Kapitulo Dos

10.2K 528 73
                                        

Mistake 

Ayen's

Wala na akong ibang naririnig mula kay Andres kundi ang pangalan ni Rafaelle. Palagi niyang kinukwento si Yafa – as he fondly calls her – sa kapatid ko. Feeling ko nga kahit na hindi pa kami nagkakakilala ni Yafa o Rafaelle o kung anuman ang gusto niyang itawa sa sarili niya ay kilalang kilala ko na ang buong pagkatao niya. The fact remains that Andres likes her so much and sometimes – no scratch that – madalas akong natatakot sa mga salitang susunod na lalabas sa bibig ni Andres, nab aka bigla niyang sabihin kay Kuya Adi na sila na pal ani Rafaelle at magpapakasal na sila.

I've been so in love with the same man for a decade now. Akala ko noong fourteen years old ako at nasaktan ako ni Andres by declining my confessed love for him ay mababago na ang nararamdaman ko. I tried distracting myself, inilayo ko na rin ang sarili ko sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa kanya at sa mga alaala niya. Fourteen years old pa lang ako pero dramarama sa hapon na ang peg ko. May paiyak – iyak pa ako kay Ate Alona noon. Nakinig pa nga ako sa advice ng Ate Alona na sumubok na gumusto ng ibang tao, pero sa huli, marupok lang ako para kay Andres.

I loved him in my own silent way and it's so frustrating because Andres never seemed to care about me. Well, he does care pro only as a friend and a sister lang daw. Sabi ni Kuya Adi sa akin noon matagal nang nangungulila si Andres sa pagmamahal ng isang kapatid na babae kaya raw tuwang – tuwa sa akin ito. Like, bakit ko naman tatanggapin ang pagmamahal ni Andres sa akin bilang kapatid? May mga kapatid ako at ayoko nang madagdagan iyon. Masyadong paladesisyon si Andres. Bahala siya sa buhay niya kaya ako, nagdesisyon din akong mahalin siya kahit na ako na lang ang nakakaalam.

Ang hirap pala ng ganito. Years have passed, I acted as if nothing is happening inside me, pero tuwing maririnig ko ang pangalan ni Rafaelle sa mula sa bibig niya ay nasasaktan ako. May mga panahon pang umiiyak ako kapag hindi siya nakakapunta sa bahay dahil kailangan niyang samahan si Yafa sa ganito. Ang katwiran niya, minsan lang naman daw umuwi si Rafaelle sa Pilipinas, minsan lang sila nagkakasama. It's so unfair, si Rafa, naiisip niya, pero akong hindi talaga siya nakakasama ay hindi niya man lang nabibigyan ng panahon.

Ang tagal – tagal kong iniinda iyon. Paulit – ulit kong sinasabing bahala si Andres sa buhay niya pero kapag makikita ko siya at yayakapin niya ako, mawawala na naman ang tampo ko sa kanya. Mamahalin ko na naman siya nang buong- buo kahit nasasaktan ako. Sabi ko sa sarili ko, mawawala rin ito, makakalimutan ko rin siya. Mas malaki ang posibilidad ng bagay na iyon noong maka-graduate ako at nadestino sa Lanao Del Sur matapos ang graduation ko. I graduated at the top of my class. Isa ako sa dalawang babaeng nag – uwi ng pinakamataas na karangalan sa batch namin and my father was so proud of me that moment.

Naroon ang buong pamilya ko, kahit nga si Kuya Jestoni na hindi ko naman tunay na kapatid, pero siyempre wala si Andres, at dahil sa hindi niya pagpunta, nasaktan na naman ako lalo nang malaman ko ang dahilan kung bakit hindi siya nagpakita. He went to New York to visit Rafaelle. I was, of course disappointed but I wasn't surprised. Sino ba naman ako para pagtuunan niya ng pansin? Binalewala ko na lang iyon, balewala naman ako sa kanya. Bahala na talaga siya sa buhay niya.

I didn't bother anymore. Kahit na ang sakit – sakit nang puso ko. I tried again. I tried to move on but to no avail talaga si Andres lang ang gusto ko. It's been a long time, marami na kaming pinagdaanan, namatayan na ako ng papa at lahat – lahat, pero alam ko sa puso kong si Andres lang ang gusto ko.

The heart is weird, ginugusto nito ang mga taong wala namang gusto sa atin, kung bakit, hindi ko alam, basta ang alam ko kahit madalas akong durog kay Andres, hindi ko naman siya mabitiwan.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon