Memories
Adriana Christine Kaligayahan
Sabi ni Papa, darating daw si Kuya Adi ngayon. Bakasyon na raw ni Kuya Adi mula sa PMA kaya makakauwi na siya ngayon. Excited na excited na ako kasi halos dalawang taon ko siyang hindi nakita. Gusto ko na siyang umuwi para makapaglaro na ulit kami ng mga cars niya. Hindi kasi pinalalaro ni Mama iyon sa akin mula nang umalis si Kuya baka raw kasi masira ko at baka magalit pa raw si Kuya Adi sa akin. Mabait at masunurin akong anak kaya nakinig ako kay Mama. Sabi naman niya pagdating ng Kuya, malalaro namin ulit ang lahat ng iyon kaya nagtyaga muna ako sa mga laruang luto – lutuan ko.
Maagang umalis si Papa kanina para sunduin si Kuya Adi sa Baguio. Sabi ni Mama mga twelve o'clock daw ay nandito na sila kuya. Talagang excited ako. Inayos ko pa nga ang kwarto ni Kuya para matuwa siya sa akin. Hindi naman nagtagal ay nakarinig ako ng pagdating ng sasakyan. Dali – dali akonh sumilip sa bintana, nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong ibinababa ni Papa mula sa trunk ng Benz niya ang mga gamit ng Kuya ko! Mula sa kabilang part ng kotse ay bumaba naman ang Kuya Adi ko! Napangisi ako at nagtatakbo hanggang sa makalabas na ako ng bahay.
"Kuya Adi! Na-miss kita!" Sigaw ko nang makayakap ako sa kanya. Naramdaman kong mahigpit niya rin akong niyakap at narinig ko rin siyang tawa pa nang tawa.
"Ang laki mo na Ayen! Kumusta ka na? Kumusta ang pag-aaral mo?" Tuwang – tuwa siyang nakatingin sa akin. Excited na excited ako. Nandito na ulit si Kuya!
"Tama na iyang bolahan ninyong magkapatid. Naghihintay ang Mama ninyo, pumasok na tayong lahat." Iyon nga ang ginawa namin. Nananghalian kaming buong pamilya. Nagkukwento si Kuya tungkol sa mga napag-aralan niya sa PMA at kung gaano niya kagusto ang mga natutuhan niya roon. Sinasabi niya kay Papa na maayos siya at kaya niya ang lahat. Si Ate Alona ay kinamusta ang mga subjects niya, si Mama ay pinakain nang pinakain si Kuya kasi payat na raw si Kuya. Ako naman ay nakatitig lang sa kapatid ko. Gusto ko na siyang matapos kumain para naman makapaglaro na kami.
Pero kahit natapos na kaming kumain ay hindi naman ako niyaya ni Kuya na maglaro, pero sabi ni Ate okay lang daw iyon, pagod lang si Kuya.
Lumipas ang mga araw, pero hindi naman na nakipaglaro sa akin si Kuya Adi, kahit nga ang maupo ay makipag – usap sa akin ay hindi niya magawa. Palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya noong high school, palagi siyang lumalabas, pinahiram pa nga ni Papa sa kanya ang kotse nito. Si Ate Alona, abala naman sa training niya – magpupulis kasi si Ate, nasa huling taon na siya ng pag – aaral kaya abala na siya. Ang sabi niya kay Papa gusto raw niya sa forensics kaya lubos – lubos ang pag-aaral ni Ate para makuha niya ang gusto niya. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng mga kapatid dahil sa pag – aaral nila. Bahala na nga sila sa mga buhay nila.
Sa murang edad, tinanggap ko nang kahit kailan ay hindi na makikipaglaro sa akin ang paborito kong kapatid. Okay lang naman, nandito nakan si Gigi – ang aspin naming alaga. Siya ang palagi kong kasama at kausap ngayon. Iba ang bond namin kasi mula baby siya ay nandito na siya sa akin, sab inga ni Papa si Gigi daw ang bunso talaga sa pamilya kaya ganoon na lang ang pag – aalaga ko sa kanya.
Isang araw sa kalagitnaan ng bakasyon, narinig ko si Kuya na nagsabi kay Mama at Papa na may papupuntahin daw siyang mga kaibigan niya rito. Ito daw ay mga kaklase at mga naging kaibigan niya sa loob. Pumayag namin si Mama, gusto rin daw niyang makilala ang mga palaging kasama ni Kuya sa PMA. Sabi ni Kuya Friday daw darating ang mga ito. Nakaramdam ako ng inggit, sila pala ang mga bagong kalaro ni Kuya kaya pala hindi na niya ako pinapansin.
Biyernes ng umaga nang dumating ang mga kaibigan ni Kuya. Sabi ni Mama sa akin kailangan maging mabait ako. Galing pa raw sa Pampanga at Bulacan ang mga friends ni Kuya. Hindi ko naman alam kung bakit kailangan kong magpakabait, mabait naman talaga ako.
BINABASA MO ANG
Trouble is YOU
Ficción GeneralAndres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14