Chapter 5

138 10 6
                                    

Clary's POV

Pumikit ako nang mariin at humugot ng malalim na buntong-hininga nang itapak ko ang mga paa ko sa loob ng bahay.

I'm tired of tiptoeing in a house that's supposed to feel like home.

"Galing ka na naman sa art club na 'yon, Clary?"

Tinikom ko ang bibig ko at tumango. "May meeting kami, Ma."

Kakababa lang ni Mama mula sa hagdan kaya't nakasalubong ko siya pagkauwi ko. Hindi ko inaasahang gising pa rin siya kahit alas diyes na ng gabi.

"Diyan ka magaling, eh," sarkastiko niyang singhal. "Sumali-sali ka pa talaga sa ganyan. Tingnan mo nga kung anong oras na. Iyan ba ang oras ng pag-uwi ng matinong babae?"

Hindi totoong may meeting kami kanina. Dumaan ako sa bookstore at sobrang traffic pa sa daan kaya ginabi na ako ng uwi. Naglibot ako mag-isa at bumili na rin ng mga ballpen. Minsan lang akong magkaroon ng free time nang walang iniisip na homeworks kaya nilubos ko na. Nagkamali pala ako na ginamit ko ang art club bilang dahilan.

"Hindi na tama 'tong ginagawa mo, Clary," hindi siya tumigil sa pagpapaulan ng sermon. "Sinabi ko na sa 'yo na masamang impluwensiya lang ang mga ganyang samahan sa school. Malay ko ba kung anu-anong matututunan mo riyan! Kapag napahamak ka sa pagsali-sali mo sa club na 'yan, bahala ka sa buhay mo."

Hindi ako nagsalita. I want to reserve my energy. There's no point in explaining my side to someone who's not ready to listen, to someone who's not willing to understand. They will always interpret it as arguing. They will always view your assertiveness as disrespect.

"Puro ka drawing, eh 'yong mga pangkulay mo, nakatambak lang kung saan-saan. Tigilan mo na ang pagbili ng mga 'yan dahil nagsasayang ka lang ng pera. Buti sana kung kumikita ka sa ginagawa mo, kaso hindi, 'di ba?!"

Ibinaba ko ang bag ko at nagtanggal ng sapatos. Hindi ko na pinapakinggan ang mga naririnig ko. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa.

"Tingnan mo nga ako, Clary," matalim ang tingin ni Mama sa akin habang may hawak na walis. "Tingnan mo ang kalagayan ko. Nagkakasakit na ako kakatrabaho para buhayin ka, tapos kung anu-anong inaatupag mo. Napupuno na ako sa 'yo,"

Hindi ko siya magawang tingnan sa mata. Naninikip ang dibdib ko. "Magbibibis na po ako."

"Ito ba, ha?!"

Laking gulat ko nang biglang ihagis ni Mama ang mga sketch pad kong nakapatong sa cabinet. Umawang ang labi ko sa ginawa niya.

Napapitlag ako nang sunod niyang ihagis ang iba pang pangkulay kong nakaayos sa cabinet kaya nabasag na 'yong mga lalagyan. Humugot ako ng hininga. "Ma, ano ba?"

Kinuha ko ang art materials ko sa sahig. My head is pulsing. Hindi ba niya alam na pinag-ipunan ko ang mga ito? Ano ba'ng problema niya?

"Pinag-aaral ka namin para makapagtapos, hindi para atupagin 'yang mga walang kwentang mga bagay na 'yan! Gastos lang 'yan, Clary! Anong akala mo sa pera, basta-basta lang napupulot? Hindi ka nag-iisip!"

Nagpulot lang ako ng mga lapis, pen, at brushes na nakakalat. Nanlalabo na ang paningin ko. Bumabagsak na pala ang mga luha ko.

Umiiyak ka na naman, Clary. Hindi ka ba napapagod?

"Akala mo ba may mararating ka kapag sinunod mo 'yang gusto mo? Wala! Walang mangyayari-"

"Kung wala na kayong natitirang tiwala sa akin, ako, may natitira pang kaunting tiwala sa sarili ko," I faltered. "Huwag niyo sana tuluyang sirain 'yon."

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon