Missing
Andres'
KUNG nakakamatay ang irap, kanina pa ako nakabulagta rito.
Isang linggo na mula nang maging official kaming dalawa ni Ayen at ang naging misyon ko sa buhay sa ngayon ay ang mapasaya siya at maibigay ang lahat ng gusto niya at siyempre ang mapatunayan sa lahat – lalo na sa pamilya niya at kay Adi.
Ayon, si Adi panay akong iniirapan, lalo na kapag magkaharap kami – tulad ngayon, titig na titig siya sa akin habang kumakain kami ng pananghalian sa bahay nila. Katatapos lang naming magsimba – kasama ang buong pamilya nila, ako, si Toni at ang asawa nitong si Annabeth. Nagkukwentuhan si Annie at Annabeth habang ako naman at si Ayen ay kumakain nang sinigang na hipon na luto ni Tita Alyana. Ang pwesto naming sa hapag ay magkatapat kami ni Adi. Napansin kong hindi siya kumakain, titig na titig lang siya sa akin at sinisimangutan ako kapag sinusubuan ako ni Ayen ng kanin at hipon. Pakiramdam ko, ako ang inuulam niya – ako at ang galit niya sa akin.
"Wala ka bang balak kumain, Adi?" Natatawang tanong ni Toni. Lahat tuloy ay napatingin sa kanya. Sukat ba naman ay sumubo siya ng kanin – walang ulam at saka ipinakita kay Toni na ngumunguya siya. I almost laughed – pero pinigilan ko iyon kasi mula nang maging kami ni Ayen ay hindi na ako pwedeng basta na lang tumawa sa mga joke niya kasi nga parang hindi na kami close.
Tinatanong ko rin ang sarili ko kung worth it ba ang lahat ng ito, pero tuwing makikita ko si Ayen na nakangiti sa akin at masaya, naiisip kong worth it talaga ito. I will do everything to keep that smile on her face. I love her so much.
"Ang OA ni Kuya." Sabi ni Ayen. Tumingin si Adi sa kanya.
"Okay na sa aking mag-jowa kayo."
"Okay pero mukha kang natatae." Wala sa loob na wika ko. Nagulat ako ng ibaba ni Adi ang kamao niya nang buong pwersa sa mesa. Napatingin ang lahat sa kanya.
"Wala kang karapatang makipabiruan sa akin. Close ba tayo?" Tumaas ang sulok ng bibig niya. Huminga na lang ako nang malalim at saka inasikaso na lang si Ayen. Hindi man ako nakakasagot sa kaibigan ko ay nakakatikim naman siya ng irap mula sa girlfriend ko. Ang sarap sa pakiramdam na natatawag ko na si Ayen na girlfriend. Minsan natutulala ako at hindi ako makapaniwala. If I had known that this will be the feeling I'll have, matagal ko na siyang ginawang girlfriend. I've never felt this good. Mahal na mahal ko talaga siya and I make sure that I tell her that every day.
"Wow, pati ba pag – irap ngayon gagawin ni Ayen para sa'yo? Wow! Ako iyong kapatid mo—"
"Ang arte mo naman, Adi." Biglang nagsalita si Annie. Natawa kaming dalawa dahil ganoon na lang ang pagbabago ng hitsura ni Adi. Agad – agad nawala ang pagkakunot ng noo niya at napakamot siya sa ulo. He even cleared his throat tapos ay humalukipkip na naman. Bubulong na naman siya pero hindi na niya ako inirapan o kung anuman. Si Annie naman ay tawa nang tawa sa asawa niya.
It was a good day, despite the fact na mainit ang ulo sa akin ng best friend ko, napakasaya ko ngayong araw na ito. Lahat sila sa bahay nila Adi ay pinararamdam nilang lahat sa akin na welcome ako at masaya silang lahat para sa amin ni Ayen. Isa lang naman ang agam – agam ko sa ngayon.
Ayen will be leaving on Wednesday. It is her last week. Babalik na siya sa Barracks nila sa Zamboanga. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nag-aalala ako sa kanya. I had always been worried about her whenever Adi tells me that Ayen is having a hard time back in their barracks. Pero iba ang pag-aalala ko ngayon. I just don't want her to leave. Gusto kong nandito lang siya kaya lang hindi naman pwede iyon dahil may kanya – kanya kaming trabaho. Hindi ko lang alam kung paano ako hindi mag – aalala kay Ayen.
BINABASA MO ANG
Trouble is YOU
Fiksi UmumAndres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14