Kabanata 19

939 31 0
                                    

Kabanata 19

Kasalanan

"S-senyorita..." narinig kong boses ni Dayang.

Mabilis akong napatingin sa kanya. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Lumapit ako at hinawakan ang kanyang braso. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot at kabang nararamdaman.

"N-nasaan si Ruegin?" batid ang takot sa boses ko.

She sighed sadly. Natigilan ako at napalunok ng maraming beses.

"W-wala na po siya, Senyorita." mahinang sagot ni Dayang.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Anong wala na siya? Paanong wala na siya?

"W-what do you mean, Dayang!?" tumaas ang boses ko.

Tumingin sa akin si Dayang. She was crying too.

"H-hindi namin alam kung bahay pa ba siya o wala na kasi nung umalis ka, pinatapon ni Senyorito ang kanyang katawan sa hindi namin alam na lugar." she said sadly.

W-what the fuck? Si Ruegin... wala na? Did he died? Shit!

"Anong hindi niyo alam!? Saan siya pinatapon ni Narciso, Dayang!?" galit kong sabi.

Umiling-iling si Dayang at umiiyak na rin. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita ang kanyang katawan! Hindi siya patay! Hindi patay si Ruegin!

"Hindi na rin namin alam, Senyorita. Natatakot na kami kay Senyorito dahil sa nangyari. Pinasunog niya ang bahay ni Ruegin dahil sa galit niya at ang katawan niya na nasa harap ng mansyon kanina, tinapon rin ng mga tauhan niya. Hindi namin alam kung buhay pa ba o patay na siya, Senyorita." she said grievely.

Napailing-iling ako at umatras dahil hindi ko matanggap ang kanyang sinabi. Si Ruegin wala na? Bago ako mawalay sa kanya kanina, may buhay pa siya! Maghihintay siya sa akin kaya nandito ako para puntahan siya! Tapos ito ang balitang malalaman ko? Si Ruegin patay na!?

Natumba ako sa lupa habang bumubuhos ang luha sa mga mata. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang hirap na tanggapin ang lahat ng ito. Hindi ako makapaniwalang nakaya ni Narciso na gawin 'yon sa isang tao! He is a killer! He is the reason why Ruegin is nowhere to be found now!

Realization hit me. May kasalanan rin ako. Kasalanan ko kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon si Ruegin. Kasalanan ko kung bakit nawala siya ngayon. Kung hindi ko sana siya pinasok sa lihim na sekretong iyon, hindi sana aabot sa kanya ito. It's my fault. Kaya nawala si Ruegin dahil kasalanan! Because of my craziness, the innocent, kind and genuine man gone!

Mas lalo akong umiyak dahil sa naiisip. Ang bait-bait ni Ruegin upang gawin 'to sa kanya. He is innocent! Kung may dapat mang parusahan dito ay ako 'yon! I put him in that situation because my craziness! He doesn't deserve this! Ruegin doesn't deserve this!

"N-naubos na rin ang lakas ni Ruegin nung pinabugbog ni Senyorito ang kanyang katawan." dagdag na impormasyon ni Dayang.

Mas lalo akong naiyak.

"A-ang kapatid niya?" mahina kong tanong.

Napayuko si Dayang habang pinipigilan ang luhang tumulo. Huwag niyang sabihin na pati ang kapatid ni Ruegin ay nadamay dito?

"W-wala na rin po, Senyorita." she said painfully.

Putang ina!

"Ano!?" gulat kong sabi.

Umiling-iling si Dayang habang umiiyak.

"Kasabay ng pagkuha nila ng katawan ni Ruegin, narinig namin ang iyak ng kapatid niya at putok ng baril, Senyorita. Pagkatapos sinunog ang bahay at hindi na namin alam kung nasaan ang katawan ng magkapatid." aniya habang umiiyak.

Napanganga ako sa lahat ng impormasyong ito. Ilang oras lang akong nawala tapos ito na ang nangyari!? Nagawa talaga 'yon ni Narciso sa inosenteng tao?

Bagama't hinang-hina, tumayo ako at pumunta ng mansyon upang kausapin si Narciso. Galit na galit ako sa kanya. Muhing-muhi itong puso ko dahil sa nagawa niya sa magkapatid. Bakit kailangan pang wakasan ang buhay? Pwede naman silang paalisin dito ng hindi kinukuha ang buhay nila! Hindi ako makapaniwalang ito ang nangyari kay Ruegin!

"Nasaan si Narciso!?" galit kong tanong kay Manang Lynda.

Nag-aalala na rin ang matanda sa akin. Napahinga ito bago sumagot.

"Nasa kwarto po, Senyorita." she said weakly.

Napahinga ako at mabilis na tumungo paitaas. Binuksan ko ang pinto at pumasok ng walang pag-alinlangan. Nakita ko siyang nakaupo sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang alak ay nasa tabi ng maliit na lamesa habang umiinom siya sa baso.

"Anong ginawa mo kay Ruegin!?" galit kong sigaw.

I heard his deep sighed. Inabot niya ang baso at sumimsim doon bago sumagot sa akin.

"Pinatapon ko ang katawan ni Ruegin at ng kapatid niya sa dagat, hindi ko alam kung buhay pa ba 'yon." he said like nothing.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Humarap siya sa akin at nababakas ang mukhang walang pagsisisi sa kanyang ginawa.

"Gumawa siya ng malaking kasalanan sa akin, Rocini. Unang-una palang, alam nila ang batas ko dito. Ang akin, akin. At ang gagong iyon ay nagawa palang kunin ang akin. Hindi niya sinunod ang batas ko kaya pinapatay ko." aniya sa magaan na boses.

Napailing-iling ako habang hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Demonyo talaga siya! Hindi alam ni Papa na demonyo ang lalaking gusto niyang makasama ko habang buhay!

"P-paano mo 'yon nagawa sa inosenteng mga tao, Narciso!? Kahit ang kapatid niya, nagawa mong paslangin!" umiiyak kong sigaw.

"Oo dahil ayokong makita ni isa sa kanilang dalawa sa lupain ko, Rocini! This is your fault! Kung hindi mo ginawa ang pangloloko sa akin, hindi mangyayari 'to kay Ruegin! Of all people, si Ruegin ang pinakamagaling kong tauhan! You ruined him! Ikaw ang kasalanan kung bakit wala na siya!" he said loathedly.

"Alam kong kasalanan ko 'to pero bakit umabot pa sa pagpatay, Narciso? Bakit ginawa mo 'yon?" hinang-hina kong sabi.

"Because I loathe seeing them. I fucking hate seeing them in my land! Dahil sa ginawa mo, kinailangan kong alisin sila sa mundong ito." he said furiously.

Napailing-iling akong hinang-hina napaupo sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin pa. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Ruegin. Nadamay pa ang kanyang kapatid sa akin. Hindi ko lubos akalain na magagawa ito ni Narciso.

"Y-you are so ruthless! Wala kang puso, Narciso!" punong-puno ng hinagpis kong sabi.

I cried because of the pain I feel inside. I cried because the man I love is gone now. Ruegin and his brother are gone because of me! It's my fault! It's all my fault! Kung hindi dahil sa akin, buhay pa sana sila ngayon. Nandito pa sana si Ruegin ngayon! Kasalanan ko 'to. Kasalanan kong wala na sila.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon