Chapter 21

77 5 0
                                    

"Jaiden ang pangalan niya, Pa."

Inuwi ko muna si Jaiden sa amin. Okay lang naman daw na nandito siya basta't huwag magkakalat ng dumi sa loob ng bahay. Ginawan ko siya ng higaan sa kwarto ko at bibili na lang ako ng litter box kapag nakaipon na ako.

"Dito ka lang, ha? Huwag kang aalis," bulong ko habang nilalagay siya sa kahon na ginawa ko.

"Saan mo ba napulot iyan?" tanong ni Papa habang pinagmamasdan ako. "Paliguan mo kaya muna."

Ginawa ko ang sinabi niya at pinaliguan si Jaiden dahil ang dungis-dungis niya noong natagpuan ko sa rooftop. Lumabas din ako saglit para bumili ng cat food. Kinabukasan, kinailangan ko siyang iwan sa bahay dahil may pasok na ako sa school.

"Pass your papers. Hindi ko na tatanggapin kung hindi iyan makakarating sa akin ngayon."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil alam kong mali-mali ang mga sagot ko sa quiz namin ngayon sa Statistics and Probability. Hindi ako makapag-focus sa pagso-solve. Wala na akong nagawa kung 'di ipasa na lang ang papel ko. At least it's over.

"Wala ng papel? Okay, class dismissed."

Napahawak ako sa noo. Pakiramdam ko kanina, lutang ako kaya hindi ako nakapagsagot nang maayos. Ang daming bumabagabag sa isip ko. Minsan naalala ko si Jaiden. I wonder what's he doing at home. Mabait naman siyang pusa at hindi siya nangangalkal ng ulam. May litter box na rin siya at sigurado akong hindi siya tatae kahit saan. Sana lang ay hindi siya makabasag ng gamit.

"Clarita, anong sagot mo sa number 5? Feeling ko, wala 'yung sagot sa choices," nilapitan ako ni Guia.

"Ewan ko. Ayaw ko nang isipin, na-s-stress ako."

Bumungisngis na lang si Guia sa sinabi ko at lumapit sa iba naming kaklase para magtanong tungkol sa quiz. Dinukot ko ang headset at cellphone ko mula sa bag dahil wala pa naman ang susunod naming prof.

Pagkabukas ko ng phone, bumungad ang isang nakapagtatakang notification galing sa Gmail. Kumunot ang noo ko. Agad kong binuksan ito upang basahin ang email.

Greetings, Ms. Clary!

This is to confirm your registration to the 2020 Likhang Sining National Students Art Competition. We are pleased to inform you that you are officially qualified to join the On-the-spot Painting Category which will be held on-

Aba, sandali, ano 'to?! Bakit ako nakatanggap ng ganitong email? Wala akong naaalalang nag-register ako para sa ganitong competition!

Nilingon ko si Guia habang nakakunot ang noo. Alam kong alam niya kung ano ang ibig sabihin nito. Secretary siya ng Campus Art League, siguro naman may alam siya tungkol dito.

Napatigil siya sa paglalagay ng pulbo sa mukha at tumingin sa akin. Lumapit ako't ipinakita ang screen ng phone ko.

"Hoy, ano 'to?"

She was startled at my sudden action. "Ano 'yan? Bakit ako?"

I almost rolled my eyes. "Basahin mo."

Binigay ko sa kanya ang phone. Pinagmasdan ko siya habang binabasa ang email, nag-aabang sa magiging reaksyon niya.

"Oh my gosh!"

Napapitlag ako nang bigla siyang sumigaw at napatakip pa sa bibig na akala mo naman ay nanalo ako sa lotto. Muntik ko na siyang mahampas dahil doon.

"OMG, sumali ka rito, Clary? Good luck girl! I'm so proud of you!" tuwang-tuwa pa niyang sabi.

"Hindi ako sumali diyan, ah!"

StumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon