Kabanata 13

879 34 1
                                    

Kabanata 13

Guhit

Naglinis kami ng katawan sa lawa bago nagsuot ng damit at bumalik sa taniman. Tahimik kami habang naglalakad na magkahawak kamay. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang nilalakad namin ang daan papunta sa bukana ng kagubatan. Nang makarating, binitawan niya ang kamay ko at humarap sa akin. Ngumiti ako at hinayaan siyang halikan ang labi ko.

Tumagal ng ilang sandali ang halik bago humiwalay sa akin. Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang kanyang pisnge.

"Mauuna akong babalik sa taniman. Manatili ka dito hangga't hindi pa ako nakakarating doon." sabi ko.

He nodded.

"Magpahinga ka nalang kaya sa mansyon?" pag-aalala niya sa akin.

Ngumuso ako ng maalala ang nakita kanina. Nandoon si Dayang, kapag bumalik ako sa mansyon baka maglampungan sila!

"Para magkaroon kayo ng oras ni Dayang maglambingan, ganoon ba?" nakanguso kong sagot.

Napanganga siya sa sinabi ko. Umiling-iling bago dahan-dahang ngumisi ang labi. Lumapit pa siya at pinatakan ng halik ng nakanguso kong labi.

"Bakit ko naman gagawin 'yon kay Dayang, mahal?" sa sobrang rahan niyang sabi.

Ngayon, ako naman ang napanganga sa tinawag niya sa akin. He called me love. Mabilis na naghuramentado ang puso ko sa kanya.

"K-kasi gusto ka no'n! Akala mo hindi ko alam na may nagkakagustong ibang babae sayo ha!" panglalaban ko.

Ngumuso siya habang pinipigilan ang sarili na ngumiti. Nagawa pa akong tawanan ng isang 'to! Akala naman niya natutuwa ako!

"Ang tanong, magugustuhan ko ba sila pabalik, mahal? Hindi. Kailangan nilang maging si Senyorita Rocini bago ko sila magustuhan." he said huskily.

Umirap ako at umiling-iling. Mga hirit niyang alam kong totoo naman. Hindi babaero si Ruegin. Wala ngang experience sa mga babae e. Kung hindi ko pa inunahan, baka nasa stage of talking lang kami. Minsan talaga kailangan kumilos rin ang mga babae. But it's not necessary ha. Depende lang yan sa kung gaano mo kagusto ang lalaki.

"Sige na, magpapahinga ako. Isasama ko si Dayang sa mansyon. Baka kung anong gawin niyo." nakanguso kong sabi.

Marahan siyang humalakhak bago halik-halikan ang pisnge ko. Napailing-iling ako sa kanya at humiwalay na para makaalis. Baka abutan pa kami dito.

Pagkarating ko sa plantation ng mga bulaklak, agad akong nilapitan ni Dayang. Bakas ang pag-aalala sa kanya habang kaharap ako.

"Senyorita, saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kami naghahanap sa inyo." aniya sa hindi mapakaling boses.

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang braso.

"I'm fine, Dayang. Naglibot-libot lang ako sa taniman. Let's go, I want to rest now." sagot ko sa kanya.

She sighed heavily. Tila nawala ang takot sa kanyang mukha. Nauna akong naglakad pabalik ng mansyon samantalang nasa likod ko lang siya at nakasunod. Naisip kong magpaluto ng lunch para ibigay sa mga trabahador. Para na rin kumain si Ruegin. Baka nagugutom na 'yon. Pinagod ko pa naman.

"Manang Lynda, pwede ba kayong magluto ng pagkain para sa mga nagta-trabaho sa taniman ngayon? Gusto ko silang kumain ng lunch galing dito." tugon ko sa matanda.

Bagama't nagtataka, ngumiti ito sa akin.

"Masusunod po, Senyorita." aniya bago pumasok sa kusina.

I sashayed my way to our room. I will wash my body and take my rest. Nahiga ako sa kama ng matapos sa paglilinis ng katawan. Muling bumalik sa isipan ang tinawag sa akin ni Ruegin kanina. He called me love. It was his call sign to me. Napakagat-labi ako sa iniisip.

Nagising ako ng may kumatok sa pinto. Marahan akong tumayo at lumapit doon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Dayang.

"Senyorita, luto na po ang tanghalian ng mga trabahador. Ihahatid na po sa kanila." paalam niya.

Mabilis kong naisip na hiwalayan ng pagkain si Ruegin. Hindi naman siguro magtataka si Manang Lynda kung sabihin kong pagpapasalamat iyon sa pagto-tour niya sa akin sa taniman. Ah, I'm so liar!

Ano naman ang sasabihin ko? Magpapasalamat dahil palagi akong nakikipag-siping kay Ruegin? Oh, that's ridiculous! Siguradong mawiwindang ang matanda.

"Teka lang, gusto kong bigyan ng hiwalay na pagkain si Ruegin. It's my thanksgiving for touring me around the plantation." I explained.

Napanganga si Dayang ngunit tumango naman. Lumabas ako ng kwarto at naunang naglakad sa kanya. Nang makababa, pumasok ako sa kusina at nakita doon ang pagkain na niluto ni Manang Lynda. Dalawang putahe ng ulam at maraming kanin. Napangiti ako. Mabubusog ang mga trabahador dahil sa pinahanda kong pagkain.

Kumuha ako ng baunan at nilagyan ng pagkain doon ni Ruegin. Maraming kanin at ulam ang nilagay ko. Kumuha rin ako ng apple at saging para kainin niya rin. Pagkatapos nilagay ko sa paper bag na nakita at binigay kay Dayang. Laglag ang panga niya ng tanggapin ang paper bag.

"Ibigay mo 'yan kay Ruegin ha. Sabihin mo pinapabigay ni Senyorita para sa kanya. At sabihin mong kailangan niyang ubusin ang pagkain." bilin ko kay Dayang.

Napalunok ang kasambahay bago dahan-dahang tumango. Punong-puno ng pagtataka ang kanyang mukha ngunit wala namang nagawa dahil masusunod ako.

"Tsaka pagkatapos mong ibigay yan, bumalik ka rito agad. Huwag ng magtagal doon." dagdag ko.

She nodded. Napahinga ako at ngumiti sa kanya. Tinalikuran ko siya at muling umakyat sa taas upang manatili sa kwarto. Habang nakaupo sa kama, pumasok sa isip ko na iguhit ang mukha ni Ruegin. Mabilis akong tumayo at pumunta sa library upang gawin ang nasa isip ko.

Kumuha ako ng bond paper at lapis. Umupo ako at nagsimulang isipin ang mukha ni Ruegin. Napangiti ako ng mabilis na pumasok sa isip ang kanyang mukha. I started to draw it. Bawat anggulo ng kanyang mukha ay ginuhit ko. Ang kanyang mata, ilong, labi at pisnge. Nang matapos sa features, sunod kong nilagay ang ibang bahagi ng kanyang mukha. Sa ilang oras na pangguguhit, unti-unting nabuo ang mukha ni Ruegin.

Napahinga ako ng ilagay ang finishing touch sa drawing. Ngumiti ng makuha ang kanyang mukha. Oh God, ang bilis kong masaulo ang bawat parte ng kanyang mukha. Napailing-iling ako at tinago nalang ang drawing. Ipapakita ko 'yon sa kanya kapag magkita kami.

Lumabas ako ng library at nakasalubong si Dayang. Mukhang kanina pa hinahalughog ang mansyon. Nang makita ako napahinga siya ng malalim.

"Nandito ka lang pala, Senyorita." aniya sa hinihingal na boses.

Kumunot ang noo ko. Ano ba 'tong si Dayang, parang palaging hinahabol ng kabayo.

"Bakit, Dayang?" tanong ko.

She breath deeply.

"Nagpapasalamat pala si Ruegin sa binigay mong pagkain, Senyorita. Pagod na pagod daw siya sa ginawa niyo kaya nagutom." she said innocently.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. The heck, Ruegin! Sinabi niya talaga 'yon!

"Ah, Oo... syempre nakakapagod ang maglibot sa buong taniman." pagbibigay ko ng dahilan.

Ngumisi siya at tumango-tango.

"Tulala nga habang nakangiti kanina ng abutan ko sa taniman, Senyorita. Parang may iniisip na nagpapasaya sa kanya." pagbibigay pa ng impormasyon ni Dayang.

Napalunok ako at hilaw na ngumiti sa kanya. Hindi ko nalang sinagot dahil wala naman akong maisasagot sa kanya. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto namin. Muli akong napahinga ng tinignan ang ginuhit ko para kay Ruegin. It looks like him. Kuhang-kuha ko talaga ang features ng kanyang mukha.

Napangiti ako at humiga sa kama. I'm really into him now.






---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon