Kabanata 2

884 35 3
                                    

Kabanata 2

Kahinaan

Kumain kami ng breakfast ni Narciso. Tahimik lang ako habang panay ang pagsasalita niya sa mayordoma. Hindi ko halos makuha ang mga sinasabi niya dahil lumilipad ang isip ko sa hamak na magsasaka na 'yon. Ang mga sinabi niya kanina ay paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.

Wala na silang magulang. Nag-aaral ang kapatid niya at siya ang bumu-buhay sa kanilang dalawa. Hanggang second year college sa kursong Agriculture lang ang natapos niya. Walang pera. Walang lupain. Mahirap at naghihirap sa pera. But he said, masaya sila. Masaya sila kahit mahirap lang. Paano nangyari 'yon?

Lahat ng meron sa mundong ito ay puro hawak ng pera. Kapag gusto mong kumain ngunit wala kang pera, makakabili ka ba? Kapag gusto mong mag-aral ngunit wala kang pera, makakatapos ka ba? Kapag gusto mong umalis at pumunta sa ibang lugar ngunit wala kang pera, makakapunta ka ba? Everything that exist to this world is purely involved of money.

Kapag wala kang pera, siguradong mawawalan ka ng pag-asa at sa huli, buong buhay na maghihirap. Kaya ang tanong ko, paano naging masaya ang pagiging mahirap? Saang parte ng pagiging masaya kung walang pera? Ni hindi nga siya natapos sa college niya kasi mahirap sila e. Tapos sasabihin niyang masaya kahit mahirap siya.

Ruegin must be lost in his mind. Siguro dala na rin ng kahirapan kaya ganoon siya mag-isip. He always look for a positive thoughts even after that, mahirap pa rin naman siya. Really, to be honest, I'm not against them. I actually pity people who clearly poor. Pero kung ganoong mindset na katulad kay Ruegin, I don't think it's better.

"Finish your breakfast, we'll go the land." napukaw ako sa boses ni Narciso.

I nodded. Inubos ko ang pagkaing nasa plato at ininom ang gatas na para sa akin. After my food, nauna akong umakyat sa taas upang magpalit ng damit. I will wear oversized t-shirt and pants. Nakahanda na rin ang boots na susuotin ko upang hindi magkaputik ang paa.

When I'm done changing, lumabas ako at bumaba. Narciso is ready. Ngumiti siya sa akin, tumango ako at sinuot na rin ang boots na hinanda ni Dayang. Nagsimulang maglakad si Narciso habang nakasunod lang ako. Dayang was my back, holding an umbrella. Para daw hindi ako mainitan sabi ng amo nila.

Medyo malayo nga ang taniman kaya ng makarating kami doon, pinagpawisan ako. Mabilis na binigay ni Dayang ang panyo sa akin at tubig upang makainom ako. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin. Well, hindi naman ako naiilang kasi sanay ako sa mga titig pero may isang mga matang labis kong iniiwasan.

I gave the water and handkerchief to Dayang. Tumingin ako sa mga magsasakang nag-aani ng mga mais. Nang makita nilang nanonood kami, agad silang nagbigay pugay.

"Magandang umaga po, Senyorita at Senyorito." sabay-sabay nilang bati.

I just nodded.

"Continue to work." sagot ni Narciso.

Bumaling ako sa may gilid, nakita kong nakatitig sa akin si Ruegin. Actually, kanina pa siya titig na titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit. May problema ba siya sa itsura ko?

"Alam mo ba ang buhay ni Ruegin?" tanong ko kay Dayang.

Narinig ko ang pagkabigla sa kanya. Napahinga ako ng malalim. I shouldn't ask it. Pero hindi ko mapigilan. I just want to know.

"Senyorita, ang buhay po ni Ruegin ay simple lamang. Siya po ay panganay na anak ni Manong Estoy at Manang Lilia. Dalawa lang silang magkapatid. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Ruegin dulot ng kakulangan sa pera. Nung nawala ang magulang nila, siya ang bumuhay sa kanyang kapatid ngayon." huminto si Dayang sa pagsasalita.

Tumango-tango ako. Nakita kong lumayo si Narciso sa amin dahil kausap niya ang business partner na bibili ng mga mais. Nagpatuloy si Dayang sa pag-uusap.

"Lapitin ng mga babae si Ruegin. Ngunit seryoso ang binata sa buhay at gusto lamang matulungan ang kapatid sa pag-aaral nito." she paused.

"Wala siyang naging girlfriend?" tanong ko.

In my peripheral vision, Dayang was shaking her head.

"Wala po, Senyorita. Bahay at trabaho lang ang buhay ni Ruegin dito. Bagama't may mga babaeng mapilit, ngunit hindi pa rin talaga pumapatol si Ruegin." she said.

"You like him, right?" I asked Dayang directly.

Halos matumba siya sa tanong ko. What? I'm just asking. Tsaka wala namang problema sa akin kung gusto niya si Ruegin. I didn't own that farmer.

"S-senyorita..." utal at nahihiyang bigkas ni Dayang.

Ngumiti ako at natutuwa sa kanyang reaksyon. Pulang-pula ang pisnge, nahihiya at nahihirapang sagutin ang tanong ko.

"I'm asking, you like Ruegin?" pagtatanong ko ulit.

She sighed problematically.

"O-opo, Senyorita." mahina nitong sagot.

Ngumiti ako at tumango ako. May gusto nga talaga ang isang 'to kay Ruegin. How poor this young girl. God, dapat ang ginugusto ni Dayang yung mayaman para naman umangat siya hindi yung katulad niyang mahirap rin!

"H-huwag niyo po sanang ipagsabi, Senyorita." nahihirapan niyang sabi.

Ngumisi ako at umiling-iling. Why would I do that? Hindi ako tsismosa para magsabi ng sinabi niya.

"Anong grade na ang kapatid niya?" tanong ko kay Dayang.

She sighed again.

"Grade 12 na po, Senyorita. Matatapos na ngayong taon sa senior high." she said.

I nodded. Tinignan ko si Ruegin, he was looking at me. Ngumiti siya ng magkatitigan kami and usual, nakita ko ang dimple sa pisnge niya. I sighed heavily. Anong meron sa magsasakang ito at napapaisip ako ng ganito? He's purely nothing. But I hate to admit this, I kinda like knowing his life.

Nagsimula lang 'to kahapon, nasundan kanina at ngayon naman. Base sa mga sinabi ni Dayang, simpleng buhay nga lang talaga ang meron itong si Ruegin. Ang tanging gusto sa buhay ay matulungan ang kapatid na nagsusumikap na matapos sa pag-aaral. Well, it's kinda good to know. Sa panahon ngayon, may mga kapatid talagang pinapabayaan ang sarili nilang kapatid.

But my siblings were different. Kuya Royan and Ate Shania are good siblings. They will always help me. Itong kasal ko lang ang hindi nila kayang tulungan.

Natigil ako sa pag-iisip ng makitang lumalapit si Ruegin sa akin. Bitbit ang ngiti sa kanyang labi at dimple, tuluyan akong napanghinaan ng loob. He stop not far away from me.

"Senyorita, kahit anong suot niyo, palagi kayong maganda." he said tenderly.

Nalaglag ang panga ko. What the heck? Why he always complementing me?

"Ruegin, nandito si Senyorito baka marinig ka." saway ni Dayang.

Ruegin, on the other hand, smiling happily while looking at me.

"Totoo namang napakaganda ni Senyorita, Dayang." dugtong pa ni Ruegin.

Napahinga ako at umiling-iling sa kanya. Hindi ko nalang sinagot dahil ngayon palang nahihirapan na akong harapin siya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Tumalikod ako at naglakad patungo sa ibang parte ng taniman. Kailangan kong lumayo kay Ruegin. Kinukutuban ako ng hindi maayos.

When I place myself away from him, tsaka palang ako tumingin sa kanya. Ganoon pa rin, titig na titig sa akin gamit ang makahulugang mga mata niya. Ngumiti at pinakita ang nagiging sanhi ng kahinaan ko ngayon, ang kanyang dimple. Umiling-iling ako at bumuntonghininga nalang sa sarili.






---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon