Kapitulo Diez

7.7K 386 35
                                    

Thunder Storm

Ayen's

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Hindi maalis si Andres sa isipan ko. Hindi ko siya maintindihan, bakit niya kailangan sabihin sa akin na mahal niya ako? Para saan? Para nga ba mawala ang what if sa isipan ko? Kunsabagay, ang tagal – tyagal kong iniisip noon kung anon ga bang kulang sa akin at kahit kailan ay hindi niya ako nagustuhan – but as it turns out, mahal naman pala niya ako. Maybe I was right, that Andres value's my brother more than me, that he gives more thought about their friendship than his feelings for me. Hindi ko matanggap iyon. Bakit mas mahalaga si Kuya kaysa sa kanya? If he really loved me, then he should've pursued me before, pero heto, kahit na sabihin niya pa sa akin na mahal niya ako, wala na rin namang epekto – ay meron pala, nasasaktan pa rin ako.

If he had told me that before, siguro nagtatalon ako sa tuwa. Iyon lang naman ang gola ko noon sa buhay, ang mahalin ni Andres, pero hindi niya magawa. Nasaktan lang ako nang nasaktan, siguro last straw na iyong iniyakan niya ako noong umagang may nangyari sa amin.

"Hindi ka makatulog?" Nagulat ako nang biglang naroon na si Santi. Nakatayo kasi ako sa balkonahe, yakap ko ang aking sarili habang nakatingin sa kawalan. Mukha na naman akong tangang nag-e-emote rito. Sabi ko pa naman habang nandito ako sa Hacienda Asuncion ay hinding – hindi ko iisipin si Andres. Sinong mag – aakalang pupunta siya rito? Hindi ko naisip na taga Bulacan ng apala ang tatay niya at maaari siyang umuwi at maaaring mag – krus ang landas naming dalawa. Nanghina talaga ako, and while I was watching him walk away, a part of me wanted to call him and throw myself on him because yes, I do love him very much, but if I let him in again, masasaktan na naman ako kasi ganoon naman ang nagmamahal, when you love someone you are bearing yourself to them, showing your vulnerable self and letting them hurt you. I've been letting Andres hurt me, ngayon ay tapos na ako roon and I just really want to be happy.

"Hindi." I was pouting. Napabuntong – hininga pa ako.

"You're thinking of him again, aren't you? Akala ko ba hindi mo na siya iisipin?"

"He told me he loves me. That he is in love with me, alam mo ba, Santi kung gaano ko katagal gustong marinig iyon mula sa kanya? Sobrang tagal na."

"And now that you heard him, how did it feel?" Hindi ako kaagad nakasagot. Bigla kong naalala ang sabi ko kay Andres kanina; aanhin ko raw ang pagmamahal niya. Hinarap ko si Santi. Kunot na kunot ang noo niya. Sigurom naiinis rin siya kay Andres dahil sa mga rants ko tungkol sa kababata niya. Parang kasalanan ko rin naman kasi wala akong pakundangan sa pagrereklamo sa kanya noong nasa La Union kaming dalawa. I found that as an opportunity to tell him everything kasi gusto kong gumaan ang kalooban ko.

"I thought I'd be happy..."

"Are you not?" Umiling ako. Siguro kung kinausap ko si Andres, baka na-satisfy pa ang kailangan ma-satisfy sa akin.

"I thought I'd be happy." Tumango lang si Santi tapos ay lumipat siya sa balkonaheng kinatatayuan ko.

"Don't you like him anymore?" Tanong niya sa akin. Santi – at this moment is so close – so close that I can smell his minty fresh breath. Napalunok ako. He held both my wrists abnd he made me look at him.

"I think so... I know so. I still like him."

"Tsk... Such a pity." Biglang sabi ni Santi sa akin. "Parang hindi ka sigurado na gusto mo pa siya. Am I distracting you?" Hindi ko mapigilang mapatitig kay Santi. Anong trip nito? Ang sabi niya sa akin noon, hindi raw siya nakikipag – sex sa mga babae kung gusto niya ito. So, he's not acting like this towards me because he likes me, he's just being a jerk right now. "What if we make sure that you don't like him anymore? What if I kiss you?" Unti – unting lumalapit sa mukha ko ang mukha niya, alam ko na agad kung anong gagawin niya. Ni hindi man lang ako kinabahan -pero naisip ko si Andres. Just thinking about him kissing me makes me weak. It feels like my insides were melting and butterflies were flying around my stomach, pero hetong ginagawa ni Santi sa akin, wala akong nararamdaman kundi pagkayamot.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon