Kapitulo Quatro

9.3K 414 68
                                        

Tang inang Andres


Ayen's

From: Tang inang Andres

Msg: Free ka ba bukas? Ipapakilala ko sa'yo itong kaibigan ko.

Binato ko kung saang parte ng higaan ko ang cellphone na hawak ko. Masaya naman ako kanina pero nabwisit ako dahil sa text ni Andres. Hindi ko alam kung talagang manhid siya o sadyang bobo siyang tang ina niya kasi hindi niya makita na ayoko ng pinagagagawa niya. Napipikon ako sa kanya pero sumasama naman ako. May isang salita naman kasi ako, at tama naman siya kahit paano, baka makatulong sa akin na makalimot sa kanya kung may ibang taong involved na. It's not like I am not trying. Sinubukan ko naman talaga, nagkaroon din naman ako ng mga boyfriend noong nag-aaral ako sa PMA, iyon nga lang hindi sila nagtatagal, it's either naduduwag sila kapag nalalaman nilang general ang tatay ko o kaya man nakakabwisit sila, makulit masyado, ma-effort masyado... napabuntong – hininga ako, they're not Andres enough and I am so unfair for looking at his traits to someone else.

"Ano iyon, bakit may pagbato?" Hindi ko napansin na pumasok si Ate Alona sa silid ko. Dala niya ang mga damit na nilabhan ko kanina. It's Saturday, pareho kaming walang pasok kaya tinulungan naming si Mama sa mga Gawain bahay. May maid naman kami pero isinama siya ni Mama na mag-grocery, naiwanan kami ni Ate sa bahay kaya kami na ang gumawa ng ibang chores. "Ayaw mo na ba sa Iphone 12 mo?"

"Hindi ah!" Kinuha ko agad ang phone ko. "Nainis lang ako sa nag-text. Akin na iyan, Ate tutupiin ko na." I smiled at her. Naupo si Ate sa kama ko at nagsimula na kaming magtupi ng damit. Hindi naman ako gaanong nagsasalita kasi iniisip ko ang gagong si Andres , ano kayang iniisip niya kapag naghahanap siya ng lalaki para sa akin? Kung pupunta ako sa sinasabi niya, ito na ang pangatlong beses na may ipakikilala siya. The first man he introduced to me is an acquaintance. Nakilala niya raw ito two years ago sa isang kaso, nagging magkaibigan silang dalawa at nagging beer buddy, mukha naman siyang mabait – masyadong mabait, ayon, nainip ako. The next man is a lawyer, hindi ko rin gusto – gwapo nga, may sense naman ang sinasabi pero sobrang talino at wala na siyang ibang gusting pag – usapan kundi ang sarili niya. Ayoko nang ganoon.

I just want someone like Andres – na mali kasi hindi tamang hanapin ko ang isang tao sa ibang tao.

"Parang napakalalim naman ng iniisip mo, kapatid." Sabi bigla ni Ate. "Si Andres ba?"

"Luh! Paano mo nalaman?!" Nanlalaki ang mga mata ko. Tumawa lang naman si Ate.


"Hula lang naman. Sus! Hanggang ngayon ba gusto mo siya?"

"Hindi naman na yata mababago iyon. Pero may na-realize lang naman ako nitong huli, Ate, kailangan ko na siyang kailimutan. Hindi niya ako mahal, hindi lalagpas sa nakababatang kapatid ang tingin niya sa akin, so I should just stop. Kapag hindi pa kasi ako tumigil, matatagalan bago mawala ang sakit. Gusto ko lang naman nang maging masaya."

"Nakakaloka ka ha. Pero whatever makes you happy, Ayen, alam mo naman na ang priority naming lahat dito ay ang kasiyahan mo." Tumawa lang ako pero iyong sinabi ni Ate sa akin, it kind of hit a mark, sila kasi iniisip ang kasiyahan ko, pero ako iniisip ko ang kasiyahan ni Andres. Tang inang buhay ito.

I'll prioritize myself more. Iyon naman ang dapat.

Nang matapos kaming magtupi ng damit ni Ate ay saka ko lang siya ni-reply-an. Dapat tumanggi na ako, pero natagpuan ko ang sarili kong pumayag sa pakikipagkita sa kanya. Mamay ana agad iyon, alas quatro sa SM North daw. Fine, but I will make sure that this is the last time. Sasabihin ko na sa kanya na ito na ang huli, ayoko naman na kasi talaga...

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon