Kabanata 16

811 31 2
                                    

Kabanata 16

Fight

Tumagal ng isang buwan ang lihim naming pagtatago ni Ruegin. Sa loob ng buwan na iyon, ang tanging ginawa namin ay mahalin ang isa't-isa. Iyon din ang panahon na mas lalo ko siyang naintindihan. Ibang lalaki si Ruegin. Hindi siya maramot. Masarap din siyang magmahal. Kaya naman ngayon, gustong-gusto kong makipag-divorce kay Narciso kasi plano kong magpakasal kami.

But the thing is hard. Walang divorce sa Pilipinas. May annulment pero umaabot ng ilang taon bago nabibigyan ng bisa. Mahihirapan akong makawala ng tuluyan kay Narciso dahil sa kasal namin.

Ngayon kasi, gumawa kami ng plano. Uuwi ako sa amin at sasabihin ko sa magulang ang lihim ko. Lahat ng naipon kong pera ay kukunin ko para panimula namin ni Ruegin. Alam kong kapag malaman 'to ni Narciso, malaki ang posibilidad na patalsikin niya si Ruegin sa kalupaan niya.

Naisip kong magagamit namin ang pera na naipon ko sa pagsisimula. Isasama namin ang kanyang kapatid sa pag-alis dito. At kapag makalayo kami, magpapatuloy ang buhay namin na magkasama. He will work for our future. Kasama ako at ang kanyang kapatid. Masaya ako sa planong iyon. Kapag magtagumpay kami, iyon na ang pinakamasayang regalo sa akin ng Diyos.

Nagmamadali akong tumayo sa kama ng maramdaman ang tubig na palabas sa bibig ko. Tinakbo ko ang banyo at sumuka sa sink-in. Tubig lang ang niluwa ko. Nang matapos sa pagsusuka, napatingin ako sa salamin. Medyo ramdam ko ang pagkakaroon ng laman sa katawan.

Am I expecting something? Napahawak ako sa dibdib habang iniisip ang pwedeng dahilan ng pagsusuka ko. Sa paulit-ulit naming ginagawa ni Ruegin, siguradong makakabuo nga talaga kami. Siguradong makakabuo kami ng anak. Ngumiti ako ng hinaplos ang tiyan. Buntis na yata ako sa kanya. Magkakaroon na kami ng anak.

Imbes na malungkot at matakot, naging masaya ako dahil nagbunga ang lahat sa amin. Hindi ko iisiping disgrasya ang pagbubuntis kasi biyaya iyon ng Diyos. Ngayon na nararamdaman kong meron na, mas lalo akong binigyan ng lakas na ipagpatuloy ang plano namin.

Inayos ko ang sarili bago lumabas ng banyo. Sa ibang kwarto ako natulog dahil ayokong makatabi si Narciso. Pumayag naman siya dahil alam niyang kasalanan din naman niya 'yon. Bumaba ako mula sa taas at dumiretso sa dining table. May breakfast na doon at nagugutom na ako.

"Magandang umaga, Senyorita." bati ni Manang Lynda.

Ngumiti ako at tumango sa matanda.

"Naipadala na ang mga pagkain sa tauhan, Senyorita. Masayang-masaya sila dahil palagi na daw may suplay ng pagkain sa kanila." Manang Lynda inform me.

Hindi tumutol si Narciso sa naging desisyon ko. Hinayaan niya akong gawin ang gusto ko. Palagi kong utos kay Manang Lynda at Dayang na magluto ng mga pagkain upang maibigay sa mga tauhan niya. Hinayaan 'yon ni Narciso kaya medyo nawala ang galit ko sa kanya.

"Karapatan nilang kumain ng maayos, Manang. Sila ang nagpapakahirap para magkaroon ng salapi ang amo nila." sagot ko sa matanda.

Ngumiti siya at tumango-tango sa akin. Napahinga ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos nito, aalis ako para pumunta ng kubo. Hindi pa man sigurado kung buntis nga pero gusto kong ipaalam agad kay Ruegin itong nararamdaman ko. Gusto kong maging masaya rin siya sa magiging pamilya namin.

Naligo ako at dumiretso na nga sa kubo. Wala daw si Narciso dahil umalis papuntang bayan. Gusto ko sanang pumunta doon upang bumili ng pregnancy test. Para makasigurado kami, kailangan kong gumamit ng PT. Pero paano naman ako makakabili hindi ko naman alam ang lugar na ito.

Napahinto ako sa paglalakad ng maalalang binigyan nga pala ako ni Ate ng pregnancy test! Tama, she give me a box of PT! Nasa maleta ko 'yon! Bumalik ako sa mansyon at tinungo ang maleta. Nang makita, binuksan ko at hinanap sa loob ang box ng PT. Nagliwanag ang mga mata ng makita nga 'yon! See? Meron pala ako dito!

Kumuha ako ng isa at dumiretso sa banyo para gamitin ang PT. Isang patak ng ihi at naghintay ng ilang sandali bago lumabas ang resulta. Nakatayo lang ako sa harap ng salamin habang hinihintay na lumabas ang result.

Nang mapatingin sa PT, hindi matatawaran ang sayang naramdaman ng makita ang dalawang pulang linya. Oh my God! Buntis nga ako! I'm really pregnant! I'm pregnant by Ruegin baby!

Nilagay ko sa bulsa ang PT at inayos ang maleta. Bago lumabas, sinigurado kong malinis ang kwarto. After that, muli akong naglakad papunta sa kubo. Bitbit ang sayang nararamdaman, pumasok ako sa loob. Agad kong nakita so Ruegin, inaayos ang nasiring higaan namin. Nakatalikod siya sa akin kaya ng lumapit ako, mabilis kong niyakap ang kanyang katawan.

Narinig ko ang kanyang mahinang tawa habang niyayakap ko siya sa likod. Kinuha ko ang PT sa bulsa at pinakita sa kanya. Nung una, nagtaka siya pero kalaunan, nanlaki ang matang humarap sa akin. Ngumiti ako habang namumuo ang luha sa mata.

"B-buntis ka?" utal niyang tanong.

Nakangiti akong tumango sa kanya. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit habang binaon ang mukha sa leeg ko. Ngumiti ako at sobrang saya ang nararamdaman para sa aming dalawa. Ngayon, may kakampi na kami sa laban na ito.

"Tayong tatlo ang magkakampi sa laban na ito, mahal." mahina kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya at tumango-tango sa akin. Hinalikan niya ang labi ng malalim. Napahinga ako at tumugon sa kanyang halik. Nang bumitaw kami sa isa't-isa, kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"Magkaka-anak na tayo, mahal. Magkakaroon na ako ng anak." he said happily.

Tumango ako at hinaplos ang kanyang pisnge. Masaya talaga ako para sa aming dalawa. This is my home. He is my home.

"Mahal na mahal kita, Rocini." he said passionately.

I nodded again. I know that. I know how much he love me. Sa lihim naming pagsasama, alam na alam ko kung paano magmahal ang isang Ruegin. Kaya labis ang kagustuhan kong magkasama kami hanggang sa dulo nito.

Hapon ng bumalik ako sa mansyon. Nagtaka ako ng makita ang pag-aalala sa mata ni Manang Lynda at Dayang. Hindi sila makatingin ng maayos sa akin. Kumunot ang noo ko bago lumapit sa kanila.

"May problema ba, Manang?" tanong ko.

Napahinga ng malalim ang matanda bago tumingin sa akin.

"Usap-usapan sa mansyon ang nakitang damit niyo sa bahay ni Ruegin, Senyorita. Umabot na kay Senyorito ang balita at ngayon ay nasa kwarto siya, galit na galit ng dumating." si Manang.

Nalaglag ang panga ko. Mabilis pumasok sa isip ang silk night dress kong naiwan sa kubo na siguro ay dinala ni Ruegin sa bahay nila. Paano naman ito kumalat? May nagsabi ba sa mga tao dito? Paano nalaman ng mga tao dito ang tungkol sa damit ko? Nanlalamig akong umakyat sa taas upang harapin si Narciso. I hope I could fight for my happiness.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon