Kabanata 10

952 34 4
                                    

Kabanata 10

Nahabag

Naligo kami sa falls pagkatapos ang nangyari sa kubo. Nakayakap ako sa kanya habang lumulutang kami sa tubig. Ramdam na ramdam ko ang yakap niya sa akin. Ngumiti ako ng makita ang kaseryosohan sa kanyang mga mata. I kiss his cheeks.

"Umalis si Narciso ngayon. Tatlong araw sa Manila. We can do whatever we want now." mahina kong sabi.

He sighed. Magulo ang kanyang buhok dahil sa tubig. Ngayon masasabi kong gwapo nga talaga siya. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Malamig ang tubig pero hindi ko 'yon maramdaman dahil sa magkayakap naming katawan. Pareho kaming walang suot na damit. Hubo't-hubad sa ilalim ng tubig.

"Sigurado ka ba sa ginagawa natin, Senyorita?" malalim niyang sabi.

Tumingin ako sa mga mata niya. Nilapit ko ang mukha at dahan-dahang hinalikan ang kanyang labi. Hindi siya tumugon pero mas lalo kong pinailalim ang halik sa kanya. Mababaliw na ako sa kanyang labi. Gustong-gusto ko siyang halikan palagi. Inalalayan niya ang likod ko gamit ang brasong nakayakap sa akin.

Huminto ako at tumingin sa kanya. Alam kong malaking problema ito na kanyang iniisip. Alam kong maaaring magdulot ng perwisyo 'to sa kanya. Pero gusto ko itong gawin. Gusto ko siyang maramdaman sa akin. Gusto kong palagi siyang nahahalikan, nararamdaman at ganito kalapit sa isa't-isa.

I develop this feeling after we made it last night. I started to like him. Started to like his kisses, his touch and everything about him. Siguro nga kasalanan ito sa mata ng Diyos at kay Narciso but I can't stop myself doing it. I can't stop myself coming here and seeing him. It's like being my drugs now.

I don't want to stop this connection between us. Kahit pa alam kong kasalanan ito, ayokong matapos at ayokong mawala. Pero sarili ko lang ang iniisip ko. Ruegin is a man with dignity. He just want to help his brother to finish the study. He just want to work so that, he can provide for their needs. He just want to live peacefully here. But heck, sinama ko siya sa kasalanang ito.

Sa oras na malaman ni Narciso ang mga ito, siguradong mas lalong maghihirap si Ruegin at ang kanyang kapatid. Siguradong pahihirapan siya ni Narciso at baka ni Papa rin! Siguradong baka may gawin silang masama sa kanya. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi ko hahayaan na masaktan nila si Ruegin ng ganoon na lamang. He may he poor, but damn, he had a heart!

It will be my fault once they hurt Ruegin. Pero hindi ako papayag na mangyari 'yon. Now that I like him, hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya.

"I like you, Ruegin." marahan kong sabi sa kanya.

Natigilan siya habang nasa tubig pa rin kami. Yakap-yakap namin ang isa't-isa habang hubo't-hubad.

"S-senyorita, may asawa na kayo. Tiyak na magagalit sa akin si Senyorito sa oras na malaman niya ito." he said problematically.

Hinaplos ko ang kanyang pisnge ng marahan.

"Ipaglalaban mo ba ako kung sa oras na malaman nila itong ginagawa natin?" I asked him.

Bumuntonghininga siya at pinikit ang mga mata.

"Anong laban ko, Senyorita? Mahirap lang ako. Wala akong perang ipanglalaban kay Senyorito. Tiyak na ipapatapon niya lang ako sa basurahan." aniya sa mahinang boses.

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Ngayon, naiinis na ako kapag naririnig ko ang mga ganoong sinasabi nila kay Ruegin. Nung una, it was my perception to him. But lately, when I started to have this uncertain feeling, unti-unti kong napatunayan sa sarili na may mabuti siyang puso. Na hangad niya lang ang kabutihan sa kanyang kapatid.

My tears fell. Nalukot ang kanyang mukha ng makita ang luha ko. He kiss my cheeks to erase my tears. Napahinga ako at niyakap pa lalo ang kanyang leeg.

"Don't say that, Ruegin. Hindi batayan ang pera sa laban." sagot ko.

He smiled. Niyakap niya lang ako at hindi na sumagot. After that moment, tinapos namin ang pagligo. Sinuot ko ang bulaklaking damit. Inayos niya ang buhok ko at umalis na kami ng kubo. Ihahatid niya ako sa bukana ng kagubatan. Magkahawak kamay kami habang naglalakad.

Ang puso ko'y naghuhuramentado sa kamay naming hindi nagbibitaw. Ngumiti ako ng palihim. Nang makarating kami sa bukana, huminto kami sa paglalakad at hinarap ang isa't-isa. Nilagay niya ang takas na buhok ko sa tainga bago dampian ng malalim na halik ang labi ko. I snake my arms around his neck and kiss him deeply.

Nang humiwalay sa isa't-isa, ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"Punta ka ng kubo bukas." aniya sabay halik sa labi ko.

Ngumiti ako at tumango-tango sa kanya. Humiwalay ako at naglakad papasok ng gate. Malayo pa naman ito sa mansyon kaya hindi nakikita ang ginagawa namin. Nang muli akong humarap sa kanya, ngumiti siya at kumaway sa akin.

"Ruegin..." bigkas ko sa kanyang pangalan.

"Senyorita?" he said immediately.

Ngumisi ako at hinagis ang panty sa kanya. Agad niya 'yong sinalo at tinago sa kanyang suot na damit. Ngumisi ako at napailing-iling sa kanya.

"Keep that, it's your souvenir." natatawa kong sabi.

Napahinga siya sabay iling-iling sa akin.

"Hihintay kita sa kubo bukas." sagot niya.

Ngumuso ako at naglakad paunti papasok.

"At kung hindi ako pumunta?" panunuya ko sa kanya.

He pouted his lips.

"Tignan natin kung anong pwedeng parusa ang gagawin ko sayo, Senyorita." he said warningly.

Mas lalo akong na-excite sa kanyang sinabi. Naglakad ako at tumingin sa kanya.

"Bye, Ruegin." I said while walking away from him.

He smiled and wave his hand.

"Good bye, Senyorita." sagot niya.

Umiling-iling ako bago nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang papasok ng mansyon. Naabutan pa ako ni Manang na ganoon ang itsura.

"Mukhang masaya ka, Senyorita." puna ni Manang Lynda.

I nodded happily.

"Oo, Manang. I feel like I'm in love." hindi ko napigilan ang sarili.

Napatigil si Manang at unti-unting ngumiti na rin.

"Naku, si Senyorito yata 'yan, Senyorita." aniya sabay ngiti sa akin.

Napahinto ako sa pagngiti at muling inisip ang sinabi kay Manang. I feel like I'm in love? In love? Mabigat na salita na hindi ako sigurado kung nararamdaman ko nga ba talaga.

"Akyat muna ako sa taas, Manang." seryoso kong sabi.

Mabilis akong umakyat at pumasok sa loob ng kwarto namin. I lock the door. Dumiretso ako sa salamin at tinitignan ang sarili. Kinapa ko ang puso at sobrang bilis ng nararamdaman ko. I think of Ruegin, kissing me passionately. Napahinga ako at nahabag ng mapagtanto ang nararamdaman.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon