Kabanata 17

839 33 4
                                    

Kabanata 17

Lakas

Takot akong pumasok sa kwarto. Alam kong naghihinala na si Narciso ngayon dahil sa damit kong nakita sa bahay ni Ruegin. Hindi ko alam kung ngayong araw na ba malalaman ang lihim namin. Nakita ko siyang nakaupo sa silya habang hawak ang baso ng alak. Umiinom siya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"N-narciso..." bigkas ko sa kanyang pangalan.

"Alam mo ba kung anong kahihiyan ang dinala mo sa pangalan ko at sa pamilya mo, Rocini?" sa napakalamig niyang boses.

Napalunok ako. I knew it. He already knows about my secret. Well, I think this is the right time to tell about it. Para magawa na namin ang plano ni Ruegin.

"This is disgrace to my name, Rocini!" madilim niyang sigaw.

Nagulat ako. Napaatras at ramdam na ramdam ang takot sa kwartong ito. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. I'm really guilty. I know that Narciso respect me so much. He didn't force me to sleep with him. He just want me to stay here, be his wife and claim his name. But I ruined it. I ruin his trust.

May mali ako, alam ko 'yon. Pero kasalanan bang maging masaya? Kasalanan bang piliin kong maging masaya? My father took that happiness from me! When he decided to fix me a marriage to Narciso, he took that happiness from me! Kaya ng makilala ko si Ruegin, I found that happiness in him. Mali ba 'yon? Mali bang maging masaya ako sa buhay kong ito?

I respect my father so much. I will do anything for him. Pero ngayon, hindi na. Simula ng makilala ko si Ruegin, nagbago ang lahat sa akin. Nagbago ang pananaw ko sa buhay kong ito. I just want to stay with him. I just want to be with him. Iyon lang ang gusto kong mangyari sa buhay kong ito, ang makasama si Ruegin, bumuo kami ng pamilya at maging masaya.

"You cheated on me with just a poor rat farmer, Belinda Rocini!" he degraded.

"Do not call him like that, Narciso!" may diin kong sabi.

Humarap siya sa akin ng sumagot ako. Malamig ang kanyang mga mata at namumuhi ang galit. Nilakasan ko ang loob na harapin siya.

"Why? Because you love him? Because he fuck you? Because you want to run away with him? How dirty you are. Sa lahat ng pwede mong maging lihim, sa isang mahirap, walang pera at magsasaka ka pa gumawa ng kasalanan." punong-puno ng pandidire niyang sabi.

"Wala kang pakialam doon, Narciso! Alam mo naman diba, unang-una palang, hindi ako masaya sa kasal na ito! I was force by my father! Hindi ako nagreklamo o nagbigay ng sama ng loob sa kanya at sayo kasi nagbigay ako ng respeto! But now, I will never that happen! I will fight for my right to choose and love the man I want!" laban ko.

Ngumisi siya, galit niyang hinagis ang baso ng alak sa gilid ko. Bumagsak 'yon at nabasag. Hindi ako nagpakita ng kahinaan sa kanya. If he will saw my weakness, he will use it against me.

"How can you fight your right, when you are married to me, Rocini? At paano ka ipaglalaban ng lalaking iniibig mo kung ngayon palang walang laban sa akin." he said coldly.

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Huminga ako ng napakalalim.

"What do you mean?" I asked.

He smirked.

"In the window." sagot niya.

Mabilis akong lumapit sa bintana at dinungaw ang baba. Napahawak ako sa bibig ng makita si Ruegin, nakahandusay at walang malay, duguan ang mukha, bugbog sarado at hinang-hina. Umiling-iling ako at mabilis na lumabas ng kwarto upang puntahan ang lalaking pinaglalaban ko.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Manang at Dayang ngunit wala na akong panahon para isipin pa 'yon. Lumabas ako ng pinto ngunit nakaharang doon ang mga security guard ni Narciso.

"Umalis kayo sa daan! Ano ba! I said get out of my way!" I shouted angrily.

Hindi sila umalis sa harap ko. Tinignan ko si Ruegin, maraming dugo ang lumalabas sa kanyang bibig at walang malay. Binugbog siya ng mga tauhan ni Narciso.

"Mga walanghiya kayo! Anong ginawa niyo kay Ruegin!" sigaw ko sabay hampas sa mga tauhan ni Narciso.

Hinayaan nila akong paghahampasin sila. Galit na galit ako at gusto kong manakit dahil ang lalaking mahal ko, sinaktan nila.

"Parating na ang Ama mo para kunin ka dito, Rocini. Better talk to him and explain yourself. I will never accept this humiliation to my name." Narciso said in my back.

Hinawakan ako ng dalawang guard sa braso at hinila papasok sa loob ng mansyon.

"Ano ba! Bitawan niyo ako! Kailangan kong puntahan si Ruegin! Ano ba!" sigaw ko habang umiiyak.

Unti-unti na akong nawawalan ng lakas dahil sa kagustuhang makalabas at mapuntahan si Ruegin. Kailangan niyang magamot. Baka kung ano ang mangyari sa kanya kapag hindi siya magamot ngayon. Pinasok ako sa kwarto at sinarado ang pinto. Hinang-hina ako habang naglalakad papunta sa bintana. Tinignan ko si Ruegin, wala pa ring malay.

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap. I just want to be happy, but why is it so hard to have it? Am I not deserving of happiness? Am I not deserve to be happy?

"R-ruegin!" I shout at the top of my lungs.

Imposibleng magising siya kasi bugbog sarado ang kanyang mukha at katawan pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na magising nga siya.

"Ruegin... wake up, please!" I shout again.

Nakita kong nanghihina niyang binuksan ang mga mata. Muli akong naiyak habang awang-awa sa sinapit niya. Nilabas ko ang kamay upang ipakita sa kanya na gustong-gusto ko siyang abutin.

"R-ruegin, fight for us. Don't let them take me away from you." I said weakly.

Nakatingin lang siya habang hindi nakakabangon dahil sa sinapit ng kanyang katawan. Umiyak ako at gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon. Mula sa bintana, nakita ko ang pagdating ng sasakyan ni Papa. Mas lalo akong nagimbal ng makitang bumaba ang ama ko sa sasakyan at huminto sa gilid ni Ruegin.

Tinignan niya si Ruegin na hinang-hina bago ako tinignan sa taas. Naglakad si Papa papasok sa mansyon at iniwan si Ruegin. Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan iyon upang lumabas. Nagmamadali akong bumaba at sa sala, nandoon si Papa at Mama. Maluha-luha si Mama habang tinitignan ako. Meanwhile, my father look at me with disgust in his eyes.

"Guard, bring her to the car." utos ni Papa sa mga guard.

Umiling ako at lumaban ngunit malakas ang mga guard at walang hirap nila akong dinala sa labas ng mansyon. Tinignan ko si Ruegin, nakatingin sa akin at gusto akong abutin ngunit hindi magawang makabangon dahil sa panghihina.

"R-ruegin, please." umiiyak kong sabi.

Hindi ko narinig ang kanyang sinabi dahil pinasok ako sa kotse at sumunod ang magulang ko. I tried to open the door and I did it. Mabilis akong tumakbo papunta kay Ruegin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang ang kanyang dugo ay napupunta na sa damit ko.

"Ilalayo nila ako sayo. Don't let them do that, Ruegin. I love you so much." umiiyak kong sabi habang yakap-yakap siya.

Hindi siya makapagsalita. Naramdaman ko ang hawak ng mga guard kaya muli kong nabitawan si Ruegin at nilayo sa kanya.

"Ruegin, I love you, please fight for me." I plead to him.

Wala na akong lakas at hinang-hina na rin ako sa nangyari. Hindi ko na alam. Ang gusto ko lang maramdaman ang yakap ni Ruegin ngayon, kaming dalawa sa kubo, masaya at magkasama.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon