Chapter 17

103 6 0
                                    

"Kailangan kong ituloy ang therapy. Iyon ang sabi ng psychiatrist," sinabi ko kay Sean habang inaayos ang bintana ng kwarto niya.

I opened the curtains so that the soft glow of sunlight would be able to enter the room. Dapithapon na rin at papalubog na ang araw kaya kumukulay na ito sa alapaap.

Sinamahan ko muna siya rito dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkausap mula nang pareho kaming mag-agaw buhay. Mabuti na lang at nakalabas na siya ng ICU. Hindi ko na alam kung anong mangyayari kung nagtagal siya roon.

Ilang araw na rin akong nananatili rito sa ospital. Naghihintay pa kami ng test results sa diagnosis ko. I sighed heavily.

"You need serious medical attention."

"Oo, kaya ako nandito," I said. "They prescribed me with medications... and I need to undergo CBT sessions. Cognitive behavioral therapy."

"Ano'ng nararamdaman mo ngayon?"

Nilingon ko si Sean na ngayon ay kumakain ng prutas at nagpapahinga dahil katatapos lang ng kanyang treatment.

"Kinakabahan ako," umupo ako sa dulo ng kama niya. "I hope CBT would work well for me para hindi na kami humantong sa mas intense na therapy. Mas magastos iyon. Ayoko namang mahirapan si Papa na isipin kung saan kami kukuha ng pera para sa therapy ko."

"If you need someone to talk to, nandito lang kami," he told me.

"Salamat... Alam ko namang palagi kayong nariyan nina Guia para sa akin." I gave him a timid smile. "Ikaw, kumusta ka na? Bakit ka biglang sinugod sa ICU?"

Sean looked out of the glass window. "Kinailangan lang akong kabitan ng emergency life support. Nahirapan akong huminga noong gabing 'yon dahil sa paghina ng diaphragm ko. You know how MS affects the muscles..."

Napahugot ako ng buntong-hininga. "Ang mga paa mo, kumusta? Kaya mo pa bang lumakad?"

"Yeah, I can still manage... with the help of physical therapy. Medyo masakit pero magiging okay din 'to," sagot niya at nginitian ako.

Iyan na naman siya sa mapanlinlang niyang mga ngiti. Mga ngiting pilit itinatago ang sakit at hirap na pinagdaraanan niya. Mga ngiting palaging nagsasabi na 'ayos lang ako' kahit alam namin pareho na kasinungalingan lang iyon.

"Hey, don't think about me too much... Prioritize yourself and your medication first."

"Mas gugustuhin ko na lang manatili rito para samahan ka. I'd rather suffer with you than to suffer alone, you know? Mahirap ang mag-isa."

Sa isang saglit, nabalot ng nakabibinging katahimikan ang kwarto. It was a heavy kind of silence. Tumingin ako sa malayo. Namumuo na naman ang luha sa gilid ng mga mata ko. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong umiyak.

Natigilan ako nang maramdaman ang palad ni Sean sa kamay ko. May kung anong dumaloy mula sa kamay ko hanggang sa katawan ko at hindi ko ito maintindihan. Unti-unti ko siyang nilingon.

He did not utter a word. He was looking down while lightly squeezing my hand. Maya-maya ay narinig ko na ang mahinang hikbi niya. Tinanggal niya ang kanyang salamin at pinahid ang luha sa mga mata niya gamit ang likod ng kanyang kamay.

My heart is aching. I tried my best not to burst out in bitter tears but I just can't help it. Seeing him like this, seeing us like this, it made my heart rip into pieces.

"If only I could do something to make it all stop hurting..." his voice broke.

Tears won't stop from falling down everytime that I blink. I looked away and swallowed hard. Hindi ko siya magawang tingnan dahil hindi ko kayang makita siyang umiiyak dahil sa akin.

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon