Kabanata 14

846 35 3
                                    

Kabanata 14

Abuse

Yakap-yakap ako ni Ruegin habang nasa kubo kami. Katatapos lang ng mainit naming pagsasalo ng katawan. Dinama ko ang kanyang yakap sa akin. Hinalik-halikan niya ang balikat ko habang hubo't-hubad kami. Napangiti ako.

"Mahal, may ipapakita pala ako sayo." sabi ko.

Humiwalay ako sa kanya at umupo sa higaan. Kinuha ko ang short at kinuha doon ang ginuhit kong mukha niya. Agad kong naramdaman ang init ng katawan niya sa likod ko. Pinakita ko 'yon sa kanya. He rested his chin to my shoulder. Napahinga ng makita ang drawing ko at binigyan ako ng mumunting halik sa pisnge.

"Kuhang-kuha mo ang mukha ko, mahal." malambing niyang sabi.

Tumango ako at hinarap ang mukha sa kanya. Ngayon ang pagdating ni Narciso mula sa Manila. Itong araw nalang din ang malaya kaming magagawa ang gusto namin. Bukas, balik paglilihim kami sa sekretong ito.

Hinalikan niya ang labi ko ng marahan. Sinapo ko ang kanyang mukha at tumugon sa kanyang halik. Nung ginawa namin 'to ni Ruegin, natuto siyang humalik, gumalaw at hawakan ako. Tinuruan ko siyang magkaroon ng experience. Kaya ngayon, magaling na siya. Hindi pa man expert pero sa tuwing may nangyayari sa amin, napapaliyad nalang ako sa kanyang ginagawa.

Bumuhos ang napakalakas na ulan kaya tumigil ako sa paghalik sa kanya. Tumitig siya sa akin ngunit ang mga mata ko'y nasa labas ng kubo. Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Mabilis akong tumayo at walang pag-alinlangan na lumabas ng kubo kahit hubo't-hubad.

Narinig ko ang pagsinghap ni Ruegin sa ginawa ko. Tumingala ako sa kalangitan habang hinahayaan ang ulan na basain ako. Umikot-ikot ako habang nagtatampisaw sa ulan. Tinignan ko si Ruegin, nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.

"Come here, let's enjoy the rain!" aya ko sa kanya.

He nodded immediately. Mabilis siyang lumabas ng kubo at tumakbo palapit sa akin. Napasigaw ako ng yumakap siya. Tawang-tawa kami habang naghahabulan sa ulan. Kinarga niya pa ako ngunit bumagsak kami sa lupa.

"Haha! Ang hina mo naman, Ruegin!" tawang-tawa kong sabi.

Ngumuso siya at hinabol ako. Tumakbo ako upang hindi niya makuha. Basang-basa na kami ng ulan at sobrang saya ko. After running, naupo ako sa kanya at naghalikan kami sa ilalim ng ulan. Huminto ako at pinakatitigan siya.

"Mahal kita, Senyorita." he said passionately.

Natigilan ako at napatitig sa kanyang mga mata. Mabilis kong hinalikan ang kanyang labi ng malalim. Tumugon siya at pinalitan ng mga halik ang labi ko.

Nang tumila ang ulan, naligo kami sa lawa. Madumi kami dahil sa putik na galing sa lupa. He wash me while I'm hugging him tightly.

"Salamat pala sa binigay mong pagkain sa akin. Tuwang-tuwa ang mga kasamahan ko dahil hindi naman talaga nagbibigay ng pagkain ang mansyon sa amin noon." he said while cleaning me.

Napatingin ako sa kanya. Ano? Hindi sila binibigyan ng pagkain ni Narciso? Akala ko ba may pagkain sila na natatanggap mula sa mansyon.

"Bakit? Hindi ba kayo binibigyan ni Narciso ng pagkain?" tanong ko.

Umiling siya at bumuntonghininga.

"Simula ng dumating kayo, tsaka lang kami nabibigyan ng pagkain dahil sa tira-tira niyo. Pero nung wala pa kayo, malupit ang Senyorito. Hindi naglalabas ng pagkain sa amin. Tanging maliit na sweldo lang ang naibibigay sa amin." sagot niya.

What the fuck? It's not appropriate! Kahit sa mga fast food restaurant sa Manila, libre ang pagkain sa mga workers nila doon! Tapos dito, pinagdadamutan sila!

"Pero okay lang, bukod sa nakukuha naming sweldo, nakakahanap naman ako ng ibang paraan upang maidagdag sa pagkain namin ng kapatid ko." dagdag niya.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Napalunok ako at hindi makapaniwalang iyon ang nangyayari dito.

"Naaawa lang ako sa ibang mga kasamahan ko lalo na yung may mga asawa at anak dahil kulang pa nga ang sweldo nila, wala pa halos makain. Kaya sobrang natuwa ang mga katrabaho ko ng magpadala ka ng mga pagkain kahapon. Yung natira, dinala pa nila sa mga bahay nila." aniya sabay halik sa pisnge ko.

Hindi ako makapaniwalang ganito ang trato sa kanila ni Narciso! This is abusing! Narciso abusing them! Naghihirap silang maghanap buhay tapos ginugutom sila at kulang pa ang sweldong natatanggap! I couldn't believe this! I'll have to do something about it.

Nang matapos kami ni Ruegin sa falls, hinatid niya ako sa bukana ng kagubatan. Bitbit ang sinabi niya sa akin kanina, hindi ko 'yon makalimutan. I need to do something for them. They deserve to treat well! Sila ang nagpapakahirap na magkaroon ng bigas at ibang produksyon ang bansa tapos ganito ang trato sa kanila!

"Lagi akong maghihintay sayo, mahal." he said while pinning me to the tree.

Ngumiti ako at hinaplos-haplos ang kanyang pisnge. Dumampi ang kanyang labi sa akin at binigyan ako ng isang malalim na halik. Tumugon ako at hinayaan siyang halikan ako hangga't sa gusto niya. After moment of kissing, humiwalay siya at tinitigan ako.

"Sobrang ganda mo talaga, Senyorita. Hindi ko akalain na mamahalin ako ng isang anghel." marahan niyang sinabi.

Ngumiti ako at napahinga.

"Sinong hindi magmamahal sayo e, ang bait mo, sobrang sipag at nagsusumikap na matulungan ang kapatid mo. Lahat ng iyon ay bihira na sa mga lalaki ngayon." sagot ko.

He sighed. Muli niyang hinalikan ang labi ko bago kami magkahiwalay. Punong-puno ng pag-aalala ang nasa puso ko dahil sa sinabi ni Ruegin kanina sa akin. Ngayon, tatanungin ko si Dayang kung totoo nga ba ang sinasabi ni Ruegin.

Pumasok ako ng mansyon at dumiretso sa kusina. Nakita kong naghuhugas ng plato si Dayang. Huminto ako sa gilid niya at nagsalita.

"Gusto kong malaman ang totoo, Dayang." paunang sabi ko.

Halos mabitawan niya ang hawak na baso sa gulat. Nang humarap sa akin, gulat na gulat siya.

"A-ano po 'yon, Senyorita?" aniya gulat na boses.

Tinignan ko siya sa mga mata.

"Hindi ba binibigyan ng pagkain ni Narciso ang mga trabahador? Kahit sa lunch? Kulang ba ang sweldo na natatanggap nila? Tell me the truth, Dayang." malamig kong tanong.

Napahinga siya bago yumuko at bumuntonghininga. Napanganga ako at laglag ang panga sa kanyang reaksyon. Is it true? Kung totoo man, I couldn't believe it! Narciso is fucking ruthless! He abuse his manpower! They do not deserve it!




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon