Kapitulo Quatorce

6.5K 270 3
                                        

It's real

Ayen's

EVERYTHING right now is too good to be true. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko mula kay Andres ang mga bagay na sinasabi niya sa akin ngayon. Noon ay panaginip lang ang lahat ng ito para sa akin. Palagi ko lang iniisip na paano kaya kung ma-in love sa akin si Andres? Ano kayang feeling noon? Pero ngayong nangyayari na, hindi ko naman ma-explain ang feelings ko. It's so overwhelming, madalas natatagpuan ko ang sarili kong nakatulala habang nakangiti. Sabi ng ani Crisanto, mukha akong timang.

"Ang dali naman sa'yo na maniwala na mahal ka nga ni Andres." Pasira talaga sa moment si Santi. Nasa balcony kaming dalawa noon at ninanamnam ang mga bagayu na sinabi ni Andres sa akin sa phone kanina. My heartbeat is so fast, pakiramdam ko ay lalabas sa lalamunan ko ang puso ko kaya ibinaba ko ang phone para magtatalon at nasa labas na nga ako ng guest room, kasama si Santi. I told him what happened and this is how he replied.

"Ang bitter mo. Bakit ba bitter ka? Kung naiinggit ka e di makipag-relasyon ka rin sa iba." Tumawa lang si Santi sa akin habang napapailing.

"Love doesn't work the same way, Ayen. Hindi dahil happy ending sa iba, happy ending na rin para sa lahat. Ang akin lang, Ayen, mag – ingat ka kay Andres. Hindi mo pa rin alam kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking iyon."

"Nah... I know him." Confident na sabi ko. "A lot of times he says things he doesn't mean, pero alam ko sa pagkakataong ito ay totoo ang mga sinasabi ni Andres sa akin. I can see it in his eyes." Ngiting – ngiti ako habang nakatingin kay Santi. Alam kong tulad ng lahat, may itinatagong lihim rin si Crisanto, maybe he's really concern for me, maybe he's overthinking things. Nakakatawa na siya pa ang may ganang mag – overthink para sa akin. Maybe he does care about me. Sa maikling panahong nagkasama kaming dalawa, siguro talagang tinubuan si Santi ng pakialam sa akin and I appreciate him so much.

"Well, whatever it is, goodluck sa inyong dalawa. Malaki ka na, Ayen, alam mo na siguro ang gusto mo." Tumawa siya tapos ay ginulo ang buhok ko. It was in the middle of our conversation when my phone beeped. It's almost two in the morning, napaisip talaga ako kung sinong mag-te-text sa akin nang ganoong oras. Maybe it's my brother, baka may emergency, baka kung napaano si Mama, and with that thought, I took my phone out to read the message only to find out na galing pala ito kay Kuya Toni.

Simple lang naman ang message niya.

Nagsabi na si Andres kay Adi tungkol sa'yo. Nag-away sila.

Napakunot ang noo ko. Nagsabi? Siguro ay tinawagan ni Andres si Kuya pagkatapos ng tawag namin kanina. Napakagat labi ako.

"Oh, ano na namang sinabi ni Andres na nakakakilig?"

"Wala naman siyang sinabi. He just... he told my brother about us. Knowing him, ito iyong isa sa mga bagay na pinakaiiwasan niya and yet..." My heart is warm. Andres really does love me. Ibig sabihin lang nito ay pinipili niya ako. I excused myself to call Toni. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya ako. Kabang – kaba pa ako. I am imagining my brother's reaction. Hindi ko man siya kasama, alam kong nagagalit siya ngayon. Nag – away nga silang dalawa at hindi kahit kailan nangyayari iyon. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Their friendship is one of the most important things in both of their lives. Kahit minsan ay hindi ko sila naringgang nag-away. I sighed. Isang malaking problema ito kung sakali. I just hope that things will be better.

"Gising ka pa pala." Sabi ni Toni sa akin nang magkaharap na kami sa video call.

"Anong nangyari? Nasaan si Kuya?"

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon