Chapter 5

541 6 0
                                    



Bigo kaming lumabas ng bahay namin,kahit anong gawin namin hindi talaga kami pinayagan kaya naka simangot kami ngayon sa loob ng kotse ni Lith.


"Paepal talaga sila kuya kahit kailan lagi na lang ako hindi pinapayagan"maiyak-iyak kong saad.


"Kung tumakas na lang kaya tayo ano?"excited na aniya ni Lith 


"Kung pwede lang sana edi dapat kanina pa tayo tumakas"malungkot kong sabi.


"Tara na takas na lang tayo sulitin na ba natin para pag-uwi sulit din yung sermon nila"natatawang ani ni Lith 


"Sige na nga"natawa na rin ako


"Paandarin na ang sasakyan"excited kong sabi habang nakaturo sa harapan


Pinaandar na ang sasakyan,bago man makalayo ang sasakyan sinilip ko muna ang gate namin sakto naman itong naka-sarado na.


Nakarating na kami ngayon sa destination namin hindi na rin kami nag-pakalayo-layo dahil baka abutin pa kami ng gabi kung walang pasok bukas pwede pa kaso may pasok na kaya dito lang kami sa mall mag-gagala.


"Farah saan gusto mo pumunta?"tanong ni Lith ng makapasok na kami sa loob ng mall


"Sa timezone muna tayo"excited kong sagot.


"Tara-tara"pag-aaya nito sa'kin at binilisan na namin ang lakad namin.


Nakarating na kami dito sa timezone kaya pumila na kami sa bilihan ng card, ang dami tao ngayon pero kahit madaming nakapila mabilis kami nakabili ng card.


isang oras mahigit na kami rito sa timezone hindi parin kami nag-sasawa para kaming mga batang first time lang makapasok sa isang arcade.


nang matapos kami sa lahat ng mga laro dito nag-desisyon na kami kumain kasi nagugutom na talaga kaming dalawa.


Napili naming kakainan sa Mcdo na lang kasi ito lang pinaka malapit na kainan sa timezone,ng makapasok kami sa loob ng mcdo nag-order na rin si Lith.


Walang masyadong tao ngayon dito sa Mcdo kaya naka-hanap agad ako ng mauupuan namin, habang naka upo ako may napansin akong familiar na nakaupo malapit sa lamesa namin.


Tinitigan ko itong mabuti ng medyo lumingon ako napagtanto ko na si Damian ito,nag-iisa siya parang may inaantay,tama ang hinala ko na may inaantay siya kasi may lumapit na magandang babae sakanya at ngitian siya nito.


Nginitian din ito pabalik ni Damian,biglang bumigat ang pakiramdam ko sa nakikita ko ang sakit gusto ko lang naman maging masaya ngayon pero bakit parang ayaw ng tadhana na maging masaya ako.


Kaya pala pinag-tutulakan ako kasi may girlfriend na kahit hindi niya sinabi halata naman sa mga ngiti niya doon sa babaeng katapat niya.

J'attendrai Series #1 (on-going)Where stories live. Discover now