Lahat para kay Ayen
Andres'
"LAGI kang nakangiti ngyon, Andres. Mukhang nakakabuti sa;'yo ang pamamalagi rito sa Bulacan." Magaan ang boses ni Papa nang madatnan ko siya sa bahay nang hapong iyon. Pangalawang date na naming ni Ayen at kahit tuwing lumalabas kaming dalawa ay kasama naming ang epal na si Santi, okay lang, ramdam ko naman na sa akin ang buong atensyon niya, Minsan nga napapansin kong pinanlalakihan niyapa ng mga mata si Santi, kulang na lang ay paalisin niya ito kaya talagang ramdam ko ang pagkakataong ibinigay niya sa akin at nagdesisyon naman akong ingatan iyon.
Ayoko ng buhay na wala si Ayen. Hindi pa kami opisyal na magkasintahan ay nararamdaman ko na ang saying dala niya sa akin, what more kung girlfriend ko na siya? Lahat ng oras na umiyak siya dahil sa akin ay papalitan ko ng isnag magandang alaala. Hinding – hindi ko na hahayaan si Ayen na masaktan at umiyak lalo na kung ako lang naman ang dahilan.
"Nandyan ka pala, Pa, kumain na ba kayo ng meryenda?" Hindi ko maiwasan ang pagkalaki – laking ngiti ko habang lumalakad papunta sa kanya. Nakaupo si Papa sa isa s amga sofa sa sala habang nakatanaw na naman sa malayo. Madalas ko siyang nakikitang ganoon at madalas ko ring naiisip kung tungkol ba kay Mama ang iniisip niya o si Ma'am Nadia na naman. Tulad ni Mama ay sinukuan na naming si Papa. Hindi na naming binabanggit magkakapatid sa kanya ang kahit na ano tungkol sa nanay naming. He asks questions about mom, we answer but that's just about it. Lumaki kaming magkakapatid na may tampo sa kanya, iyong bunso naming si Alberto, siya ang may galit kay Papa pero hindi naman siya dumating sa puntong binastos niya ito dahil kahit iniwanan niya kami noon para sumama kay Ma'am Nadia sa Amerika ay hindi kahit kailan lumabas sa bibig ng nanay namin na masama siyang tao.
"Oo, kanina. Dumating dito si Rafaelle at dinalhan ako ng ispabok. Kumain at nagkuwentuhan kaming dalawa. Saan ka galing?"
"Ah, pinasyal ko lang po si Ayen." Sagot ko. Napansin kong napabuntong – hininga pa si Papa pero may ngiti sa labi niya, ngunit kung titingnan ang mga mata niya ay kitang – kita ang kalungkutan niya. I sighed again. Maybe I needed to stay with him for a while. Minsan lang naman kami magkausap at magkasama, siguro kailangan niya ng kausap sa ngayon. "Kayo, Pa, kumusta? Ilanga raw na ako rito pero hindi pa rin tayo nagkakausap nang maayos."
"Ayos naman ako." Isa na namang buntong – hininga ang lumabas sa kanya. "Ang Mama mo ba? Kumusta?"
"Mabuti naman siya, Pa. Aliw na aliw kay Joshua, nag-iisang apo eh." Isa na namang buntong – hininga ang pinakawalan niya. Hindi ko na matiis na tanungin siya, I've been wondering about this ever since we got back together. I took a deep breath – just like him and I finally fired the question. "Do you regret leaving us, Papa?"
Hindi naman na siya nabigla sa tanong ko, parang alam naman na niya na isa sa mga pagkakataong ito ay lalabas talaga iyon, the question now is, is he going to answer me truthfully?
"I do. I regret everything anak." Sabi niya sa akin. "No matter how much I try to make it up to her, or to our family, things will never be the same. Kaya ikaw, siguraduhin mong malinaw ang mga bagay – bagay lalo na ang nararamdaman mo bago ka magdesisyon." He sighed. "Whatever it is, anak, h'wag kang mabuhay nang tulad ko. Maging masaya ka." Isang matipid na ngiti ang binigay niya sa akin. It is so overwhelming, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya but I managed to give him a slight nod. Si Papa ang unang umalis, nagtungo siya sa kusina habang ako, naiwanang nakatulala sa sala.
Ang saya – saya ko kanina, biglang bumaba ang emosyon ko. Hanggang ngayon, wala sa pamilya naming ang pinag-uusapan ang nangyari noon. Thankful kami kay Mama dahil itinaguyod niya kaming lahat nang siya lang. College na kami nang pumayag siyang tumanggap ng sustento galing sa Papa naming. She is civil to him, but every time I see them together, I couldn't help but think about the what ifs in my head.
BINABASA MO ANG
Trouble is YOU
Ficção GeralAndres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14