Ilang-linggo din akong hindi naka pasok mula noong nalaman ko na ang lahat.Ilang bese din nag-tangkang kausapin ako ni Damian pero pinipigilan siya nila kuya halos araw-araw nas iyang pumupunta dito samin kahit halos mamatay na siya hindi parin siya tumitigil sa pag-punta rito samin.
Ilang beses na siyang binalaan nila kuya na kapag ka pumunta ulit siya rito baka mapatay na siya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-punta dito, naalala ko tuloy noong isang araw na pumunta siya rito at nag-mamakaawa na pag-explanin ko siya tinutukan siya ng baril ni kuya Far
Nagulat nga ako dahil meron siyang baril siguro for some reason kailangan niya ng ganoon baka nga hindi lang siya ang meron nun baka ang iba ko pang kuya ay meron din hindi na ko magugulat o mag-tataka kung pati sila meron din.
Nag-desisyon ako na pumasok na ngayong araw dahil ang dami ko ng absent dahil sa nangyari at baka mahuli na din ako sa mga lesson namin kung hindi pa ako papasok ngayon.Iiwasan ko na lang siya kapag nakasalubong namin ang isa't isa.
Malapit na kami sa university ni kuya Far siya ang maghahatid sa'kin simula ngayon at ang susundo naman sa'kin ay si kuya Laxus para daw kapag ka may masamang mangyari may po-protekta sa'kin kaagad.Nung una ayoko pa sana iyong gusto nilang mangyari pero mas pinaintindi nila sa'kin kung bakit kailangan na hatid sundo nila ako.
Palapit na kami ng palapit mas lalo na din akong kinakabahan dahil ilang linggo akong hindi pumasok mabuti na lang talaga nag-sabi din kaagad sila kinabukasan sa teacher namin na hindi muna ako papasok ng ilang linggo mabuti na lang din hindi nila sinabi ang totoong dahilan ang sinabi lang raw nila ay may sakit ako.
Nasa harap na kami ng university pero hindi pa rin ako bumababa dahil sa kaba na nararamdam ko ngayon na pansin kong napatingin sa'kin si kuya Far na may pag-tataka sa mukha niya nagkatinginan kami sa mata pero umiwas rin ako kaagad.
"Bakit hindi ka pa lumalabas ng sasakyan?"takang-tanong ni kuya Far
"A-ano k-kasi kuya k-kinakabahan akong pumasok ngayon"sagot ko at napayuko pa ako.
"Kung ayaw mo pa pumasok wag na mag-pahinga ka na lang ulit muna sa bahay tsaka ka na lang pumasok kapag handa kana"umiling-iling ako sa sinabi ni kuya Far papasok ako kahit hindi pa malakas loob kong makita siya.
"Isasama na lang kita sa trabaho ko para makapag ikot-ikot ka naman at makalanghap ng sariwang hangin"dag-dag pa ni kuya Far.
"Papasok ako kuya sadyang kinakabahan lang talaga ako"sagot ko.Tumango lang ito at ngitinian ako.
"If something bad happened just call me or your other kuyas,ok?"masuyong ani ni kuya Far, tinanguan ko lang si kuya.
'"Opo kuya"magalang kong sagot at sabay nginitian ito na pinapahiwatig na ok na ako at kaya ko ng pumasok.Bago ako umalis ng tuloyan ng sasakyan ni kuya Far hinalikan ko muna ito sakanyang pisnge at tinanguan.
"Babye kuya ingat sa byahe love you!"sigaw ko rito habang nag-lalakad palayo binuksan kasi nito ang kanyang bintana,kumaway-kaway rin ako at kumaway rin si kuya pabalik bago siya tuloyang makalayo tinitignan ko lang ang kanyang sasakyan hanggag mawala ito sa paningin ko.
Habang nag-lalakad ako papuntang buildig namin pinag-titinginan ako ng mga tao roon at iyong iba pa ay may binubulong sa mga kasama nila kaya iniiwasan ko ang tingin sakanila dahil ayoko ng gumawa na mas lalong ikakasira ko sa university namin.
Nag-lakad takbo na lang ako para mabilis makarating sa building namin habang tumatakbo ako may bigla akong nasanggi kaya napaupo ako kaagad"di ko inaasahan yun ah"wika ko sa aking isipan.
YOU ARE READING
J'attendrai Series #1 (on-going)
AléatoireFarah Lavinia Morris, a woman with a heart as vibrant as the wildflowers she loved to paint, found herself drawn to a man who challenged her spirit. He pursued her relentlessly, his passion a whirlwind that both captivated and intimidated her. Despi...