Kabanata 4

754 34 5
                                    

Kabanata 4

Kailangan

I honestly like the falls. It was calming and the nature were made beautifully. Bilib na bilib talaga ako sa mga likha ng Diyos. It makes me amaze. Kaya nung makita ko yung falls at kubo na kanyang ginawa, sobra akong natuwa. And yes, I will go there. Hindi ko papalagpasin 'yon.

Ngayon, unti-unti kong nagugustuhan ang ugali ni Ruegin. He's not rude anymore. In fact, natuwa ako sa kanya ng pinakita niya sa akin ang falls. Ika niya'y ako pa lang ang nakapunta sa falls na iyon.

Hindi ko tuloy makalimutan kaya hanggang sa mansyon ay naiisip ko pa rin 'yon. Susubukan ko bukas maligo doon. I will bring my swimsuit. I will post on my Instagram or Facebook to make my friends curious. Siguradong pati ang kapatid ko'y magtatanong sa akin.

Kumain kami ng hapunan. Gaya ng mga naunang pagkain, maraming nakahanda sa lamesa. Dalawa lang naman kaming kumakain ni Narciso. Nagtataka tuloy ako kung nauubos ba talaga ang mga pagkaing ito.

"I'm done." sabi ko ng matapos sa pagkain.

Napatingin sa akin si Narciso. He's still eating. Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Nauna akong tumayo at pumunta sa kusina upang maghugas ng kamay. Naabutan ko pa si Dayang na nakatayo habang nakatingin sa bintana. Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ang ginagawa niya? Is she staring something in the window?

"Are you alright, Dayang?" basag ko sa kanyang katahimikan.

Nagulat pa yata kaya ng tumingin sa akin ay nanlalaki ang kanyang mata. Ngumiti ako at napailing-iling.

"Opo, Senyorita." she said slowly.

Tinignan ko siya. Gusto kong magtanong sa kanya tungkol sa mga pagkain. Tiyak na may alam siya.

"Ang mga pagkain bang hindi nauubos, tinatapon niyo?" tanong ko.

She shook her head immediately.

"Hindi po, Senyorita. Binibigay po namin sa mga trabahador ni Senyorito." sagot nito.

Napatango ako. That means, pati si Ruegin ay nabibigyan ng mga pagkaing sobra? Tama ba?

"Sino ang kumukuha dito, kung ganoon?" I asked again.

"Si Ruegin po, Senyorita." maikli nitong sagot.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Siya pa talaga ang kumukuha ng mga sobrang pagkain ha! Sabagay pwede naman talagang ibigay sa kanila ang mga sobra kasi sayang naman kung itatapon lang. Tsaka nabubusog rin sila sa mga pagkain na meron ang mansyon.

Naghugas ako ng kamay at iniwan na si Dayang. Tapos na si Narciso kumain at kasalukuyan umiinom ng wine. He wants me to drink but I'm not in the mood. Umakyat ako sa taas at naglinis nalang ng katawan.

Pinuno ko ng tubig ang bathtub. Nilagyan ko ng body shower ang tubig at mga petals. I take off my clothes. Humiga ako sa tubig at hinayaan ang sarili na mawala ang pagod. Habang nakapikit ang mga mata, biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Ruegin. I open my eyes fastly.

What's going on with me? Why am I thinking about his face? Inalog-alog ko ang ulo habang hindi makapaniwala sa sarili. This is making me crazy. Habang pilit inaalis sa isipan ko, muling naisip ang dimple niya, ang ngiti, ang mata at rahan ng kanyang boses.

Napalunok ako at umiling-iling ulit. Nababaliw na yata siguro ako. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Dalawang araw palang kami dito tapos ito na agad ang nangyayari sa akin. This is impossible!

Tinapos ko ang paglilinis ng katawan at mabilis na nagpalit ng damit. After that, natulog ako na hindi nawawala sa isipan ang mukha ni Ruegin.

I woke up because of the sunlight. Mabilis akong bumangon dahil kailangan kong mag-jogging. I wore my usual outfit for my jogging. Nang matapos, lumabas ako at nagsimulang tumakbo.

Muli kong nilibot ang mansyon. Tatlong ikot ng tumigil ako dahil kailangan kong magpahinga. Umupo ako sa bermuda grass at tiningala ang kalangitan. The heaven were calming and beautiful.

"Madalas kitang nakikitang nakatitig sa kalangitan, Senyorita." pukaw ng marahan na boses.

Napabuntong-hininga ako ng mapagtantong si Ruegin na naman ito. Mukhang madalas rin kaming magkikita sa jogging ko ha? Wow, what a coincidence!

"Tunay nga namang maganda ang likha ng Maykapal, Senyorita. Tulad mo, magandang babae." segundo niya.

Umirap ako at umiling sa kanya. Mula sa pagkakatingala, bumaba ang mata ko sa kanya. He's wearing a simple t-shirt and short. Well, at least, hindi pambukid ang kanyang suot ngayon. Maayos siyang tignan habang ganyan lang ang suot.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

He smiled and look away.

"Tumitingin rin sa kalangitan, Senyorita. Iyon kasi ang gawain ko sa umaga." sagot niya.

Ngumuso ako at hindi ramdam ang kanyang sagot.

"Nakaugalian ko na kasi na gumising ng maaga upang lumabas at pagmasdan ang kalangitan. Maganda ang langit sa parte ng mansyon kaya dito ako naglalakad upang tignan 'yon." dugtong niya.

Well, that make sense. Maganda nga ang kalangitan pagmasdan kapag dito sa mansyon. Parang malapit lang siya at nakakaantig abutin.

"Maliligo ako sa falls ngayon. May gagawin ka ba?" pag-iiba ko ng usapan.

Mabilis siyang tumingin sa akin na animo'y isang napaka-importante ng sinabi ko.

"Wala, Senyorita. Nasa bahay lang ako buong araw ngayon." he said immediately.

Tumango ako.

"Good. Samahan mo akong maligo. Hindi ko pa kabisado ang falls, baka may mangyari sa aking masama doon." I explained.

He nodded while smiling. Kakaiba talaga ang kanyang dimple at mata. Alam niyo 'yon, kapag ngumingiti siya, sumasabay ang kanyang mga mata. Hindi ko yan nahanap sa mga lalaking nakikita ko sa Manila.

"Sige, Senyorita. Ikaw lang ba?"

"Of course, yes! Sino pa bang sasama sa akin?" medyo tumaas ang boses ko.

Napaawang ang kanyang bibig. When he close his mouth, he swallowed.

"Nakuha ko, Senyorita. Pasensya na." mababa niyang sabi.

I sighed. Tumayo ako at muling tumingin sa kanya.

"Mauna kang pumunta doon. Dapat pagdating ko, nandoon ka na." bilin ko sa kanya.

Mukha namang masunurin si Ruegin kasi sa tuwing may sinasabi ako, lagi siyang sumusunod. Siguro dahil asawa ako ng boss nila kaya ganoon siya. Well, may point naman talaga 'yon.

"Masusunod, Senyorita Rocini." bigkas niya sa pangalan ko.

Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng buhok sa balat dahil sa kanyang pagbigkas ng pangalan ko. Kakaiba talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko sa kanya. Kailangan kong malaman kung ano nga ba itong nararamdaman ko para sa magsasakang ito.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon