Andres and Ayen
"LOVE! Baby!"
Ayen was all smiles while waving at me. Nasa airport kaming dalawa, sinundo ko siya dahil matapos ang anim na buwan ay isa nang ganap na sibilyan si Ayen. Nag – resign na siya sa army at ngayon ang uwi niya. Ang saya – saya ko. Mahirap din naman kasi para sa aming dalawa ang long distance relationship. Miss na miss namin ang isa't isa tapos lagi pa akong nag-aalala sa kanya. Si Ayen ang nasa field. Nakadestino siya sa isang malayong lugar kung saan kilalang pugad ng mga rebelde. Palagi akong kakaba-kaba kapag iniisip ko ang posibilidad na maipit si Ayen at ang mga ka-grupo niya sa isang engkwentro laban sa mga rebelde – isang bagay na hindi naman naganap sa mga panahong naroon si Ayen at nakadestino. Maayos naman daw ang parting iyon ng Zamboanga kahit na may mga rebelde pa roon. Hindi naman daw mahirap ang ginagawa nila, pero siguro, kahit na ilang beses pa akong kalmahin ni Adriana ay hindi mawawala sa puso at isipan ko ang pag-aalala.
Masaya talaga akong nandito na siya ngayon. Nakalapit na kami ni Ayen sa isa't – isa. Niyakap ko siya nangt napakahigpit at saka ko siya pinugpog ng halik sa mukha. She was giggling. Nakahawak siya sa braso ko habang hindi mapigilan ang kanyang mga hagikgik.
"I miss you, my love, my baby!" I gave her a big peck on the cheeks. Hinampas naman ni Ayen ang braso ko habang bahagyang lumalayo sa akin.
"Andres! Nakakahiya! Pinagtitinginan nila tayo!" Pareho kaming palingon – lingon pero hindi naman ako nabagabag. Wala akong pakialam sa ibang tao. Basta gusto ko si Ayen. Mahal na mahal ko siya. Ang ganda – ganda ng girlfriend ko. Perfect! Ang sarap – sarap mahalin!
Kinuha ko na ang bag niya at inkabayan siya papunta sa parking lot. She was holding my hand and while walking together, I couldn't help but utter a little prayer. I thanked the Heavens for bringing her back to my life. Nagpasalamat rin ako dahil hindi ako sinukuan ni Ayen. Mahal na mahal talaga namin ang isa't isa.
Maayos na ang lahat ng gusot sa relasyon naming dalawa. Hindi madali para kay Adi na tanggapin ang katotohanan na ako na talaga ang pinili ng kapatid niya, pero natanggap niya rin kami. Pinatawad niya ako at finally, he chose to see the changes in me. I am glad that we are friends again. Sinong nagsabi na hindi pwedeng ganito? I have the best of bother worlds. I love Ayen, I love Adi and we are all happy together.
"So, how was your flight?" Tanong ko kay Ayen habang inaayos niya ang seatbelt niya.
"Okay naman. Buti hindi na-delayed. Gustong – gusto ko nang umuwi."
"Ay, bakit? Miss na miss mo ako?"
"Hindi no." Ngumuso si Ayen. "Si Mama ang nami-miss ko saka si Alaine. Palagi kitang kausap sa gabi, bakit kita mami-miss. Ay! Saka si Santi! Miss na miss ko." Napanguso ako. Bakit ganoon si Ayen? Sa mga video call naming, lagi niya akong nami-miss. Lagi niyang sinasabing mahal na mahal niya ako, na gusto niyang umuwi para magkasama na kaming dalawa, tapos ngayon mas nami – miss niya iyong putang inang Arandia na iyon! Hindi naman gwapo si Santi! May gwapo bang mukhang otap?! Hindi ako kumibo. Sinimulan ko na lang ang pagmamaneho. Change plans na. Iuuwi ko na si Ayen. Baka mas gusto niyang makita si Santi kaysa sa akin. Tahimik na tahimik ako habang nagmamaneho. Hindi ko siya pinapansin, kahit pa sinusundot niya ang tagiliran ko.
"Huy, ba't galit ka?"
"Hindi ako galit." Sinubukan kong maging mahinahon. "Iuuwi na kita."
"Agad?" Parang nagtatakang tanong niya. Tumango na lang ako.
"Oo. May pa – lunch sa bahay ninyo. Baka nandoon na si Santi. Diba miss na miss mo siya." Pinipilit ko namang itago ang inis ko. Bahala siya. Baka bukas ma-miss niya na ako. "Sana pala, si Santi na lang ang nanundo sa'yo no?"

BINABASA MO ANG
Trouble is YOU
General FictionAndres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14