyar sa 'kin ang mukha.
"Kumusta ang mama ko?" Tanong ko sa doktor.
"Your mother is fine, masyado lang bumagsak ang resistensya ng katawan niya kaya marahil nawalan siya ng malay. Kailangan niya lang magpahinga ng ilang araw." Paliwanag ng doktor na bumaling kay Bianca. "How are you? Are you okay?"
"Hindi ako ang pasyente mo rito Liam," sagot naman ni Bianca at bumuntong hinga naman ang doktor na ngayon ay naalala ko na kung saan ko ito nakita.
"Makakakita pa ba ang mama ko?" Nag-aalala kong tanong.
"Kapag bumalik na ang lakas ng mama mo, it's better you bring her to ophthalmologist to check her eye condition," marahan akong tumango. "May I excuse myself?" Paalam nito.
"Everything will be fine, Meg." Tinapik ni Bianca ang balikat ko.
"May balita na po ba sa paghahanap kay Conrad?" Baling na tanong ko sa pulis na kukuha sa 'kin ng statement sa lahat ng nangyari.
"Tanging mga parte pa lang ng chopper ang narerecover sa dagat at ang katawan ng piloto at ni Miguel, ipagpapatuloy ho bukas ang paghahanap-"
"Bukas? Bakit ipagpapabukas niyo pa? Paano kung kailangan ni Conrad ng tulong? Paano kung marami siyang natamong sugat dahil sa pagsabog? Bianca, kausapin mo sila na huwag huminto sa ginagawa nila..."
"Masyado na hong malalim ang gabi at malalaki na ang alon, nahihirapang maghanap ang rescue team sa dagat."
"Kaya nga ho mas kailangan ng tulong ni Conrad ngayon! Hindi niyo po ba ako naiintindihan?" Naluluha kong turan.
"Meg, calm down. They're doing their job." Mahinahong sambit ni Bianca.
"Tama ho si Ma'am, ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya makita lang ang katawan ni Mr. Lehman-"
BINABASA MO ANG
On His Painful Cage | COMPLETED
Genel KurguAng tanging alam n'ya lang ay asawa siya ni Conrad, ang lalaking puno ng galit at pagkamuhi sa kanya sa hindi n'ya malamang dahilan. Hanggang dumating ang araw na bumalik ang kanyang mga alaala at malaman na bihag siya ng kasinungalingan at masakit...