Kapitulo Tres

11.8K 532 84
                                        

Tang inang, Andres

Jose Andres Birada's

"Thank you, Andres!"

Ngising – ngisi si Gabrielle Anne sa akin matapos niyang abutin ang isang bucket ng Jollibee Chicken joy na ayon sa kanya ay pasalubong ko sa kanilang mag – ina pero sa totoo lang siya ang namilit sa akin na bilhin iyon. Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang kasal ni Toni at mula noong umagang nahuli ako ni Anne – kaming dalawa ni Ayen ay hawak na niya ako sa leeg. Kundi ko lang mahal ang buhay ko hindi ako makikinig kay Anne. Sa tatlong linggong "pagtulong" raw niya sa akin. Anong klaseng tulong iyon? Iyong nauubos ang pera ko? Medyo malaki naman ang sahod ko bilang NBI Agent na may posisyon sa opisina pero hindi makatwiran na parang 20 per cent ng pera ko sa kanya na lang napupunta kasi tang ina napakatakaw ng asawa ni Adriano! Ang hindi ko pa maintindihan, bakit hindi siya tumataba, kain siya nang kain at itong inaanak kong si Alaine, parang sa kanya nagmana. Malakas rin kakain!

"Anak, baby girl, mag-thank you ka kay Ninong Andres, masarap ang pasalubong niya sa atin!" Ang inaanak ko ay tatlong taong gulang na. Kamukhang – kamukha siya ni Anne, sabi nga ni Adi pati hugis ng ngiti ni Anne ay kuhang – kuha ng anak nila, gusto kong sabihin na nakakamali siya kasi pati appetite ni Anne ay kuhang – kuha ng batang ito.

"Thank you, Nongnong!" Wika ni Alaine sabay kagat sa hita ng manok. Napakinggan kong tumatawa si Adi sa may gilid. Day off niya ngayon kaya maghapon lang siya rito sa bahay niya kasama ang mag – ina niya. Gusto kong sabihin na walang nakakatawa dahil araw – araw akong halos dumadaan dito para ibigay ang pagkaing luho ng asawa niya.

"Wow! Nandito na naman si Nongnong Andres! May pasalubong pa sa baby namin!" Hinagkan ni Adi ang noo ng anak niya. I faked a smile. Sa totoo lang kung may choice lang ako, hindi ako pupunta rito araw – araw. Ano naman business ko kay Anne araw – araw... Napabuntong – hininga ako, kundi ko lang mahal ang buhay ko, hinding – hindi ako makikita ni Adi rito sa bahay nila. Bahala sila sa buhay nila.

"Napapadalas yata ang pagdalaw mo sa inaanak mo ha?" Tuwang – tuwa si Adi sa anak niya,. Napahagikgik pa siya nang kusang lumipat si Alaine sa kanya para subuan siya ng chicken joy. "Ang gaganda ng dalawang babies ko. Kain nang kain."

"Kain nang kain wala nang ginawa iyang asawa mo kundi kumain." Bulong ko.

"Ano?" patingin ako kay Adi.

"Wala. Kain kayo nang kain. Ang bibo ng anak mo. Nakakatuwa. Si Anne naman sarap lamutakin ng mukha." Sinimangutan ako ni Anne. Tumingin si Anne kay Adi, ibinaba niya ang kinakain niyang manok tapos ay ngumisi. Napalunok ako habang nanlalaki ang mga mata.

"Adi, alam mo ba si Andres, noong gabi noong dinner nila Toni at Annabeth... nauna pa siyang makipag-honeymoooooo---"

Sa sobrang kaba ko, kumuha ako ng manok para ipasak sa bibig ni Annie. Nagulat naman si Adi. Si Alaine ay napatawa sa ginawa ko – sinabayan ko na lang ng tawa iyon. Napapalatak si Adi saka tiningnan ako ng masama.

"Andres naman! Paano kung nabulunan si Annie!"

"Okay lang sanay namang sumubo iyang jowa mo!" Tumawa na naman si Alaine pero nakatanggap na ako ng irap mula sa tatay niya kaya nanahimik na ako. Binalingan ko si Annie. "Kain nang kain, gusto bukas dalhin kita ng shanghai mula sa Binondo? Gusto mo iyon diba? Ano pang gusto mo? Kahit na ano basta h'wag lang iyong buhay ko. HAHAHAHAHAHAH!" Tawang – tawa ako pero kabang – kaba naman ako lalo nang kumunot ang noo ni Adriano.

"Pinagsasabi mo?" Tanong niya sa akin.

"Paano kasi diba may ano---"

"Love iyong babae na pinadala mo sa kanya." Sabi ni Anne sa akin. Tumawa na naman ako. Ninenerbyos ako. Araw – araw kong pinoproblema ang halaga ng buhay ko kapag kaharap ko itong asawa ni Adriano. Dati gustong – gusto ko si Anne. Mabait kasi siya, makulit, iyong tiping little sister material, pero ngayon, tuwing nakikita ko siya ay nakakaramdam ako ng pangamba. Naisip ko tuloy na mas maigi pang sabihin na lang ni Anne ang totoo kay Adi kaysa naman ganito akong nangangamba palagi...

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon