Kabanata 5
Stop
Dinala niya ang damit na susuotin ko pagkatapos maligo. Hindi na ako nakapag-paalam kay Narciso dahil busy siya sa taniman ng mga bulaklak. Tutal ngayon ay wala namang ginagawa si Ruegin kaya masasamahan niya ako. I need him there, hindi ako pamilyar sa falls kaya dapat may kasama akong sanay na doon.
Nauna akong naglakad habang nakasunod lang siya sa akin. He insist to walk first but I already know the way. Napahinga ako ng makarating kami sa falls. The air makes my face refresh. This is so cool. Ngumiti ako tumingin kay Ruegin. He was staring at my back kaya nung bumaling ako sa kanya, nagkatitigan kami.
"Maliligo ka rin ba?" tanong ko sa kanya.
He shook his head immediately.
"Hindi, Senyorita. Babantayan kita." aniya sa mababang boses.
Tumango ako at huminga ng napakalalim. Humakbang ako palapit sa tubig at muling ngumiti. Dahan-dahan kong hinubad ang suot na damit. Narinig ko ang pagkaka-ubo ni Ruegin sa likod ko. I smirked.
Wala akong suot na bra kaya pagkahubad ko ng damit, bumungad agad ang dibdib ko. Sunod kong hinubad ang suot na tight pants. Rinig na rinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Ruegin. Hinayaan ko at tinanggal ang suot na panty. Nang makuha ang kasuotan, bumaling ako kay Ruegin, pungay ang mga mata habang nakaiwas ng tingin sa akin.
"Ruegin, sanay ka bang nakakakita ng babaeng nakahubad?" tanong ko sa kanya.
He shook his head. Hirap na hirap siyang humarap sa akin. I smiled to him.
"H-hindi, Senyorita." utal niyang sagot.
I smirk. Marahan akong bumaba sa tubig. Mabilis akong nanginig sa lamig ng tubig. Nang hanggang sa baywang ang tubig, naramdaman ko ang mga titig ni Ruegin sa likod ko. I know he's staring at me.
Lumangoy ako sa tubig at agad na nawala ang kapaguran sa katawan. Oh God, I really like here. Sumisid ako sa ilalim, binuksan ko ang mga mata at nakita ang ilalim ng lawa. Malinaw ang tubig kaya kita ko ang nasa baba. After minutes, umahon ako at hinanap si Ruegin.
Agad na nagtama ang mga mata namin. Napahinga siya ng malalim bago umiling-iling. Ngumiti ako at tinaas ang kamay para papuntahin siya dito.
"Come here, Ruegin. The water is good." aya ko sa kanya.
He shook his head.
"Hindi pa ako maliligo, Senyorita." mahina niyang sagot.
Ngumuso ako at tinalikuran siya dahil ayaw niya talagang maligo. Lumangoy ako sa ibang parte ng lawa at hinayaan ang sarili na kainin ng tubig. Binabad ko ang katawan habang pinapanood lang ako ni Ruegin.
Makalipas ang ilang minuto, natapos akong maligo. Sa mansyon nalang ako magsasabon ng katawan. Umahon ako sa tubig at alam kong nakita ni Ruegin ang katawan kong hubo't-hubad. Mabilis siyang umiwas ng tingin at kitang-kita ko ang paglunok niya.
Mukhang hirap na hirap siyang humarap sa akin. Hindi manlang ako tignan sa mga mata. Kinuha ko ang tiwalya at agad pinulupot sa katawan. Inabot niya ang susuotin kong damit. I took it. Nang mawala ang basa sa katawan, marahan kong sinuot ang underwear and brassiere. Sunod kong sinuot ang damit. Nang maging maayos ang katawan, tsaka palang bumaling sa akin si Ruegin.
"Nakahalik ka na ba ng babae, Ruegin?" tanong ko.
Fuck, ano ba 'tong mga tinatanong ko sa kanya? Bakit ganito ang naiisip kong mga tanong? Am I lusting this man?
"Wala pa, Senyorita." mababa niyang boses.
Tumango ako at napahinga. Wala pa palang nahalikan ang lalaking ito. Ibig sabihin, virgin pa siya sa lahat ng experience?
"Bakit?" I asked.
He sighed heavily.
"Wala pa sa isip ko ang mga ganoon, Senyorita." he said casually.
Ngumuso ako at inirapan siya. Ang boring sigurong maging boyfriend 'to! Ni halik o anong experience ay wala pa siya! Paano kaya siya gugustuhin ng mga babae, kung ganoon?
Hindi na ako nagtanong pa dahil baka umabot pa sa kung saan-saan ang mga maitanong ko. Tumalikod ako at naunang naglakad sa kanya. Hindi na nasundan ang pag-uusap namin hanggang sa makarating kami sa mansyon.
Sumalubong si Dayang sa amin, agad niyang kinuha ang sinuot kong damit kay Ruegin. Humarap ako sa lalaking nakasama ko.
"Salamat sa pagsama, Ruegin." sabi ko sa kanya.
He smiled. Ang kanyang dimple ay muli kong nakita. Hindi ko napigilan ang sarili na lumapit dahil dalang-dala ako sa kanyang ngiti. Marahan kong dinampi ang labi sa kanya at binigyan siya ng mababaw na halik. Ramdam na ramdam ko ang pagkakatigil niya sa ginawa ko.
Agad akong umatras at tinignan siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at gulat na gulat sa ginawa ko.
"S-senyorita..." batid ang takot sa kanyang boses.
Ngumiti ako at huminga ng napakalalim. Dampi lang naman ang halik na binigay ko. Hindi ko lang napigilan ang sarili.
"Bakit niyo ako hinalikan, Senyorita? Baka magalit si Senyorito Narciso." malalim niyang sinabi.
Seryoso ko siyang tinignan at umiling-iling. Tumalikod ako at pumasok na sa loob. Hindi ko siya sasagutin dahil na-realize ko ang ginawa. Mali nga ang ginawa ko. Mali ang paghalik na ginawa ko sa kanya.
Pumasok ako sa kwarto at naupo sa kama. Hinaplos ko ang labi, hindi makapaniwala na nagawa ko 'yon kay Ruegin. I kiss him. I kiss Ruegin! Napalapit ako sa bintana, nakita ko siyang nakatayo pa rin doon at nakatingala sa akin. Nagkatitigan kami, gulong-gulo ang expression ng kanyang mukha. Napalunok ako at umalis sa harap ng bintana upang pumasok sa banyo.
I need to refresh my mind. Binuksan ko ang shower at naligo. Mali nga talaga ang ginawa kong paghalik kay Ruegin. Alam kong mag-iisip siya ng masama sa akin dahil ginawa ko 'yon. May asawa na ako, I shouldn't do it. But I heck, bakit ramdam na ramdam kong tama lang ginawa kong paghalik sa kanya? Bakit parang hindi naman mali ang halikan siya? What's wrong with me?
Binabad ko ang sarili sa bathtub at hinayaan na makatulog sa tubig. Gusto ko lang mawala ang iniisip kong ito. Hindi ko naman talaga dapat hinalikan. He is confused now. He might think that I'm cheating. Nababaliw na siguro ako. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan ko. I should stop thinking about him.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceRocini Tenasas is married to a very rich man. She's not happy. She was just force to marry the man because it was his father's decision. When they move out to her husband mansion in the province, she will meet a farmer that will make her heart beat...