Kapitulo Dieciocho

6.5K 270 20
                                    

Clarity

Andres'

"Who the hell is Cardo Dalisay? And what the hell are you two doing standing there?! Do something?!" Ang putang inang ito, e di tanggal ang angas niya ngayon! Hindi ko ibinababa ang baril ko at tititg na titig lang ako sa kanya at doon sa dalawang goons na kasama namin. Agad kong hinatak si Alona. Ang tatanga pala kasi, dalawa silang goons pero isa lang sa kanila ang may baril. Hindi ba nila alam na pulis ako? Kunsabagay, namali nga sila ng kinuhang Birada, aasahan ko pa bang matatalino sila? Nangigigil ako. Nang nasa likod ko na si Nana ay saka ako humarap sa Kanong walang kalam – alam sa buhay.

"Si Cardo Dalisay ay ninuno ko! Putang ina mo! Ano bang problema mo? Bakit mo ba ipinipilit ang sarili mo kay Nana?" Kinalabit ako ni Nana. Agad naman akong lumingon sa dati kong hipag. Nakanguso siya habang kunot na kuno ang noo.

"Mag-English ka. Hindi ka niya naiintindihan." Bulong ni Nana sa akin. Nang tingnan kong muli itong Kano. Tinititigan niya lang kami ni Nana na para bang naguguluhan lalo. Oo nga pala.

"Ninuno ko nga si Cardo! Hindi naman siya nag-English kahit minsan sa porbinsyano ah!"

"Ewan ko sa'yo, Andres!" Inis na sabi ni Nana. "Just do something para makaalis na tayo rito nang hindi ako nababaril! Remember the last time, nabaril ako. Ayoko nang mangyari ulit iyon." Pahina nang pahina ang boses ni Nana. Ang iniisip ko na lang ngayon ay kung paano kami makakaalis nga rito. Mukhang hindi papatalo si Kano at mukhang handa rin naman ang dalawang goons na itong mabawi sa akin ang baril. Isa pa, sigurado naman akong hindi lang silang dalawa ang tauhan nitong kanong ito. Napalabi ako. Ayoko namang mapahamak si Nana. Kailangan maiuwi ko si Nana sa pamangkin ko nang buo at mahusay. I couldn't forget how much my nephew cried when he found out that his mom was shot. Ang hirap ng sitwasyon ko. Ang dami kong iniisip.

Inaalala ko rin si Ayen. Lalo kong gustong makalabas dito at makauwi na sa kanya. Maybe she already knew that I am missing. Maybe she's worried. I hope she's not crying so hard. Sigurado rin ako na hindi na siya babalik sa barracks bukas dahil wala ako. Kailangan kong makauwi na sa kanya. Kailangan kong masabi sa kanya na mahal ko siya at hihintayin ko siyang bumalik sa tabi ko at magiging masaya kami. I am not letting Ayen go ever again because she is my life and the days we spent together made me realize how much I value her and how much I want to be with her. Siya lang talaga at wala nang iba.

"Okay. Sige, ganito." Wika ko. "I will put down the gun in one condition." Napilitan akong mag – English. Wala eh. Gipitan na talaga.

"You don't get to say any conditions!" Sigaw noong kano.

"Will!" Sigaw naman ni Nana. "Can we just stop this?" Naiiyak na wika ng dati kong hipag. Naglakad siya papunta sa harapan ko at tumayo sa tapat ng lalaking iyon. Kinabahan ako, pero sa tingin ko hindi sasaktan ng lalaking ito si Nana. Mukhang mahal niya talaga. I could see the way he looked at Nana, it's the same look that I have whenever I look at Ayen. Ganoon rin ang paraan ng pagtingin ni Adi kay Anne at ni Toni kay Annabeth.

This man is so in love with my former sister – in – law, ganoon rin naman si Nana pero palagay ko ay may hindi lang sila pagkakaintindihan.

"Why should I stop? Alona, I love you! I want to be with you!"

"I have a son and you need to accept that before I choose you! Can you love my Joshua the same way you love me?" Matagal silang nagtitigan. Para akong nanonood ng teleserye. Intense na iyong kaganapan. Sa mga ganitong eksena, dapat tutugtog na iyong OST ng drama, tapos sasabayan ng magandang galaw ng camara sabay focus sa mukha ni Judy Ann Santos habang sabay – sabay tumutulo ang luha niya. Sa ngayon, si Nana si Juday at si Will Kano naman si Kuya Will – ay si Wowie De Guzman pala.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon