Kapitulo Nueve

6.7K 338 18
                                    

Pagsisisi

Andres'

ANONG ginagawa ni Ayen dito? Alam b ani Adi na pupunta si Ayen sa Bulacan at kasama ni Adriana ang demonyong si Crisanto? Ang hindi ko maintindihan kay Adi ay napaka inconsistent niya ngayon. Noon, kulang na lang ay ikulong niya ang nakababata niyang kapatid, tapos nngayon halos ipagtulakan na niya si Ayen na lumandi sa iba? Bakit kapag ako ang involve, ganoon na lang siyang magalit? Noong nasa PMA kamin at nalaman niyang sinusulatan ako ni Ayen, tigas niyang gustong malaman kung saan ko itinatago ang mga sulat ng kapatid niya. Hindi naman tama na pati iyon ay sisilipin niya, ang sa amin ni Ayen ay dapat sa aming dalawa lang. Tuwing nagbabakasyon ako sa kanila noon, lagi niya pang tinatanong sa akin kung ano raw ang pinag – uusapan naming dalawa ni Ayen – na para bang dapat ay kasali siya. Naiintindihan ko siya bilang kuya sa nakababatang kapatid, I feel protective of Adriana too – lalo na ngayon na nakaumang siya sa kapahamakan dahil sa pakikipaglapit niya sa lalaking iyon – pero pakiramdam ko ay sobrang unfair nito sa akin.

Why wasn't I given the same freedom as Crisanto before? Why do I need to suffer his sadness and uncertainty, habang si Santi ay malayang nalalapitan si Ayen at wala siyang ibang iniintindi? Hindi niya iniisip na masasaktan niya si Adriano, o magkakamali siya at baka masaktan niya si Adriana. Ganoon kasi ang nangyayari at nangyari sa akin noon. I have a gut feeling that I had been in love with Ayen for the longest time, but I was only trying to suppress it, because there is Adriano – my best friend, and the fear of hurting Ayen. Sa utak ko noon, kapag hinayaan kong mapalapit kaming dalawa sa isa't nang higit pa sa nararapat, masasaktan ko si Ayen, masasaktan ko si Adriano at napakaraming bagay ang masisira sa pagitan naming lahat. Tapos, naisip ko ngayon, kahit na nag-ingat ako at lahat – lahat, sa dulo, nasaktan ko pa rin si Ayen, napaiyak ko pa rin siya, nagkagalit pa rin kami ni Adriano.

Sana pala, noon palang ay inisip ko na lang ang sarili ko, na sana, inuna ko noon iyong kasiyahan ko, siguro ngayon, magkasama kami ni Ayen, nagkagalit man kami ni Adriano noon, siguro ay bati na kaming dalawa ngayon and the most important thing is that I got the girl. Now, no matter how much I sulk, alam kong hindi magiging madali para sa akin ang makuha ulit si Ayen. Galit siya sa akin, nasaktan ko siya – hindi ko sinasadya talaga iyon, pero inisip ko lang naman ang magiging resulta noon sa pagkakaibigan naming dalawa ni Adi. I hate myself. Napakalaking siraulo ko. Sana rin pala, hindi ko ipinakilala si Santi sa kanya. Akala ko naman kasi hindi nila magugustuhan ang isa't isa. Ayaw ni Ayen sa gago, pero nauwi siya kay Santi, paano ko pa siya mababawi?

"Muukhang malalim ang iniisip natin, pinsan ha." Nagpunta ako sa food park ng magkakapatid na Juan Birada para malibang naman ako. Si Pepe ang kasama ko roon, nakaupo ako sa isa sa mga silya sa tapat ng Pepe's G-spot. Nagsisimula na kaming mag – inom na dalawa. Ilang buntong – hininga na ang pinakawalan ko sa kakaisip kay Ayen. Kanina pa rin ako tingin nang tingin sa cellphone ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at iniisip kong mag-te-text siya sa akin. Hindi niya baa ko nami-miss? Ilanga raw na lang ay matatapos na ang baksyon niya pero hindi pa rin kami nakakapag – usap nang maayos. Gusto ko lang naman kasing magkaayos kaming dalawa. Maybe from there, things will be different. I sighed again.

"Kumusta kayo ni Sarah, Pe?" Hindi mapigilang tanong ko. Lahat silang magkakapatid ay may asawa na at masaya ang pamilya. Sa edad kong ito, gusto ko na rin na gaanoon ang estado sana ng buhay ko, pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa sa hindi ko alam kung paano ko makukuha si Ayen. Gusto ko siya. Ang problema, maniniwala ba siya kapag sinabi ko? Anong magiging reaksyon niya? Tatawanan niya baa ko? Magiging madali ba para sa kanya na maniwala sa akin o paggtatawanan niya ako? Ang hirap – hirap. Wala pa nga akong ginagawa, nasasaktan na ako. Nakikinita ko na kung anong mangyayari sa akin.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon