Kabanata 15

890 33 2
                                    

Kabanata 15

Sumaya

"Totoo po 'yon, Senyorita. Mahigpit si Senyorito pagdating sa mansyon. Pero ang hindi ko po maintindihan kung bakit ginugutom niya ang mga tauhan. Kapag wala noon, nagbibigay kami ng palihim sa mga trabahador kasi awang-awa kami. Kulang ang sweldo, walang libreng pagkain na galing dito." siwalat ni Dayang.

Napanganga ako.

"Nung unang linggo, bago kayo dumating ay may namatay na trabahador ni Senyorito. Ni hindi manlang binigyan ng tulong. Si Ruegin ang kaisa-isang tumulong, nagbigay ng kanyang pera kahit alam namin na mas kailangan niya 'yon. Mahirap ang buhay dito kapag nandito si Senyorito. Ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na maging maayos sa pagkain dahil nandito ka, Senyorita." she added.

Namuo ang luha ko dahil sa kwento niya. How ruthless he is! Hinayaan niyang maging ganoon ang mga trabahador niya! Hinayaan niyang maghirap sa kakatrabaho tapos sa huli, kakarampot na pera ang matatanggap! Hindi ko alam na may ganitong ugali si Narciso! He is devil! He killed his workers!

"Ayaw kong sabihin kasi pinagbabawal ni Manang Lynda. Pero nagtanong po kayo, Senyorita. Sana po ay hindi umabot kay Senyorito ito." sa nanghihina niyang boses.

Umiling ako pinahid ang luhang tumulo. Ngayon na totoo pala ang sinabi ni Ruegin, itatama ko 'to! Kung kailangan kong makipag-away kay Narciso, gagawin ko. Hindi dahil damay ang lalaking mahal ko dito kundi dahil sa mga trabahador na deserve ang magkaroon ng maayos na sweldo at trato. They work hard to produce rice, corn and flowers, tapos ito lang ang makukuha nila! I can't believe this!

Pumasok ako sa kwarto na sobrang bigat na nararamdaman. Pakiramdam ko, lalagnatin ako sa nalaman ngayong araw. Inutusan ko si Dayang na magluto ng mga pagkain upang ibigay sa mga trabahador. Agad naman siyang sumunod sa utos ko. Ngayon, haharapin ko si Narciso. I will confront him about this! Pwede siyang kasuhan kung may lalaban lang e! This is violating the human rights!

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang kararating na si Narciso. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. Tumayo ako at galit na lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa mga tauhan mo, Narciso!?" I said madly.

Natigilan siya sa reaksyon ko. Hindi pa nga nailalagay ang coat na dala ng magsalita ako.

"What are you talking about, Rocini?" he said innocently.

Lumapit ako at galit na tumingin sa kanya.

"Ginugutom mo ang mga trabahador mo habang naghihirap silang magtrabaho sayo! Para magkaroon ka ng maraming pera! You bullying your workers, you damn ass!" I shouted.

Napaatras siya sa sigaw ko. Hindi pa ako nakuntento, nahampas ko pa ang kanyang balikat sa sobrang galit.

"Ang lupit mo! Nakaya mong gawin 'yon sa kanila ha! How dare you making their lives miserable! They deserve to treat well! They deserve foods, money and shelter! They deserve to live because they work hard for you! Tapos ito yung ginagawa mo sa kanila! Bull damn shit!" hindi ko na napigilan ang galit.

He tried to hold my arms but I use my force to push him. Tumigil siya at huminga ng malalim.

"Calm down, Rocini." mahinahon niyang sabi.

Umiling ako at pinaghahampas siya. Hindi ako kakalma dahil awang-awa ako sa mga tauhan niyang agrabyado dito! Shit! Kung si Papa ito, baka hindi ko makayang tumingin sa mga mata no'n.

"How can I calm down when the truth slapping me, Narciso! You abuse your workers. Mga tao! Kumakain sila! Naghahanap buhay sila para magkaroon ng pera, pero sinasamantala mo 'yon kasi alam mong makapangyarihan ka! I can't believe this!" tumutulo ang luha ko habang sinasabi 'to.

He sighed.

"Yes, they work for money. They work for me because they need my money. They live upon my land, Rocini! Ang bahay na kanilang tinitirahan ay pagmamay-ari ko. Pati ba naman pagkain nila, sasaluhin ko pa? That's unfair!" he fire back.

Nawindang ako sa kanyang sinabi. What the fuck? Bakit ganito ang mindset ng lalaking 'to!? He is devil! Walang puso!

"Kailangan nilang kumain para makapag-trabaho ng maayos sayo. You need to provide their foods so that, they can work well! Ni tulong nung may namatay hindi mo manlang binigyan! Anong klaseng amo ka, Narciso!" sigaw ko sa kanya.

"Kailangan nilang magbanat ng buto para sa pera! Hindi pwedeng ibigay ko lahat! Pinaghihirapan ang bawat meron sa mundo!" he said calm but frustratedly.

"Paano sila magbabanat ng buto kung sa huling banda, buto-buto nalang sila dahil sa gutom! Dahil walang pagkain na binibigay ang magaling nilang amo! Is this how you rule your workers, Narciso?" malamig kong sabi.

He sighed and look away.

"If this how you rule your workers, then it's not ruling, Narciso. You're killing them." I said blankly.

Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Hindi ko kayang harapin ang ganoon tao. Hindi ko kayang pakisamahan ang ganoong mindset. Wala manlang siyang awa para sa mga trabahador niya. He treated his workers as animals. Okay lang kung hindi makakain basta magtrabaho sa kanya. That's bull in the shit!

Takot ang mukha ni Manang Lynda at Dayang ng humarap sa akin. Pinahid ko ang luha sa pisnge at hinarap sila.

"Luto na ba lahat ng mga pagkain na pinaluto?" tanong ko sa kanila.

Mabilis na tumugon ang matanda.

"Luto na po, Senyorita."

"Sige, dalhin niyo ang mga pagkain na 'yon sa mga tauhan ni Narciso. Sabihin niyo sa kanila, simula ngayon, magbibigay na ng pagkain ang mansyon para sa kanila." malamig kong sabi.

Tumango ang dalawa at mabilis na sinunod ang utos ko. Naisip kong pumunta ng kubo upang doon ilabas ang galit na nararamdaman ko kay Narciso. Kahit madilim at delikado, pumunta pa rin ako. Pumasok ako sa loob at umupo sa higaan na ginawa ni Ruegin. Niyakap ko ang binti habang kinakalma ang sarili.

Ilang sandali na pagpapahinga, napatingin ako sa may pinto ng makita doon ang bulto ni Ruegin. Nakatayo siya at punong-puno ng pag-aalala ang mukha ng tumingin sa akin.

Mabilis akong tumayo at tinakbo ang distansya namin. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Binaon ko ang mukha sa kanyang dibdib habang ang kanyang mukha naman ay sa leeg ko.

"Mabilis akong pumunta sa mansyon ng marinig ko ang sinabi ni Dayang sa tirahan namin. Umiiyak ka daw dahil nagtalo kayo ni Senyorito." marahan niyang sabi.

Mas lalo kong niyakap ang kanyang katawan. Gusto ko nalang umalis dito at makasama siya. Gusto kong lumayo na kaming dalawa lang. Pero alam kong hindi niya magugustuhan dahil may kapatid pa siyang tinutulungan. Pinaglaban ko ang karapatan nila bilang manggagawa sa taniman.

"Mahal kita, Senyorita. At simula ngayon, ipaglalaban kita." he said softly.

Ngumiti ako at mas lalong niyakap ang kanyang katawan. Sana nga ay hindi mahirap itong gyerang haharapin namin. Sana nga, kahit mali at kasalanan, matanggap pa rin kami ng mundo. Kasi nagmahalan lang naman kami. Kasi gusto lang namin sumaya sa piling ng isa't-isa.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon