Chapter 6

58 8 8
                                    

Tinititigan ko ang sketch na ginawa namin ni Sean. Umaasa akong malinaw na maipapahiwatig ang mensahe ng painting namin. I hope our concept is powerful enough to captivate the judges. I worked hard on this. We worked hard on this.

"May dala ka bang palette?" tanong ni Sean habang naglalakad kami papunta sa covered court kung saan gaganapin ang contest proper. Naniniguro na siya kung kumpleto ba ang mga gamit namin. Hindi na kami nagdala ng pintura dahil provided naman ng organizers ang acrylic paint. Brushes and palettes lang ang sa amin.

"Oo," sagot ko. Pansin kong tensyonado na rin si Sean. Lalo tuloy akong ginagapangan ng kaba.

Dere-deretso akong naglakad habang kinakabisado ang bawat detalye ng sketch namin. Maya-maya, bigla akong may narinig na parang bumagsak. Lumingon ako ulit at nadatnan si Sean na nakaupo sa sahig. I blinked twice. What just happened?

Umawang ang bibig ko at dali-daling bumalik para tulungan siyang tumayo. Nahihirapan siyang igalaw ang mga binti niya kaya agad kong binigay ang kamay ko para umalalay. Hinila ko ang isa niyang braso. Binuhat ko rin ang bag niya para hindi siya mahirapang tumayo.

"Okay ka lang?"

"Okay lang. Thanks," sagot naman niya at pinagpagan ang sarili.

Nang makarating na kami sa venue, agad kaming pumila sa registration area at isinulat ang mga pangalan namin. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Marami-rami na rin pala ang tao. Tamang-tama lang ang pagdating namin dahil malapit nang magsimula.

"Clarita!"

Kapwa kami napalingon ni Sean sa babaeng kumakaway. Alam na alam ko na kung kanino galing ang boses na iyon. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Clarita. Ang babaeng 'to talaga.

Excited kaming sinalubong ni Guia. Nakasuot siya ng club shirt at handang-handa nang mag-facilitate sa contest. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Good luck! Kaya mo 'yan, girl!"

Ngumiti ako. Pinisil ko ang mga kamay niya para maibsan ang kaba na nararamdaman ko. "Thank you, Guia! Shet, sorry, pinagpapawisan na kamay ko,"

"Huwag kang kabahan, kayang-kaya niyo 'yan! I believe in you!"

Binaling naman niya ang tingin niya kay Sean at tinapik ang balikat nito. "Sean, good luck! Bring home the bacon!"

Itinaas pa niya ang kanyang kamao para i-cheer kami. Namaalam na rin siya agad at umalis para asikasuhin ang mga dapat niyang gawin. She's always like that. The cheerful and supportive friend.

"Uy, si idol!" nakipag-fist bump pa si Allen kay Sean nang makita niya kami. Ngumiti ako nang batiin niya rin ako. "Hanep, nagsama pa talaga 'yung dalawang magaling. Good luck, mga idol!"

"Good luck din sa inyo, bro," sabi ni Sean.

Nagmasid ulit ako sa paligid. May nakalatag na mga floor mat at dyaryo sa sahig. Doon siguro ang workplace naming contestants. May mga lalaking nagdala ng malalaking canvas at inihanay iyon sa floor mat. Napaawang ang mga labi ko nang makita kung gaano kalaki iyon. I guess 2 feet by 3 feet. Diyan ba kami mag-pa-paint? Jusko, ang laki pala! Matatapos ba namin iyan sa loob ng tatlong oras?

Nadadagdagan na ulit ang mga tao. Karamihan sa kanila ay nanggaling sa universities mula sa iba't ibang lugar at probinsya.

"Good luck sa 'tin," sambit ni Sean.

I inhaled a huge amount of air and indulged the fact that we are already here. "Gusto kong manalo rito, Sean," pag-amin ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "I thought you don't aim for an award?"

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon