If you feel cringe or childish feel free to leave this story I don't mind and if you stay to read this thank you very much!
Nandito ako ngayon sa tapat ng classroom nila Damian ang aking ultimate crushie, hinihintay ko siyang lumabas ng kanilang classroom para ibigay sakanya ang hawak ko na lunch box, every breaktime binibigyan ko siya ng lunch box at ako mismo ang nag luluto ng ulam na ibinibigay ko sakanya.
Sana nga kinakain niya ang mga binibigay ko kasi maaga palang nag-hahanda na ko para maipag luto ko siya, hindi na nga ako nakakapag-almusal para lang makapag luto ako ng ibibigay ko sakanyang pag-kain, sayang lang kung hindi niya kinakain.
Sumilip ako ng kaunti sa pintuan nila para tignan kung lalabas ba siya ang kaso nga lang nakita ko siyang nakaupo habang may headset na naka sabit sakanya tila wala itong balak kumain.
lumingon-lingon ako kung may mga stuyante ba sa loob ng classroom nila at sakto walang stuyante siya lang mag-isa ngayon, papasok nalang ako sa loob ng classroom nila para ibigay itong lunch box natural siya lang naman mag-isa roon.
Bago ako pumasok lumingon-lingon muna ako sa hallway kung may mga tao pa doon na dadaan,sakto naman at walang tao sa hallway kaya dahan-dahan na kong pumasok ng classroom nila.
Nang makapasok na ko sa classroom nila dahan-dahan ako naglakad papunta sa kinauupuan ni Damian,nakita kong gumalaw siya ng kaunti kaya tumigil ako sa pag-lalakad ko at baka mapansin niya ako.
Nakalapit na ko ngayon sa kinauupuan ni Damian nasa likod niya ako kaya dahan-dahan akong yumuko para kalabitin siya.
Kinalabit ko siya ng mahina hindi naman ito lumingon at sa pangalawang kalabit ko rito humarap na siya at tinignan ako ng masama, natakot naman ako pero hindi ko ito pinahalata sakanya
Deretso lamang at tingin ko sakanya,ng mapansin siguro nito na wala akong sasabihin tinaasan ako nito ng kilay.
"What!"iritado nitong tanong.
"Uhmm...ano kasi"iyon lang ang naisagot ko sakanya.
"If you don't say anything you can leave now"pagtaboy nito sa'kin
"You're annoying, you disturbed my sleep,"dag-dag pa nito
Nasaktan naman ako sa sinabi nito pero, hindi parin ako umalis sa likodan niya at nag-salita na lang ako ulit, para hindi niya mapansin na nasaktan ako pero kahit mapansin niya akong masaktan alam kong wala parin siyang pake sa'kin.
"Uhmm...pinag-luto kasi kita ng ulam na alam kong gusto mo"nahihiyang kong sabi at nag-iwas ako ng tingin.
"Ito oh sana magustohan mo iyong niluto ko"itinaas ko ang lunch box na hawak ko at pinakita sakanya.
"No thanks,I'm full"pag-tanggi nito sa lunch box
"Paano ka niyan mabubusog eh hindi ka nga kumain, hindi nga kita nakitang lumabas ng classroom niyo para pumuntang cafeteria eh"
"Are you stalking me?" gigil na tanong nito sa'kin
"You don't care if i don't eat, you're not even my girlfriend!"madiin nitong dag-dag.
Oo nga naman hindi niya ako girlfriend para pilitin ko siya kumain haha. ang sakit putcha pero kahit nasasaktan na ko hindi ko itopinahalata sakanya.
"U-uhmm..."iyan na lang ang aking naisagot sa mga sinabi niya masyado na kong nasasaktan pero pinapag-patuloy ko pa rin kasi hindi ko lang siya gusto kung di mahal ko na din siya...
YOU ARE READING
J'attendrai Series #1 (on-going)
RandomFarah Lavinia Morris, a woman with a heart as vibrant as the wildflowers she loved to paint, found herself drawn to a man who challenged her spirit. He pursued her relentlessly, his passion a whirlwind that both captivated and intimidated her. Despi...