Mistaken
Ayen's
WE FILED a missing person's report that same day. Kung susumahin, 24 hours nang nawawala si Andres at hindi na ako matigil sa pag-ngalngal dahil wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung nasaan siya. Saan ba siya nagpunta? Bakit hindi man lang siya nagpasabi? Malabo na nagbakasyon siya o kung anuman. Malabo namang umalis siya bigla nang wala man lang siyang pinagsasabihan dahil mahal na mahal ni Andres ang Mama niya at hindi niya hahayaan na mag – alala ito sa kanya kaya napakalabong hindi siya magsasabi kung saan siya pupunta.
Si Kuya Adi at Toni ay gumagalaw rin. They checked all the cctvs around our area at doon nga nila natagpuan na may kukuha kay Andres. Paglabas niya ng village naming ay may humarang sa kanyang kotse. He got out of the car and then, he tried to fight them pero may ginawa sila kay Andres kaya ito nawalan ng malay. They took him to their van and drove his car off. Walang ideya sina Kuya Adi at Toni kung sino ang mga kalalakihang iyon o kung anong grupo sila. They were looking at the cases that Andres is handling now para magkaroon sila ng ideya kung sinong grupo o mga tao ang kumuha kay Andres. They have a feeling that this has something to do with one of his cases.
Alalang – alala ako. Hindi ako makababalik sa Zamboanga bukas hangga't hindi ko nakikita si Andres. Kailangan ko siyang makita. Kinausap ko na ang mga higher ups ko. I filed an extended leave for personal reasons, at naghihintay ako ngayon ng approval. Gusto kong masigurong maayos si Andres bago ako bumalik sa poste ko. Kailangan naming siyang makita pero sa dami ng kaso ng mga nawawala ngayon, natatakot akong maging tulad nila ang kaso ni Andres: unsolved. I promised myself that I will find him no matter what.
"You should really eat." Wika sa akin ni Santi. Nandito siya ngayon sa bahay naming. Tinawagan ko agad siya at nang sabihin kong nawawala si Andres ay kaagad naman niya akong pinuntahan. He asked if he could help with anything, but because we all have no idea where those men took my boyfriend, tali ang mga kamay namin at wala akong ibang magagawa sa ngayon kundi ang maghintay at umasa na babalik si Andres nang buhay sa akin – sa aming lahat.
"Wala akong gana..." Mahinang wika ko habang nakatanaw sa labas at hinihintay sina Kuya. I was hoping they have something to tell me – iyong good news. Iniisip ko pa ng ana baka sa pagbalik nila ay kasama na nila si Andres. Na baka prank lang ang lahat ng ito at darating na siya mamaya. Iyong pinag – alala niya lang pala ako tapos okay na ang lahat. Pero this is my reality now. I am so worried for him. I justy hope and pray that whoever's got him, hindi siya sinasaktan ng mga ito.
"Kailangan mong kumain—"
"Shut up!" I hissed at Santi. Hindi ko naman sinasadya. Nanlalaki pa nga ang mga mata ko nang ma-realize kong nasigawan ko siya. But I just want him to shut up now. I want Andres. Walang nakakaintindi sa akin dahil hindi naman nila alam iyong pakiramdam na abot – kamay ko na ang lahat pagkatapos ay mawawala nang ganoon. I want Andres and I want him now. I bit my lower lip.
"I'm so sorry." I said. "But you don't know what it feels like to lose someone."
"I actually do." Sabi niya bigla. Santi sighed. "Hindi man siya nawala tulad nang pagkawala ni Andres, but the fact that she can never be mine because I chose our friendship than to hurt her hurts more every day." Mahinang wika ni Santi. "But you're right, it may not be the same, but I know how it feels. The good thing is, if Andres is lucky, he will come back to you. Iyong akin, abot – kamay ko, nakikita at nakakausap ko but she can never be mine." Tinapik – tapik pa ni Santi ang balikat ko. He's still comforting me. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. I bit my lower lip again and apologized to him for yelling. Mukhang hindi naman niya iyon dinibdib. He sat with me, held my hand while I wait for my brother.
BINABASA MO ANG
Trouble is YOU
General FictionAlpha Series # 14 Andres Birada values his life-who doesn't? That's why he's spent years dodging Ayen, the younger sister of his best friend, Adriano. To him, she's always been off-limits. Practically family. But Ayen? She's never been one to take n...
