Kabanata 18

905 31 1
                                    

Kabanata 18

Nasaan

Nagising ako sa malambot na kama. Nang minulat ang mga mata, bumungad sa akin ang kwarto ko. Maingat akong bumangon at tinignan ang paligid. Nasa bahay ako. Ibig sabihin, nasa Manila ako. Bigla kong naisip si Ruegin. Ang kalagayan niya. Ano ng nangyari sa kanya? Ginamot ba siya? Okay lang ba siya?

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Sa sala, naririnig ko ang pag-uusap ni Papa, Mama, Kuya at Ate. Alam kong malaking kahihiyan ito sa pamilya namin. Alam kong kasalanan itong nagawa ko pero kasiyahan ko 'yon! Kasiyahan ko ang pinili ko kasi ang totoo, hindi naman talaga ako masaya sa kasal.

Gusto ko lang maging masaya ako. Gusto ko lang maramdaman kung paano mahalin ng isang lalaki na hindi pinipilit. Si Ruegin, siya yung nagbigay ng ibang kahulugan ng pagmamahal sa akin. Yes, it was sin to love him because I am a married woman but he is my happiness. Sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na kasiyahan. Sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na tahanan. Ruegin makes me realize that money cannot buy happiness.

Nakita ako ni Kuya Royan. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. He hug tightly. Sumunod naman si Ate na siyang yumakap din sa akin. Kahit papaano'y nawala ang pagod na naramdaman dahil may kapatid akong nandito at kakampi ko.

Humiwalay sila at dinala ako sa sofa. Pinaupo nila ako. Kaharap namin si Mama at Papa. Tahimik ang buong bahay. Pero nung nagsalita si Papa, tsaka palang nagkaroon ng ingay.

"Anong ginawa mo, Rocini?" sa malamig niyang boses.

Tumingin ako kay Papa. Punong-puno ng hinanakit itong puso ko habang pinagmamasdan ang lalaking ipinagkait sa akin ang kaligayahan ko.

"I fall in love with a farmer." mahina kong sagot.

Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ng mga kapatid ko.

"Kasal ka. Alam mong nakatali ka na. Hinayaan mo 'tong mangyari?" si Papa.

Tinignan ko siya sa mga mata. Pinakita ko sa kanya na hinding-hindi ako masaya sa kasal na binigay niya.

"Alam mo ring hindi ako masaya ako sa lalaking ipinakasal mo sa akin pero pinilit mo." malamig kong tugon.

"It's because of your future, Rocini! Iniisip ko ang magiging kinabukasan mo! Anong mali sa naging desisyon ko?" he shouted.

"Maraming mali sa naging desisyon mo, Pa! Bakit mo ako hahayaang ikasal sa lalaking hinding-hindi ko mamahalin ha!? Bakit mo hahayaan ang anak mong magdusa sa piling ng lalaking hindi naman mahal!? Ama kita, Pa. Ama kita at akala ko ikaw ang magbibigay ng karapatan sa akin na maging masaya sa lalaking mamahalin ko. Pero pinagkait mo 'yon. Kasi iniisip mo ang putang inang kinabukasan ko!" I shouted painfully.

Napanganga si Papa sa sinabi ko. Tumayo ako at galit na galit.

"I can work. I can find a job. I can live with my own life. Ni hindi ko kailangan ng isang lalaki na punong-puno ng kayamanan. I want a man who can love me, accept me, and care for me. Pero mali ka ng lalaking binigay mo sa akin. Mali ka at tama ako, Papa. Hinding-hindi si Narciso ang lalaking magbibigay ng kasiyahan sa akin. Hindi ang kanyang kayamanan, pera at lupain kasi hindi kayang bilihin ng pera ang tunay na kasiyahan." punong-puno ng poot kong sabi.

"You don't understand it, Rocini. Life is hard! Kung magtrabaho ka, maghihirap ka! You don't want to sleep with a lot of money ha? Ayaw mong magkaroon ng maraming mansyon at malawak na lupain? I want it for you, Anak. Kasi ayokong mamuhay kang naghihirap." he fight back.

Ngumiti ako ng malungkot kay Papa.

"Pero hindi ako masaya, Papa! Hindi ako masaya sa ganoong buhay! Hindi ako masaya sa maraming pera, malawak na lupain, maraming mansyon! Pagmamahal, Pa, iyon ang kailangan ko. At alam mo kung sino ang nagbigay no'n sa akin? Si Ruegin. Siya ang lalaking nagbigay ng tunay na pagmamahal sa akin. Na hindi masusukat ng kayamanan ang pagmamahal na tunay. Ayokong mabuhay sa maraming pera. Gusto kong mabuhay sa piling ng lalaking mahal ko." sagot ko.

Huminga ng malalim si Papa. Hinaplos ni Mama ang kanyang likod. Hinawakan naman ni Ate ang kamay ko.

"Ni hindi niyo manlang ako tinanong kung masaya ba ako kay Narciso. Kung maibibigay niya ba ang kasiyahan na hinahanap ko. Sa lahat ng taong gagawa nito sa akin, ikaw pa talaga, Pa. Hindi ko kailangan ng marangyang buhay. Hindi ko kailangan ng maraming pera. Hindi ko kailangan ng maraming mansyon. Ang kailangan ko, ang lalaking minamahal ko. And I'm sorry it's not Narciso. I'm sorry if I failed your plan. But Papa, masaya ako sa kanya. Masaya ako sa lalaking mahal ko. Masaya ako sa simpleng buhay lang. Masaya ako kay Ruegin." hinang-hina kong sabi.

Pinaupo ako ni Kuya. Umiiyak ako habang yakap-yakap ni Kuya. Si Papa naman ay tahimik lang habang nakayuko. I wiped my tears.

"At buntis ako." dugtong ko.

Napatingin sa akin si Papa at Mama. Nagulat rin ang mga kapatid ko.

"Buntis ako at plano namin ni Ruegin na bumuo ng pamilya, kaming dalawa, sa simpleng buhay." mahina kong sinabi.

Hindi na nagsalita si Papa. Siguro ay na-realize niya ang pagkakamaling nagawa. Siguro naisip niyang mali siya sa naging desisyon niya.

"How can you escape with your marriage, hija?" sa marahang boses ni Mama.

"I will hold the annulment process, Mama." si Kuya Royan.

He's a lawyer. He can help me with my annulment. Tumayo si Papa sa kanyang upuan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo ako. Nang makatayo, niyakap niya ako ng mahigpit. Mabilis na tumulo ang luha ko ng maramdaman ang yakap niya.

"I'm so sorry, hija. I'm sorry sa naging desisyon ko. I'm so sorry." he whispered weakly.

Umiling ako at niyakap siya. Umiiyak ako habang ramdam na ramdam ang yakap ng isang ama. Tumayo na rin si Mama at yumakap sa amin. Maging ang mga kapatid ko ay tumayo at niyakap rin kami.

"I always thought that it was the best for you. But I never ask you, kung masaya ka ba talaga. And I'm so sorry, hija. I'm a bad father. I didn't think of your side." si Papa.

Umiyak ako at ngayon masaya dahil sa sinabi ni Papa. Ibig sabihin, hindi siya hahadlang sa amin ni Ruegin. Ibig sabihin, hahayaan niya akong makasama ang lalaking mahal ko.

"Go and choose the man you love. I will let you do what you want, hija."

Iyon ang baon ko habang nagbibiyahe pabalik ng Samar. May pag-asa na ako ngayon. May pag-asa na kami ni Ruegin. Pagkarating ko sa lugar nila, bigla nalang bumagsak ang lahat sa akin ng makita ang nasunog nilang bahay. Tahimik at walang may lumapit sa akin. Nakatayo pa ang bahay ng mga kasamahan niya pero ang bahay nila ay sinunog at hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung nasaan si Ruegin.




---
© Alexxtott

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon