Kapitulo Cinco

8.4K 388 67
                                        

Three

Ayen's

Hindi ko alam kung anong nakain ko ay bigla na lang akong sumama kay Santi sa La Union. One thing I learned while we were talking is that he is easy to be with. Napakagaan niyang kausap. Napansin ko rin na magaling siyang making. Nasabi ko na sa kanya ang lahat ng tungkol sa nararamdaman ko kay Andres at wala naman siyang ginawa sa akin kundi ang making. He really gives advices and though we just met a couple of hours ago, pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala at magkaibigan na talaga kami. Sa tagal kong itinago ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko when it co,es to Andres Birada, nakalimutan ko nang may mga taong tulad ni Santi na madaling makapalagayan ng loob.

"You said... how long is it?" Kasalukuyan kaming nakaupo sa may dalampasigan, sa harapan naming dalawa at ang mangilan – ngilang bote ng alak. I looked at him again. Busy ako sa pag – inom at kung may sinasabi man siya ay hindi ko naman masyadong narinig.

"Hmm?"

"Sixteen years? Iyong in love ka kay Andres?"

"Ahhh!" I said bitterly. "I was fourteen when I felt that. I was also fourteen when I got my heart broken. Tried to kiss him pero he said na kapatid lang daw ang tingin niya sa akin. And yet may nangyari sa amin noong kasal noong kaibigan nila. Ang nakakainis pa noong morning after, siya pa iyong may ganang umiyak na akala mo siya iyong babaeng pinilit, tang ina tala ani Andres, gago." Naikuwento ko na kay Santi kanina ang mga bagay na ito, thankful ako dahil hindi siya nananawa sa pinagsasabi ko. He just giggled like he's a seventeen-year-old boy. Tawang – tawa na naman ako sa kanya.

"Papansin talaga si Andres. Do you remember her fiancée?" Oh yes, he had a fiancée once, nakalimutan ko ang pangalan, pero iniyakan ko talaga iyon. Akala ko talaga magpapakasal silang dalawa. Ang putang inang si Andres, kinukuha pa akong abay noon. Buti na lang valid ang excuse kong hindi ako makakababa ng PMA kasi exams namin. Ilang linggo akong iyak nang iyak noon, naaawa na nga sa akin ang mga kasamahan ko kasi nakakatulugan ko ang pag – iyak. Mabuti na lang at hindi natuloy ang kasal nila. Ang akala ko sign na iyon, akala ko makikita ni Andres na walang ibang babae para sa kanya kundi ako lang. Wala naman kasing nagiging successful sa relasyon niya. Lahat iyon nabibigo siya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya matuto noon.

Noong bata pa kasi ako, talagang ipinipilit kong kaming dalawa, hanggang sa nauwi na lang iyon sa sana, kaming dalawa nga hanggang sa ayoko na. Hindi ko kahit kalian pwedeng ipilit sa kanya na kaming dalawa lalo na at hindi naman lalagpas sa kaibigan ang pagtingin niya sa akin. I guess, I must accept the fact that we will never be, and I guess nagsisimula na ang stages of grief ko.

Tapos na ako sa denial, anger, bargaining, depression... nandito na ako, dino-dog show ko na siya, alam kong malapit na ako sa acceptance – all thanks to this man beside me – Santi Arandia.

"Childish talaga siya." Sabi ni Santi sa akin. Napatango naman ako. Totoo naman kasi. "We almost grew up with each other. His Dad is my mom's best friend. Hindi kami palaging nagkikita noon kasi hindi naman sila nagpupunta sa Bulacan, but whenever Mom visits her house in White Plains before, nandoon si Uncle Jose, kaya naroon din si Andres, siya ang palaging kasama ng tatay niya noon. Nakakapaglaro kami pero mapang-asar siya kaya ayoko siyang kalaro. After a while hindi ko na sila nakita, and then some years ago, the other Biradas emerged again, apparently, sila ang tumayong kapatid ng kapatid naming babae – si Rafa."

"Parang ang complicated ng relasyon ng pamilya mo." Santi drunk from his beer bottle and spoke again.

"Hindi naman. Let's just say na mainit ang dugo ng tatay kong haciendero sa tatay nilang businessman." Nag-toast pa kaming dalawa. Kakaiba si Santi, napakadali para sa akin ang ikuwento sa kanya ang lahat, pati nga ang biglaang pagkamatay ng tatay ko ay nasabi ko sa kanya and he thoughtfully listened to me. Napaka-sweet pa.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon