Wakas

1.8K 58 7
                                    

Wakas


Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kabuohan ng kubo. Hindi ko mapigilan na maalala ang lahat ng mga ginawa namin ni Senyorita dito. Rinig na rinig ko pa sa tainga ko ang kanyang malambing na mga boses sa tuwing mag-uusap. Sobra akong nangungulila sa kanya. Sobra ko na siyang nami-miss.

Umupo ako sa higaan namin at napahinga. Kumusta na kaya siya? Malaki na ang anak namin ngayon. Sigurado akong napalaki niya ng maayos ang anak namin. Gustong-gusto ko na silang makita at makasama ngunit hindi ko magawa kasi nahihiya ako sa lahat ng nangyari. Pakiramdam ko, ang hina kong lalaki dahil hindi ko manlang naipaglaban si Senyorita.

Pero sobra ko siyang mahal. Sobra kong minahal ang Senyorita. Wala akong babaeng minahal ng ganito. Nahihirapan akong umuwi at bumangon sa umaga dahil sabik na akong makasama siya. Pero malaking bahagi ng puso ang nagtatanong, matatanggap niya pa ba ako?

Hindi ko lubos akalain na mamahalin ako ng isang magandang babae na katulad niya. Kahit alam kong wala naman akong ilalaban kay Senyorito sa lahat ng meron ito pero minahal niya ako. Tinanggap niya ako. Binigay niya ang lahat sa akin. Pero hindi ko manlang nagawa na ipaglaban siya.

"R-ruegin?" isang nanginginig na boses ang nagpabaling sa akin sa pinto.

Napaawang ang bibig ko ng makita si Rocini doon. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa akin. Bigla akong kinain ng takot. Baka hindi niya na ako tanggapin dahil sa pagkawala ko ng ilang taon. Baka may bago na siyang mahal. Baka kinalimutan niya na ako.

Napatayo ako at nagulat rin sa kanyang presensya. Akala ko wala siya rito dahil tuwing unang linggo ng buwan lang naman sila pumupunta dito ng anak ko. Pero nandito siya ngayon. Bakit?

Nabigla ako ng mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at sinalubong ako ng sobrang higpit na yakap. Umiiyak na siya habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Yinakap ko rin ang kanyang katawan habang gulat pa rin sa pagkikita namin ngayon.

"B-buhay ka? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin ha!? Bakit hindi ka nagsabi na buhay ka!? Alam mo ba kung gaano ako nangulila sayo?" sunod-sunod niyang sabi habang umiiyak.

Magkayakap pa rin kami. Ramdam na ramdam ko na ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa kanyang pag-iyak.

"S-sinisisi ko ang sarili dahil sa pagkawala mo! Tapos buhay ka pala! Bakit ngayon ka lang nagpakita ha!" she cried.

Hinaplos-haplos ko ng marahan ang kanyang likod habang napahinga ako ng sobrang lalim. Muli akong nabigyan ng lakas at pag-asa dahil sa yakap niya. Palagi at walang duda, siya nga talaga ang tahanan ko.

"P-patawad kung hindi ako nagpakita sayo pagkatapos ng mga nangyari, Mahal. Kinailangan kong ayusin ang buhay sa loob ng ilang taon dahil takot at hiyang-hiya ako sa nangyari. Hindi kita naipaglaban dahil mahirap lang ako at walang magagawa sa kapangyarihan ni Senyorito-"

"Hindi ko kailangan ng kayamanan, Ruegin! Ikaw ang kailangan ko! Ikaw ang kailangan namin ni Raile!" umiiyak niyang putol sa akin.

Raile, ang pangalan ng anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, labis-labis itong nararamdaman ko dahil gusto kong mayakap ang anak ko. Patago ko lang kasi silang pinagmamasdan sa malayo dahil hindi pa ako handa nung mga panahon na 'yon na magpakita sa kanila.

"Wala akong pakialam sa pera, Ruegin. Ikaw lang ang kailangan namin ni Raile." nanghihina niyang boses.

Nanlambot ako habang ramdam ang kanyang galit sa akin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at napapikit sa sarap ng nararamdaman. Binaon ko ang mukha sa kanyang leeg at doon napahinga ng malalim.

"Ngayon daw ang dating ni Senyorito kasama ang asawa niya. Wala namang pagsasalo-salo dahil hindi naman mahilig ang Senyorito sa ganoon." narinig kong sabi ni Jun.

When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon