Kapitulo Siete

6.2K 330 62
                                    

Andres, ang tanga lang!

Ayen's

HINDI ako makapaniwala sa nangyayari! Anong problema ni Andres?! Anong ginawa niya?! Siya itong umatungal na para bang aping – api siya noong umagang nalaman niyang may nangyari sa amin tapos siya pa itong nagsabi kay Kuya Adi! Kaya nga siya nagpapaalipin at nagpapauto sa hipag ko para hindi mabasa ang papel niya kay Kuya pero siya itong nagsabi mismo sa kapatid ko kung anong nangyari! Dahan – dahan ko pang nilingon ang kapatid ko. Kunot na kunot ang noo niya. Ibinaba niya si Alaine at sinenyasan ang bata na muling sumama sa Lola nito. Napalunok ako. Nakatitig sa amin si Mama, naglilipat – lipat ang tingin niya sa akin, kay Andres at kay Kuya Adi, mukhang may nais siyang sabihin pero umakyat na lang siyang muli.

Si Kuya naman ay lumakad palapit kay Andres. Napasinghap ako nang malakas nang dumiretso ang kamay ni Kuya sa leeg ni Andres. Nanlalaki ang mga mata ko. Literal na dinampot ni Kuya Adi si Andres at inilabas ng bahay. Si Andres ay parang mapupugto na ang hininga. Hindi ako mapakali. Galit si Kuya Adi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sumunod ako sa kanila. Paulit – ulit kong iniisip na si Kuya Adi ay black belter sa Taekwondo. Oo nga, pulis siya, mag – best friend sila ni Andres pero hindi ko sigurado kung sasantuhin niya ba si Andres. Nanginginig ang kalamnan ko.

"Kuya! Kuya!" Pahina nang pahina ang boses ko kaya siguro umaakto siya na parang walang naririnig. Itinapon niya si Andres sa porch. Napasinghap ako. Napaupo si Andres doon, nakatingin sa kapatid kong nanlalaki pa ang mga mata, akala ko ay hahayaan na niya si Andres pero dinampot niyang muli ito sa kuwelyo tapos ay tinitigan niya si Andres, pigil na pigil ang hininga ko pero napasigaw ako nang i-head butt ni Kuya si Andres. Napasinghap siya.

"Putang ina ka!" Sigaw ni Kuya. Sakto naman na dumating si Annie, iyon agad ang sumalubong sa kanya. Saglit lang siyang natigilan pero agad niyang niyakap ang kapatid ko. Nakasapak pa si Kuya bago siya nailayo ni Annie. "PUTANG INA MO ANDRES! KAPATID KO IYAN! SABI MO KAPATID NA RIN ANG TINGIN MO DIYAN TAPOS... TAPOS! PUTANG INA KA TALAGA!" Gigil na gigil ang kapatid ko. Napapakagat labi ako. Tumayo si Andres at muling hinarap ang kapatid ko.

"Nagsisisi ako, Adi."

Gusto kong magwala. Ako naman ang gustong sumapak sa kanya. Tang ina, ilang ulit niya bang ipagmamalaki na nagsisisi siya na may nangyari sa amin. To think that he is the first man in my life! I have given him everything pero ginaganito niya ako. Gusto ko na naming umiyak pero nanaig ang galit na nararamdaman ko. Ang kapal ng mukha niya.

"Hindi ko masasabing valid ang rason kung bakit may naganap sa amin, nagsisisi ako dahil ginagawa ko naman ang lahat para sana makatulong at maprotektahan ko si Ayen, pero ako rin pala ang magiging dahilan kung bakit siya umiiyak."

"GAGO!" Sigaw ko. Ngayon ay nakatingin na silang lahat sa akin. "Gago ka! Mula catorce anyos ako iniiyakan n akita! You're always making me feel like I am nothing! You're not taking me seriously! Minamaliit mo ang feelings ko para sa'yo pero may narinig ka ba sa akin?! Alam kong hindi mo hiningi, but you fucking knew and you took advantage of that! Alam mong pagdating sa'yo, mahina ako pero wala kang pakialam kasi sarili mo lang ang iniisip mo! Ngayon na finallt, I have the fucking guts to let you go, sasabihin mo sa akin na hindi pwede? Sino ka? Wala kang say sa kung sino ang gugustuhin kong makasama! You're just telling kuya these things because you hate the though of me being with Santi! News flash, buhaty ko ito, ako ang masusunod! Putang ina mo!"

"Hindi ninyo ba naiintindihan na gago si Santi? Arandia siya! Sasaktan ka niya!"

"Kung gusto akong saktan ni Santi, sana noong gabing sumama ako sa kanya sa La Union, but here I am, safe and sound. Kung gago siya, sana pinilit niya akong makipag – sex sa kanya, we even slept on the same bed, pero may nangyari ba? Wala, kasi kahit gago si Santi, nirerespeto niya ako at ang nararamdaman ko, isang bagay na wala ka kasi putang ina ka! O ngayong nasabi mo sa kapatid ko, masaya ka na ba?" Hindi nakakibo si Andres, I took that as a chance to get inside our home. Tumakbo ako patungo sa silid ko at saka ako umiyak roon na parang dramatic actress sa isang dramang panggabi, nakahiga sa kama, may yakap na unan habang tahimik na umiiyak.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon