Kapitulo Ocho

7.2K 340 25
                                        

Andres, galit yarn?

Ayen's

HINDI tuloy masaya ang bakasyon ko. Tatlong linggo nga lang iyon tapos puro gulo pa ang nangyayari dahil sap utang inang si Andres na iyan. Naiinis talaga ako sa kanya. Mabuti na lang hindi big deal para kay Kuya at Mama ang nangyari sa amin. I noticed that my brother isn't that strict anymore. Siguro nakikita na niyang malaki na ako at nakikita ko na ang tama at mali. I sighed. Hindi ko pinagsisisihan kahit kailan ang nangyari sa amin ni Andres nang gabing iyon, hindi ko rin pinagsisisihan na minahal ko siya. Ayoko man aminin but Andres had given me memorable moments in my life. Masaya mao o malungkot, nakakatawa man o nakakaiyak, nandyan si Andres, but I am tired. I got so tired that I am willing to let him go now.

"Okay ka lang?" Mama and I were gardening that morning. Naiinis pa rin ako kay Andres pero sinusubukan kong h'wag na siyang isipin. Iilang araw na lang ang nalalabi sa bakasyon ko, gusto ko namang maging masaya.

"Nabubiwisit lang ako kay Andres, Mama." Sabi ko pa. Mama chuckled. "Doesn't it bother you?" I couldn't help but ask her. Tumingin si Mama sa akin.

"Na may nangyari sa inyong dalawa at nalaman ko ito? Siyempre iniisip ko iyon anak. I wanted you you to be happy and comfortable if and when the time comes that you are to give up your virginity. Wishful thinking lang naman iyon, anak. Ang iniisip ko na lang ngayon ay sana maging masaya ka, kasi from what I have seen that night, mukhang hindi ka naman masaya anak. I haven't seen you cry so hard since Papa died." May lungkot sa boses ni Mama. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Okay lang naman ako, Ma. Pero kami ni Andres, hindi okay, matatagalan siguro bago ko siya muling matingnan sa mga mata pero ang mahalaga, sinisimulan ko nang unti – unting buuin ang sarili ko. Okay naman ako. Kaya ko naman." Hinaplos ni Mama ang mukha ko.

"Kaya sa'yo ako, anak, malakas ka. I think your father have raised all three of you the best way."

"Aba, siyempre naman, Mama! Kasama ka kaya doon!" Nauwi kami ni Mama sa tawanan at pinagpatuloy na lang naming ang pagtatanim ng mga halaman niya. Iwinawaksi ko rin si Andres sa isipan ko, pero mahirap talaga. Naisip ko bigla kung anong ginagawa niya ngayon, kung kahit kailan ba ay napadaan ako sa isipan niya o masyado siyang abala sa buhay niya at sa kakaisip kay Rafaelle para maisip niya ako. I just want to forget my feelings for him. Baka kapag nangyari iyon, makalimutan ko na siya ay maibalik ko na ang dati kong pakikitungo sa kanya. I wonder if he misses that version of me. But I doubt it, wala naman mahalaga kay Andres kundi ang sarili niya.

Magtatanghalian nang matapos kami ni Mama sa pagtatanim. Kaming dalawa lang sa bahay ngayon. Hindi naman umuuwi ng lunch break si Ate Alona kaya nag – order na lang kami ng pagkain at saka nagsalo. Mama was telling me her fond memories of our father, nakaramdam naman ako ng inggit. I want what my parents had before. Iyong pag – ibig na nakakatuwa lang, iyong magaan at hindi mahirap, iyong hindi nakakasakal, kasi sa ngayon ganoon ang mayroon ako para kay Andres, nasasakal ako sa sarili kong pagmamahal sa kanya. Nalulungkot ako dahil hindi niya ako makita bilang higit pa sa kapatid. Mahal na mahal ko siya at ang tanging nais ko lang naman talaga ay makalimutan siya.

I though avoiding him was the hardest part, it's the unloving him part that's getting through me. Napakahirap. I mean, how can you unlove a person? Na-realize kong hindi dahil nasasaktan at nagmumukha na akong tang ay magiging sapat na iyon para makalimutan siya, parang tanga pala talaga ang mga puso, the more that Andres rejects me, the more I want him. Napakabobo ko rin kasi talaga. I shook my head.

Nakaupo lang ako sa living area pagkatapos naming kumain ni Mama. Si Mama ay pumasok sa silid niya para manood ng K-drama niya. Ako naman ay nag-cellphone lang. Naiinip ako, gusto kong lumabas pero wala naman akong maayang kasama. Nagpunta ako sa contacts ko at matagal na tinitigan ang pangalan ni Santi Arandia. I was smiling. Regular naman kaming nagkakausap sa text, pero since this morning ay wala siyang message sa akin, okay lang kayang i-text ko siya? May siyam na araw na bakasyon na lang ako, I want to make the most out of it and I feel like if I message Santi, he'll be able to show me a good time, saka sabi niya noong nakaraan, ipapasyal niya raw ako sa hacienda nila, and I am looking forward to that. I bit my lower lip and I have decided to call him. Kinakabahan pa ako noong una pero sinagot niya rin naman. Nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon