26. Chanyeol/Chen

13 0 0
                                    

Aly's POV.

Nagising ako sa ingay.
May nag sisigawan.

Nandito ako ngayon sa PR ng EXO. Pinatulog nila ako kasi masakit ang ulo ko.

Pero nagising din ako dahil may nagsisigawan.

Bumaba ako nakita ko silang hawak hawak si Chanyeol at Jongdae
May dugo sa mga labi nila.

"Putan*na naman! Una palang sinabi ko na sayo! Akin sya AKIN!!!" Chanyeol.

"Putang*na rin naman! Chanyeol! Sinabi ko ng wala nga kaming relasyon! Puta! Kaibigan kita pero ayaw mo ko paniwalaan!!!" Jongdae

"Hayop naman! Paniwalaan? Pano kitang paniniwalaan diba may gusto ka sa kanya!? All this time! Putangna! ALL THIS TIME!! Pinagkatiwalaan kita! Tapos eto pa isusukli mo? Aahasin mo Girlfriend ko!? Tang ina lang Chen Tang ina lang!" Chanyeol.

Ngayon ko lang nalaman meron palang girlfriend pala si Chanyeol. Pero teka? Inahas daw ni Jongdae.

"Oo chanyeol! May gusto ako sa kanya! Pero ako ang na una. I was the first chanyeol! I WAS! Pero sumali ka sa eksena. Nagkagusto ka rin sa kanya! Nagkagusto rin sya sayo! At NIRESPETO ko yon! Nirespeto ko ang relasyon nio!! kasi KAIBIGAN KITA!!
Pero dati pa yon wala na kong gusto sa kanya!!!"
Sabi ulit ni Jongdae.

"Nirespeto? Waah! Respeto? Kung nirespeto mong hayop ka ung relasyon namin! Hindi sya makikipagbreak sakin at hindi ko kayo makikitang naghahalikan!! Pero ano? Asan ung sinasabi mong respeto? Ha? ASAN!? Nakipagbreak sya sakin kasi Inahas mo sya!" Sabi naman ni Chanyeol.

"Chanyeol! Tumigil kana. Tumigil na kayo." Awat ni Junmyeon oppa at Yifan Oppa.

"No hyung!" Chanyeol.
"Alam mo chen hindi lang kaibigan ang turing ko sayo! Parang kapatid na kita. Tayong lahat parang magkakapatid na tayo. Pero wala. Walang halaga sayo yon kasi mismong kaibigan/kapatid mo trinaydor!" Chanyeol.

"Ganyan ba tingin mo sakin chanyeol? Ganyan ba? Kung kapatid ang turing mo sakin hindi mo ko pagiisipan ng ganyan! Sinabi ko na sayo! Sya ung humalik! Sya! Chanyeol naman. Ako kaibigan mo dito! Ako paniwalaan mo! Bata palang tayo magkakasasama na tayo! Bata palang tayo lagi na akong nagpaparaya para SAYO!" Sabi ni Jongdae habang pinupunasan ung luha nya. Saka nagpatuloy magsalita.

"Nung sinabi ko sayong gusto ko si yohee pero gusto mo rin pala sya nagparaya ako para sayo.Tuwing pasko pag wala ung magulang mo. Pag wala kang kasama nagcecelebrate ng pasko. Sinasama kita sa bahay namin kasi ayokong nagiisa ka gusto ko maramdaman mo na kahit wala ung magulang mo hindi mo nararamdaman na nagiisa kalang na walang nagmamahal sayo!" Jongdae.

"So sinusumbatan mo ko?
Bakit sinabi ko ba sayo na samahan mo ko pag pasko ha? Akala mo ba hindi ko nararamdaman na awa lang yon ha?" Chanyeol.

Grabe hindi ko nakinaya at nakisali na ko

"Chanyeol! Jongdae! Tama na yan! Ganyan nio ba tatapusin ang pagkakaibigan nyo dahil sa isang babae?!" Sigaw ko na din. Tinignan ako ng masama ni Chanyeol.
Medyo napaatras ako.

"Wala kang pakialam dito Alyssa! Dahil una palang hindi ka kasali dito at hindi mo alam ang ang storya! Hindi mo pa kami ganon kakilala lahat Kaya wag kang magsalita ng parang alam mo ang lahat dahil wala kang alam!!" Sigae nya sakin. Nasaktan ako sa sinabi nya.
Pero tama naman sya e. Wala nga akong alam.

"Chanyeol! Don't talk to her like that!" Sigaw ni Yifan Oppa.

Hinila nalang ni Chanyeol ung braso nya sa pagkakahawa sa kanya at nagsimulang maglakad paalis pero biglang nagsalita si Jongdae. Kaya napahinto sya sa paglalakad.

Fated To Love You (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon