Chapter 19

79 6 0
                                    

"Alam mo bang ikaw dapat ang sosorpresahin ko kasi hindi mo naman alam na pupunta ako? Iyon pala, kayo ang may nakahandang surprise para sa 'kin."

Tinitigan ko ang makulay na letter cutting sa pader which says 'Happy 18th Birthday Clary' at ilang metallic balloons sa gilid nito. May nakasabit pang polaroid pictures ko at mga bulaklak. I smiled, appreciating every bit of their effort.

"Why would you do that? Ikaw nga ang dapat i-surprise ngayong araw," sagot ni Sean kaya tumawa na lang ako.

Umuwi na sina Pat, Iggy, at Guia pagkatapos naming magligpit ng kwarto dahil lumalalim na rin ang gabi. Nagpaiwan pa ako rito sa ospital dahil susunduin daw ako ni Papa pagkatapos niya sa trabaho. Ayaw ko rin namang umuwi nang maaga dahil mag-isa lang ako sa bahay.

"You're old," Sean commented while slouching back on his reclined bed.

"Isang taon lang ang gap natin. OA mo," I gave him a side eye.

Niregaluhan ako ni Guia ng kwintas na may semicolon pendant. I was so touched, I wore it right away. Mayroon pa silang sinulat na letters para sa akin at inipon nila iyon sa isang maliit na jar na may design. Oras na para basahin ang mga letters kaya umupo ako sa sofa at binuksan ang jar.

"Galing kay Pat." Binuklat ko ang unang papel na nakuha ko.

Happy HBD more MBTC to come. SHOT PUNO!

Charot. Happy birthday, Clary! Alam mo, sobrang unexpected ng friendship natin. Ayoko sa 'yo noong una kasi feeling ko masungit ka at suplada at mahirap pakisamahan, pero mali pala ako. Na-a-appreciate ko kapag nag-o-open up ka sa amin dahil alam kong pinagkakatiwalaan mo kami. Salamat dahil napagtiyatiyagaan mo 'tong kakulitan ko.

Enjoy your special day! Sana maging masaya ka araw-araw. Palagi naming ipapaalala sa 'yo na nandito lang kami. Lapit ka lang sa 'kin kapag wala kang masandalan. Punuin mo ng pagmamahal ang sarili mo, ah! Gawin mo lang ang mga bagay na nagpapasaya sa 'yo. Chase your dreams. Alam ko namang magiging successful ka someday. I wish you all the best!

P.S. Painom ka naman.

Nagmamahal,
Patty

Napangiti ako nang malawak dahil sa nabasa.

"Ano'ng sabi?" tanong ni Sean.

"Magpainom daw ako," I chuckled. Ni hindi pa nga ako nakakatikim ng kahit anong alcoholic drink. Patricia talaga, oh.

Ang sunod na nabunot kong letter ay galing kay Iggy.

Happy 18th, Clary! Pwede ka nang makulong. Ninakaw mo pa naman ang puso ng utol namin.

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon