Chapter 8

444 13 2
                                    


Halos isang oras din ako sa loob ng cubicle kaya napag-desisyonan ko na lumabas na ng cr kasi paniguradong hinahanap na ako ni Lith pero bago ako tuloyang lumabas sinilip ko muna ang aking sarili sa salamin na nandito sa cr.


"Parang multo naman ako sa itsura ko ngayon."malungkot kong wika sa aking sarili.


Kaya nag-hilamos muna ako at pinunasan ang mukha ko sakto naman na pag ka kapa ko sa bulsa ng palda ko ay may panyo doon kaya nag punas na rin ako kaagad.


Pag-katapos ko mag-punas tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin at nag-ayus ng kaunti ng maayos na ang aking itsura lumabas na rin ako.


Sakto namang pag-labas ko pagdaan din ni Lith medyo na gulat pa ito ng biglang pag-labas ko ng cr ng girls.


"Hoy!babaita nandiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap tapos hindi mo pa sinasagot mga text at tawag ko."pag-susungit niya sa'kin.


"Anong nangyari sayo bakit maga yang mata mo?"takang tanong nito.


"Akala ko ba pupunta ka sa classroom nila Damian bakit ka nandito?"sunod-sunod niyang tanong.


"Uhmm..."hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang nangyari kanina kapag ka sinasabi ko kasi baka isumbong na niya talaga ako kanila kuya.


"Sabihin mo sinaktan ka nanaman ba nung Damian na yon?"taas kilay niyang tanong.


Kaya wala na kong nagawa tumango na lang ako para mabawasan din itong sakit na nararamdaman ko ngayon.


"Tell me what Damian did to you"mahinahon pero seryosong tanong ni Lith sa'kin.


"Mamaya ko na sasabihin sayo"mahina kong sagot.


"Sige, basta sabihin mo sa'kin"pang sangayon niya na lang.


"Tara na nga kaunti na lang tao ngayon dito sa building natin"pag-aaya niya.


Tumango lang ako at nag-lakad na kami palabas ng building namin,palabas na sana kami ng building namin ng makasalubong namin si Damian na masama ang awra.


Napayuko na lang ako ng tignan ako nito ng masama tila papatayin na niya ako sa mga titig niya, kung hindi lang ako hinila ni Lith palabas sa building namin panigurado baka mapahiya nanaman ako.


Hila-hila parin ako ni Lith hanggang makarating kami sa gate ng campus ng narating na namin ang gate doon lang ako binitawan niya.


"Oh bag mo nga pala"sabi niya sabay abot ng bag kong naka sukbit sa balikat niya.


"Wag kang mag-alala ginawan kita ng notes baka alalahanin mo iyon"


"Yan kasi skip pa ng subject natin, pasalamat ka may mabait slash maganda kang kaibigan na gagawan ka ng notes "pahangin niyang sabi.

J'attendrai Series #1 (on-going)Where stories live. Discover now