Chapter 16

100 6 0
                                    

[Trigger warning: Mention of suicide]

I was about to open the door of Sean's room but I failed to turn the door knob. Natigilan ako at naglaho ang ngiti sa labi ko. Naka-lock ang kwarto. Kadalasan naman ay hindi ito nilo-lock ng nurse niya.

"Sean?" sinubukan ko siyang tawagin mula sa labas at sinundan ito ng katok sa pinto. Hindi ko maiwasang magtaka. Umaga pa lang naman. Kagagaling ko lang dito kahapon ng ganitong oras din. Tulog pa ba siya?

Walang sumasagot at kahit kaluskos ay wala akong naririnig mula sa loob. Nagsimula nang pumintig ang dibdib ko. Nasaan kaya iyon? Kung lumipat na siya ng kwarto, bakit hindi niya ako sinabihan?

"Miss, wala nang tao diyan," Napalingon ako nang marinig ang isang babae sa pasilyo. She was wearing a standard nurse uniform, with a pale face and puffy eyes.

"Nasaan po 'yong naka-confine dito?" I asked with an ounce of nervousness.

"Hindi ako sigurado," she was busy checking out the clipboard she was holding. "Ah, iyong may Multiple Sclerosis ba?"

I nodded. Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi alam kung magugustuhan ko ba ang maririnig kong sagot mula sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko.

"Tama, wala nga siya diyan. Sinugod siya sa ICU."

I was appalled. Para akong tinakasan ng lakas sa sinabi niya at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon.

"Muntik na siyang bawian ng buhay kagabi," the nurse stated before leaving. "Puntahan mo na lang siya roon sa ICU."

My heart became so heavy that I almost can't breathe. Magkasama lang kami ni Sean kahapon. We even ate together and he shared how he loved the food that I bought. He was okay yesterday. He was smiling yesterday.

I ran as fast as I could as tears started to pool in the corners of my eyes. Nang makarating na sa ICU ay napatakip ako sa bibig ko nang sumilip sa salaming bintana. Walang malay si Sean. Nakakabit sa bibig niya ang isang breathing tube. Nasa tabi niya ang isang umiilaw at pumipintig na machine na tila dito nakasalalay ang buhay niya ngayon.

Nakaupo sa bench ang isang ginang at isang dalaga, mga ilang metro ang layo mula sa akin. Umiiyak at parang wala ng paghuhugutan ng lakas. Hearing them cry was one of the most heartbreaking scenes I have witnessed. That's when I realized that they are Sean's family. Their shaky cries penetrated into my heart and it shattered it into tiny pieces.

Napaupo ako sa sahig at natulala. My hands were trembling. Tears were overflowing at nanghihina na ako sa kakaiyak. My head wanted to burst, seeking for desperate answers. Why did it has to be Sean? Why is the universe slowly taking away everything I have?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang sasabog ang puso ko. Umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto. Kumuha ako ng sleeping pills sa medicine cabinet. Nanginginig ang mga kamay ko habang nasa palad ko ang iba't ibang mga pills. Wala na akong pakialam sa maaaring mangyari.

My head was heaving with demons. I covered my ears, trying to unhear them, but their voices were too loud, too horrifying, that I was incapable of stopping them. The voices are taking over me again.

Dapat nga maging masaya ka na ngayon. Wala na ang mama mo. Iyon naman ang gusto mong mangyari, hindi ba?

Hindi ko ginusto iyon.

Wala kang kwenta. Wala kang patutunguhan, kaya lahat ng bagay na mahal mo, nawawala sa 'yo.

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon