Chapter 23

122 7 0
                                    

Ilang araw akong nag-training para sa NSAC. Tuwing umaga bago ang klase ko ay dumadaan ako kay Sean para ipakita sa kanya ang progress ko at matulungan niya ako. Pero kasabay ng training ko ay ang pagdami ng academic requirements dahil papalapit na rin ang finals week ng second semester. Magtatapos na ang unang taon namin sa senior high school.

Ngayong araw, nagsabi ako kay Sean na hindi ako makakadaan dahil busy kami sa Practical Research. Kailangan na naming matapos ang Chapter 4 at 5 dahil ilang linggo na lang ay defense na. Ayaw ko namang maging hadlang ang contest sa acads ko. Ayaw ko ring maging pabigat sa mga kagrupo ko, at hindi dahil leader si Guia ay iaasa ko na lang sa kanya ang lahat.

"Hey, why are you still here?"

Tumayo si Guia para salubungin ako nang makarating na ako sa library. Tapos na ang klase at narito na rin ang mga kagrupo namin para gawin ang mga dapat naming gawin sa paper namin.

Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong niya. "Bakit? Gagawa tayo ng research, 'di ba?"

"Hindi mo ba dadaanan si Sean? May medical process siya bukas, 'di ba? Ano nga iyon? 'Yung sa dugo?"

I blinked twice. Oo nga pala. Muntik nang mawala sa isip ko iyon dahil masyado akong naka-focus sa contest––na bukas din gaganapin. Pero hindi pa namin nasisimulan ang Chapter 4. Hindi ko na alam ang uunahin ko.

"Sige na, Clarita, puntahan mo na siya. Kami na muna ang bahala sa interview natin sa respondents." Bumalik na sa upuan niya si Guia.

"Oo nga, Clary. Puntahan mo na muna. Saka ka na lang tumulong kapag Chapter 5 na tayo," sinabi ni Denise, kagrupo namin.

I gave them a worried look, natatakot na baka isipin nilang wala na halos akong naitutulong. "Sure ba kayo? Nakakahiya na sa inyo... Lagi na lang akong may excuse."

"Shush, okay lang 'yan," sagot ni Guia. "Hindi ako magagalit, kaya go na. Ingat ka, ha!"

Ganoon nga ang ginawa ko. Pinuntahan ko si Sean sa ospital at napatigil ako nang buksan ko ang pinto ng kwarto niya.

"Akala ko ba gagawa pa kayo ng research?"

Nakaupo siya sa kanyang kama, nanghihina at naghihikahos na ang boses. Broken pieces of glass were scattered on the floor. Water was spilled everywhere. I was instantly bothered when I saw the scene.

"Ano'ng nangyari?" Dali-dali akong pumasok at ibinaba ang bag ko sa sofa para kumuha ng mop.

"Don't mind that, Clary... baka masugatan ka pa. Nabitawan ko kasi 'yung baso ko..."

Nilinis ko agad ang mga bubog sa sahig. "Nasaan ba ang nurse mo? 'Yong mama at ate mo? Wala ka bang bantay dito? Paano na lang kung nadulas ka at nasugatan? Sana tumawag ka ng kahit sino para abutan ka ng tubig, o kaya nagpadala ka na lang ng water bottle. Alam mo namang hindi mo na kayang tumayo mag-isa at humawak ng mga bagay."

"I'm sorry..." That was his only response.

Humugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga at umupo sa tabi niya. "Sorry din. Nag-alala lang ako... Matutulog ka na ba? Kumain ka na ba?"

"I just finished eating. My nurse just got here and injected me with medicine," he answered with his eyes looking so weary. "Hindi pa naman ako inaantok..."

"Gusto mo pa ba ng tubig?" tanong ko ulit.

"No. I'm fine."

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon