Kapitulo Doce

7.6K 372 20
                                    

I chose you

Ayen's

ANG sabi ni Andres ay pupunta siya rito ngayon sa hacienda. Ipapasyal niya raw ako sa food park ng mga pinsan niya. Tinanong ko kay Santi ang tungkol sa lugar na iyon and he even said na maganda nga raw sa food park ng mga Birada kaya lalo akong na-exicte. Date na yata naming dalawa ito o baka naman friendly date pa lang. Hindi ko alam, basta malinaw sa aking na-e-excite ako dahil maya – maya ay nandito na siya. Sabi niya ay susunduin niya ako ng bandang alas quatro ng hapon. Alas dos pa lang ay naghahanda na ako. Kakaunting damit lang ang dala ko pero hindi pa ako makapili roon. I feel so giddy. Naisip kong kailangan ko ring pagbigyan ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon. Kay tagal kong pinipigilan ang sarili ko pagdating kay Andres, now its my time to shine. Alam kong may selos akong nararamdaman kay Rafaelle but staying here for a while made me see that Rafaelle doesn't look at Andres that way. Para sa mat ani Rafa, kuya niya rin si Andres and Santi has told me that if Andres really likes Rafa the way that I think he does, sana raw ay noon pa gumawa si Andres ng paraan and I believed him.

Sa madaling salita, nag – iba ang pananaw ko kay Rafa mula nang makasama ko siya rito. She is smart, she is kind, and is a warm – hearted person. I really like her now, although hindi ko lang masyadong pinahahalata sa kanya.

I kept on looking out of the window, baka kasi mamaya ay nandyan na siya. Gusto ko na siyang makitang ulit, kagabi lang ay magkasama kami, nandito siya at nakipagkuwentuhan sa akin. Naninibago ako dahil nilalambing niya ako, nanghihingi pa nga siya ng kiss sa akin bago umalis pero hindi ko siya pinagbigyan kasi pinakikita ko sa kanya na hindi ako interesado, but deep inside kilig na kilig ako, sobrang kilig ko nasapak ko pa si Santi sa bandang ibabang panga kaya hanggang kaninang umaga ay iniirapan niya pa ako.

"Nandyan na iyong pangit mong manliligaw." Sabi ni ni Santi sa akin. Hindi ko napansing nakatyo na siya sa may pinto. Agad naman akong napatayo ay napalunok pa. Nandyan na si Andres. Sinilip ko pa si Andres sa may bintana, may dala siyang santan. Jusko ang baduy, as in wala bang ibang bulaklak, pero kahit nababaduyan ako sa kanya, kilig na kilig pa rin ako deep inside. Nagmamadaling lumabas ako ng silid para puntahan siya sa baba. Hindi ko napansin na sumunod pala si Santi sa akin pero wala akong pakialam. Nang malapit na ako sa may pinto ng bahay ay kumalma ako at dahan – dahan akong huminga nang malalim. Kunwari galit ako, kunwari naiinis ako sa kanya kasi pinaghintay niya ako nang matagal, pero wait, sakto lang naman siya sa oras, ako iyong maagang nagbihis kaya ako nainip, pero anyway, sisisihin ko pa rin siya. Wala lang, para masaya.

Lumabas ako ng bahay. Ngiting – ngiti si Andres nang salubungin ako, humalukipkip naman ako at tiningnan siya nang napakasama.

"Ba't ngayon ka lang? Pinaghintay mo ako!" Paangil na wika ko. Nanlalaki naman ang mga mata niya.

"Luh, sabi ko four pm. Three forty – five pa lang naman." Napakamot siya ng ulo. Inirapan ko lang siya. Kahit na parang hindi niya alam ang gagawin ay inabot niya sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko iyon pero nakasimangot pa rin ako – kunwari lang. Nagpatiuna ako kay Andres para hindi niya makitang ngiting – ngiti ako. Basta ang mahalaga, nandito na siya at magde-date na kaming dalawa.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng pick up niya. He was all smiles when he got inside the car, serious mode pa rin ako. Iniisip kong baka hindi ako tumagal sa pagkukunwaring hindi ako natutuwa sa kanya pero deep inside mamamatay – matay na ako sa kilig. I was biting my lower lip.

"Let's go?" He asked me. Tumango naman ako pero hindi pa man din siya nakahahawak sa manibela ay biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Santi. Naupo siya sa backseat. Iyong mukha ko, hindi na maipinta ngayon. Marahas ko siyang nilingon.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon