Kapitulo Once

7.3K 355 11
                                        

Pag - asa

Ayen's

I DON'T know how he knew about Andres but I feel really grateful for Santi right now. Nakasakay na kaming muli sa kotse niya papunta sa bahay nila Andres. Bago naman namin isinakay si Andres sa kotse ay tiningnan muna ni Santi kung may injury ang huli, wala siyang makitang possible injuries ni Andres. It could be that he lost consciousness because of shock. Hindi ko alam kung takot si Andres sa kidlat at kulog o baka naman kung ano lang, alalang – alala ako sa kanya. Isa lang ang sigurado, hindi siya tinamaan ng kidlat, hindi tulad ni Andres na inahing baka.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay ng tatay ni Andres. Kaagad akong bumaba ng sasakyan para buksan ang pinto ng kotse, nakasunod kaagad si Santi sa akin, inalalayan niya si Andres hanggang sa nakatayo na kami sa front door ng bahay na iyon. I knocked frantically, hindi nagtagal ay bumukas iyon at nakita ko ang tatay ni Andres. Nang makita niya ang kalagyan ng anak niya ay kaagad niyang pinapasok kaming tatlo. Santi put him down the couch, saka siya humarap kay Tito Jose.

"Nakita naming siya sa kaparangan, walang malay."

"Baka nabigla dahil sa kidlat at kulog." Tito Jose looked at me. "May trauma si Andres sa kulog at kidlat. Maraming salamat, Santi." Hindi kumibo si Crisanto. Pakiramdma ko napakarami niyang gustong sabihin kay Tito Jose pero tumalikod na lang siya. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang susundan o mag -stay na lang ako rito. Gusto kong Samahan si Andres, pero ayoko namang umalis si Santi nang ganoon. Mukhang masama kasi ang loob niya. Sinunod ko na lang ang instinct ko at sumunod ako kay Santi, pasakay na siya ng kotse, akala ko ay papaandarin na niya, pero mukhang hinihintay niya ako.

"Santi..."

"Text mo na lang ako kapag papasundo ka na bukas." There is such a finality in his voice. Ngumiti ako sa kanya. I think there is something happening here that is beyond my reach, gusto ko mang magtanong ay hindi ko magagawa. Hinayaan ko na lang siyang umalis saka ako bumalik sa loob ng bahay ng mga Birada. Natagpuan ko si Tito Jose na kinukumutan si Andres. Nag-aalala ako, kailangan yatang gumising ni Andres to make sure that he is okay. Nang tumingin sa akin si Tito ay ngumiti lang naman siya.

"Tulog na siya, Bukas na iyan gigising. You can use his room upstairs, second door to the left."

"Baka po kailangan natin siyang dalhin sa ospital." Malumanay na wika ko.

"Bukas na. Hindi mo na magigising iyan si Andres." Napabuntong – hininga siya habang tinitingnan ang anak niya. Nakatingin na rin naman ako kay Andres, nagulat ako nang magpakawala nang isang malalim na buntong – hininga si Tito Jose.

"It was all my fault."

"Po?"

"The night I left them, it was raining hard, kasama ng pag – ulan ang malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Andres ran after me, and he was almost hit by a car. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay takot siya at hindi nagiging maganda ang resulta kapag may thunderstorms. It was all my fault. Hindi ko alam kung paano ko pa mababawi iyon ngayon." Isa na namang mahabang buntong – hininga ang binitiwan niya. "Marami akong pinagsisisihan sa buhay ko. Ang dasal ko lang ay hindi matulad sa akin ang mga anak ko."

It was bizarre. Why is he telling me these things? Hindi ko alam ang sasbaihin ko sa kanya, mabuti na lamang ay umalis na si Tito Jose. Naiwanan kami ni Andres sa sala. Nakatitig pa ako s akanya hanggang sa naupo na lang ako sa gilid niya. Pinipigilan ko ang sarili kong haplusin ang mukha ni Andres pero doon rin naman ako nauwi. I was thinking of the feelings I had experienced this night, iyong takot nab aka jhindi ko na siya makita muli, iyong sakit na mararamdaman ko kapag hindi na siya naging parte ng buhay ko. Nakakatawa nga, gustong – gusto kong makalimot kay Andres dahil walang lumipas na taon na hindi niya ako nasasaktan, pero ngayong alam ko namang mahal niya ako, I suddenly wanted to try.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon